CHAPTER 4

261 8 0
                                    

===CHAPTER 4===


Naalimpungatan ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama sakin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang umaga na pala. Pupungas pungas akong bumangon. Wala si Lion sa tabi ko kaya agad na rumehistro ang lungkot sa mukha ko.

' Umalis ba sya? '

Agad akong umalis sa kama at derederetsong lumabas sa kwarto. Good thing na suot ko ang polo ni Lion. Kahit papano ay may takip ang kahubdan ko.

Nagulat pa ako ng makitang may basket na pang picnic sa lamesita. Napatingin ako sa kusina ng may marinig ako mula doon. Naamoy ko din ang mabangong aroma ng kung ano mang niluluto doon.

" Lion? " tawag ko at naglakad papuntang kusina. At hindi nga ako nagkamali.

There he is. Nakatalikod sya sakin at may niluluto sya. Nakangiti syang lumapit sakin at hinalikan ako sa labi.

" Goodmorning. " he said as he kissed my forehead. Medyo naconcious tuloy ako. Hindi manlang ako nakapaghilamos at nakapagmumog! Kahiya!

" A-Anong niluluto mo? At ano yon? " tanong ko sabay tingin sa picnic basket. Lumayo din ako sa kanya ng konte.

" We're going on a picnic. " he said smiling. Nangunot naman ang noo ko.

" A picnic? Akala ko ba magdedate tayo? " nagtataka kong tanong.

" Exactly. It's a picnic date. " sabi nya sabay kindat saka bumalik sa niluluto nya.

Napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga umalis na sya.

Hindi ko na muna sya inistorbo sa pagluluto. Pumasok na lang muna ako sa kwarto at naligo. Nagbihis na din ako dahil mukhang kanina pa nakaligo si Lion.

Nagsuot ako ng floral dress na kulay yellow at tinernuhan ko lang yun ng flat sandals. I just want to be simple today. Para na rin hindi makaakit ng atensyon. I also did a simple make up to finish the look.

" You look perfect. " he said pagkalabas ko sa kwarto as he grabbed my waist and kissed my temple. Natawa na lang ako sa kanya. " I'll just fix myself and we're going. "

Tumango na lang ako sa kanya. Hinalikan nya ulit ako bago sya pumasok sa kwarto. Napatingin ako sa picnic basket na nasa lamesita. Nakahanda na yun at mukhang nandon na din ang mga pagkain namin. Mukhang pinaghandaan nya talaga to ah.

Medyo natagalan din si Lion kaya naman nag-open muna ako ng Instagram. Hindi na ako nagulat ng bumungad samin ang picture namin ni Clyde na magkasamng sumakay sa kotse at nakain sa restaurant. May picture pa na nakuha akong nakahawak sa braso ni Clyde. Maybe ito yung time na hinampas ko na mahina si Clyde sa braso. Napailing na lang ako.

Mayamaya pa ay lumabas na si Lion  sa kwarto. Basa ang buhok. Mukhang naligo sya ulit. Hihi. He's wearing a navey blue polo, plack pants and white adidas rubber shoes.

" Hey handsome. " lumapit ako sa kanya at kumuyabit sa leeg nya. Agad naman nya akong hinalikan. Pero agad din akong bumitaw dahil baka hindi na kami matuloy sa picnic date namin kapag tumagal pa. " Let's go? "

" Ladies first. " sabi nya kaya naman nauna na nga akong lumabas ng pinto.

Sya ang may bitbit ng basket. Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil baka may makakita pang paparazzi sakin at sundan ako. Kotse na lang ni Lion ang gagamitin namin. Nagsuot din ako ng sunglasses at malapad na sumbrero.

" Don't worry. Private property ang pupuntahan natin. Walang ibang tao dun. " he said nung nasa elevator na kami.

" You're really prepared for our date, huh? "

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon