CHAPTER 9

238 10 0
                                    

===CHAPTER 9===


" Sigurado ka na ba? " napatingin ako kay Clarisse bago tumango.

" My family needs me now. I had enough for myself, Clarisse. Panahon na para bumawi naman ako sa pamilya ko. " sabi ko at ngumiti naman sya.

" So you finally grown up? " she chuckled. " I'm happy. "

" Tsh. "

" *sob* *sob* Madam... *sob* " kunot noo akong lumingon kay Linda at nagulat pa ko ng makita syang umiiyak.

" What the h*ll? Bakit ka umiiyak? " tanong ko sa kanya. Ngumuso naman sya.

" Eh kasi naman Madam... Mamimiss kita eh. " sabi nya na ikinatawa namin ni Clarisse.

" Suuus! Ang sabihin mo kapag umalis si Brey mawawalan ka ng trabaho. " pang-aasar naman ni Clarisse na ikinatawa ko at ikinanguso naman lalo ni Linda.

" H-Hindi naman po Ma'am Clarisse. Mamimiss ko lang po talaga si Madam. " dahilan nya.

" Don't worry Linda. I think I'll be needing some secretary in our company. Hindi ba sabi mo dati ay isa kang secretary sa isang company? "

Naiikwento nya kasi sakin dati na nagtrabaho sya bilang isang sekretarya sa isang kumpanya at tinanggap nya lang ang offer sa kanya ng management namin na maging assistant ko dahil fan ko sya. Weird but I'm thankful that it's her.

" N-Nako Madam! Totoo ba yan?! " mangiyak ngiyak nyang tanong at tumango naman ako. " Kyaaaah! Maraming salamat po! Ang bait bait nyo po talaga Madam! "

She hugged me and I hugged her back. I really like this girl. I want to surround myself with positive people like her. Gustuhin ko mang isama din si Clarisse pero hindi sya pwede dahil hindi lang naman ako ang hinahandle nyang talent. Ako lang ang naging priority nya. And she really loves her job. Hindi nya yun kayang iwan.

" Madam may tumatawag sa inyo. " ibinigay sakin ni Linda ang phone ko na nagbavibrate. Nakasanayan ko na kasing ibigay muna sa kanya ang mga gamit ko kapag nasa shooting ako.

" Salamat. " sabi ko at kinuha ang phone. Nagulat pa ako ng makita kung sino ang tumatawag. Si Mama. Agad ko naman yung sinagot. " Ma? "

[" Tori? Is it true? Babalik ka na dito? "]

" Yes Ma. It's true. Ahm...and I'm going to work on our company. If it's okay with you and Papa. "

[" Of course! Of course baby! Your Papa will be happy to work with you there. "]

" Will he? "

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya. [" Of course. That's what he want from the start, right? I'm sure he will happy. "]

I hope so. I want to make it up to Papa. Gusto kong bumawi sa kanya dahil ang laki ng pagkukulang ko sa kanya bilang anak.

Nang matapos ang shooting ay dumiretso na agad ako pauwi. Apat na araw na pala simula nung makipaghiwalay ako kay Lion at simula din non ay hindi ko na sya nakikita. At pabor naman yun sakin.

Pagkadating sa condo ko ay naligo na agad ako at nagluto. Hindi pa pala ako nakakapaggrocery kaya naman nagluto na lang ako ng instant noodles na nakita ko. Kumain na din ako pagkatapos.

Last day na ng shooting namin bukas at yun na din ang last shooting ko as an artist. Malungkot din naman ako pero mas nangingibabaw ang saya dahil sa wakas ay makakalaya na ako mula sa mapanakal na industriyang pinasok ko.

* KRIIIIING KRIIIIING KRIIIIING KRIIIIING KRIIIIING*

Napatingin ako sa phone ko at nakitang tumatawag si Kyla. Napakagat labi ako at nag-aalinlangan akong sagutin yun pero sa huli ay sinagot ko rin yun.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon