CHAPTER 20

487 31 8
                                    

===CHAPTER 20===

" Trish, ano ba to? San ba tayo pupunta? " reklamo ko kay Trish ng piringan nya ang mata ko.

" Basta. Chill ka lang. " sabi nya at paruloy akong inakay papunta sa kung saan.

" Bakit kailangan pang may ganito? Sabi mo saglit lang ah. Nilalagnat si Scarlet kaya hindi ako pwedeng magtagal. " sabi ko.

Kanina ay sinundo ako ni Trisha sa condo. May pupuntahan lang daw kami saglit. Sakto namang bibili din ako ng gamot ni Scarlet dahil hindi pa din bumababa ang lagnat nya. Napacheck up ko na sya kaninang maga at may niresetang na gamot ang doctor pero hindi pa rin sya gumagaling. Bumabalik ang lagnat nya. Balak ulit namin syang dalhin sa doctor bukas. Si Linda lang ang naiwan don.

" Ano na? " inip na inip kong tanong sa kanya ng tumigil kami sa paglalakad.

" Eto na po. Tatanggalin na natin ang blindfold mo. " sabi nya at naramdaman ko tinatanggal na nya ang blindfold ko.

" Ano bang mer---OH MY GOSH! " hindi na natapos ang sasabihin ko ng biglang may pumutok na confetti.

" HAPPY BIRTHDAY!! " sabay sabay nipang bati sakin.

Gulat na gulat naman akong nakatingin sa kanina. Hindi pa ako nakakarecover sa pagkagulat.

" A-Anong... " tumingin ako kay Trisha at ngumiti naman sya sakin.

" Happy birthday. Hahaha akala mo nakalimutan ko noh? " sabi pa nya.

Agad na nabubig ang mata ko.

" Birthday ko na ba ngayon? " hindi makapaniwalang tanong ko. Nawala naman ang ngiti nilang lahat.

" Nagka-amnesia ka ba at sarili mong birthday ay nakalimutan mo?! " sabi ni Trisha at napailing pa. Natawa naman ang iba. " Hay nako! Stress na stress ka kasi eh. Halika muna rito at magrelax ka. "

Kanya kanya silang bati sakin habang higit higit ako ni Trisha. Nagpasalamat naman ako. Noon ko pang naiuli ang paningin ko at doon ko lang nalaman na nasa bar pala kami.

" Hindi mo sinabi na sa bar pala ang punta natin. Hindi manlang ako nakapag-ayos. " reklamo ko.

Nakapantalon at polo lang kasi ako. Nakatuck-in lang ang harapan niyon. Simpleng simple lang ang suot ko. Psh.

" Tungiks. Edi hindi na surprise yon." Sabi nya at nginiwian pa ako.

Naupo kami sa isang couch kung saan sari sari ang alak na nandon. Tinagayan agad nila ako pagkaupo ko. Hindi naman ako nakatanggi. Pero hindi na yun nasundan dahil tumanggi na ako. Sabi ko ay hindi ako pwedeng magpakalasing dahil kay Scarlet.

Magdadalawang araw na syang may lagnat. Pabalikbalik ang lagnat nya. Hindi na din sya gaanong kumakain. Kaya naman kinakabahan na ako at hindi ako mapakali kahit na napacheck up ko na sya. Tinawagan ko na din kanina ang family doctor namin sa ibang bansa at sinabi ko sa kanya ang lagay ni Scarlet. She suggested to bring Scarlet into the hospital dahil baka daw iba na yon.

Habang nagkakasiyahan ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bar. Hindi ito ang bar ni Clyde. Nakita ko sya kanina pero nawala din sya agad. Kumusta na kaya sila ni Ellaine?

Napatingin ako sa pinto ng bar nang may pumasok na pamilyar na pigura ng lalaki. Napataas ang kilay ko ng makita ko Lion.

His intimidating presence spread in the whole bar. Napapatingin sa kanya lahat ng tao. He roamed his eyes around the place until our eyes met. Tumagilid pa ng bahagya ang kanyang ulo na para bang pinag-aaralan ako saka sya ngumisi at namulsa.

Kumabog ang dibdib ko ng magsimula syang lumapit sa pwesto namin.

" Ay nandyan na si Mr. Pogi. " sabi ni Trisha kaya naman napatingin ako sa kanya. Tumingin din sya sakin at nginisian ko.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon