CHAPTER 10

376 12 0
                                    

===CHAPTER 10===


Kanina ko pang tinititigan ang dress na nakalatag sa ibabaw ng kama ko. Nagtatalo ang puso at isip ko kung pupunta ba ako o hindi.

Napailing ako at huling tiniklop ang dress.

' Hindi Tori! Tama na! Hindi ka pupunta. Para mo na ring sinaksak ang sarili mo kapag pumunta ka! '

Nagpacheck up na ko kanina. Sinamahan ako ni Linda. At nakumpirma naming buntis nga ako. I'm two months pregnant. At normal lang daw ang pagkahilo at pagsusukang nararanasan ko.

Napahawak ako sa tiyan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may buhay na sa tiyan ko.

" Kapit ka lang kay Mommy baby ah. Gagawin ni Mommy ang lahat para maging healthy ka. " pagkausap ko pa sa tiyan ko.

' At least may maiiwang ala-ala ang pagmamahalan namin ni Lion. '

Napatingin ako sa mga dalawang malaking maleta sa sulok ng kwarto ko.

' Panahon na para bumangon at tumayo para sa anak ko at para na rin sa sarili ko. '

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Linda.

[" Yes Madam? "] sabi nya pagkasagot ng tawag.

" Okay na ba ang ticket ko? "

[" Yes Madam. Dala ko na po at OTW na po ako. "]

" Good. Maraming salamat Linda. "

Napabuntong hininga ako. Tumayo na ako at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ko.

Mayamaya ay dumating na si Linda at kasama pa nya si Clarisse.

" Ihahatid ka namin. " sabi ni Clarisse. Napangiti naman ako at yumakap sa kanya.

" Salamat. "

" Heto po Madam ang ticket nyo. " sabi ni Linda at ibinigay sakin ang Ticket ko kasama ng passport ko.

" Salamat. Don't worry, inaasikaso na ni Trisha ang mga papeles mo para makasunod ka kaagad sakin. " sabi ko at tumango naman sya.

Silang dalawa ang may dala ng maleta ko hanggang sa makasakay kami. Inihatod talaga nila ako sa airport. Madami silang naging bilin sakin. At nagpasalamat din ako sa kanila dahil napakalaki ng itinulong nila sakin.

Nung nasa waiting area na ko ay nagtext ako sa ilang mga kaibigan na kaclose ko. Nagpaalam ako sa kanila na aalis ako ng bansa for good pero hindi ko sinabi kung saang bansa. Nagmessage din ako kay Kyla. I congratulated them for their engagement. Nagpaalam na din ako sa kanya. Pagkatapos ay napagdesisyunan kong ideactivate na ang mga social media accounts ko. Pinalitan ko din ang sim card ko. Kumuha lang ako ng mga contacts na importante.

' Kakalimutan ko na ang nakaraan at magsisimula ulit ako kasama ang pamilya ko. '

Nung nakasakay na ko sa erplano at unti unti na itong tumataas ay sya namang pagbagsak ng mga luha ko.

Napahawak pa ako sa tiyan ko.

' I'm sorry anak. Kinailangan kitang ilayo sa ama mo. Sana napatawad mo ako. '

' Kahit na kulang tayo, ipinapangako ko sayong pupunuin kita ng pagmamahal at itutuon ko sayo ang buong atensyon ko. '

' Hindi ka mo pa man nakikita ang mundo, mahal na mahal na kita anak. Mahal na mahal ko kayo ng Daddy mo. At kahit kelan hindi magbabago yun. '

Pagkarating ko sa airport ang Chicago ay tinawagan ko si Mama.

[" Hello? Who's this? "]

" Ma? It's me Tori. Ahm pwede mo ba akong sunduin dito sa airport? Nandito na ko sa Chicago. "

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon