CHAPTER 18

517 22 8
                                    

===CHAPTER 18===


Napatulala ako sa anak ko dahil sa sinabi nya.

" W-What? " tanong ko pa. She just blink at me with a wide smile. Napatingin ako kina Mama. Gulat din ang reaksyon ni Mama ngunit si Papa ay nanatiling walang reaksyon. Ibinaba ko si Scarlet saka ako lumuhod sa harap nya upang magpantay ang height namin. I caress her cheek. " Anak? W-What do you know about your daddy? "

She pouted and played with her fingers. " My playmate shaid that I shupposed to have a daddy too. Like them. He shaid that if I don't have my Daddy, It mean'sh that I'm not a human. "

" Anak, that's not true, okay? Even though you're Daddy is not with us, It does not mean that you're not a human. "

" But where ish he Mommy? Why can't we shee him? " tanong nya at itinagilid pa ang ulo.

Napipi naman ako. Wala akong maisagot sa kanya. " H-He's far away from us, anak. "

"*Gasp*" naitakip nya ang dalawa nyang maliit na kamay sa bibig nya. Agad ding nanubig ang mga mata nya. I-Ish he dead Mommy? Like Shilo? "

" N-No! No baby. He's not, okay? He's just... He's just in a far country. " sabi ko naman. Naisali pa talaga nya ang alaga nyang butterfly na si Shilo. Inlagaan nya kasi iyon nung caterpillar palang tapos hanggang sa maging butterfly ito. Alam naman nating lahat na hindi naman nabubuhay ng matagal ang mga butterflies. Kaya nung namatay ito ay sinabi kong patay na ito at nasa heaven na.

" Leally Mommy?! " she said with her sweet voice. Tumango na lang ako. " When can we meet him, Mommy?! I misshed him! "

Halos tumalon talon pa sya sa sobrang tuwa. Naawa tuloy ako sa anak ko. Masama na ba akong ina dahil pinagdadamutan ko syang kilalalin ng ama nya? Ayaw ko lang naman syang masaktan kung sakali.

" When Mommy?! When?! " excited na tanong nya. Hindi ko tuloy mapigilang pamuuan ng luha. Agad ko syang niyakap upang hindi nya makita na naiiyak ako. Kapag kasi nakita nya yun ay paniguradong iiyak din sya.

" Soon anak... Soon. "

' Siguro tama na ang pagiging selfish ko. Para sa anak ko... '

" Okay ka lang ba, anak? " tanong sakin ni Mama habang nagpeprepare kami ng hapunan.

Napabuntong hininga naman ako. " Hindi ko po alam Ma. "

" Nakita mo na ba sya ulit? " tanong nya. Tamango naman ako bilang sagot. Si Mama naman ngayon ang napabuntong hininga. " Napakaliit talaga ng mundo. "

" Hahanap lang ako ng tyempo, Ma. Sasabihin ko ma sa kanya. " napatingin ako sa anak ko na naglalaro sa sala kasama ng Lolo nya. " Naghahanap na sya ng daddy. At madami na din syang tanong. Ayokong magsinungaling sa kanya, Ma. Ayokong lumaki sya sa kasinungalingan. "

" I'm so proud of you, anak. " sabi ni Mama kaya naman napatingin ako sa kanya at bahagyang napatawa.

" Huh? For what, Ma? "

" For being so brave. Hindi ka natakot na harapin ang responsibilidad nang mag-isa. You raised your child alone. "

" What? No. Hindi ako mag-isa, Ma. Nandyan kayo ni Papa para gabayan ako. "

" I mean, as a parent. Hindi madali ang single parent. " sabi nya na ikinangiti ko.

" It's because of you and Papa, Ma. Nakaya ko lahat ng yon dahil alam kong nandyan lang kayo para sa 'kin. Hindi nyo 'ko pinabayaan at hinusgahan. " sabi ko saka ko sya niyakap. Natawa naman sya at niyakap din ako.

" Of course, you're our daughter. " sabi nya.

Buong araw na kumpleto ang araw ko. Masayang masaya ako dahil kasama ko ang anak ko pati na rin ang mga magulang ko. Kanina ay tinawagan ko ang Ate ko. Nainggit pa sya nung malamang nandito lahat kami sa Pilipinas. Hindi daw kasi sya pwede dahil walang maiiwan sa anak nya. Ang sabi ko naman ay kami na lang ang dadalaw sa kanya kapag hindi na busy ang schedule ko.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon