BONUS CHAPTER

315 21 1
                                    

" MOM si LA nga oh! " sumbong ko kay Mommy nang asarin nanaman ako ng bunso kong kapatid.

" LA, ano na naman ba yun? " tanong ni Mom ng makalapit samin. Hinalikan nya ako sa tuktok ng ulo ko. " Ate,pagpasensyahan mo na ang kapatid mo, hmm? " sabi nya na ikinanguso ko. Lumapit naman sya kay LA at kiniliti nya ito sa tagiliran.

" Mom! " sabi pa ni LA na napaigtad at nahulog sa sofa. Natawa tuloy ako sa mukha nya.

" Wag ka kasing makulit. Niloloko mo na naman ang ate mo. " sabi nya kay LA saka ginulo ang buhok nito.

" I'm just saying the truth Mom. Excited talaga syang pumasok sa school para makita ulit yung crush nya! " sabi nya kaya naman pinanlakihan ko sya ng mata.

' Siraulo talaga! '

" May crush ka na ate? " napatingin kami pareho ni LA sa bagong dating. And it was Daddy!

Humalik muna si Daddy kay Mommy bago kami hinalikan sa ulo.

" Wala Daddy! Sinungaling yang si LA! " pagtanggi ko na ikinatawa nila. Pati si LA kaya naman mahina ko syang sinipa sa paa. " Nakakainis ka talaga! "

" It's okay Ate. It's just normal. Ang Mommy mo nga noon, grade 10 palang may boyfriend na. " tatawa-tawang sabi ni Daddy. Sinamaan naman sya ng tingin ni Mommy.

" Bakit naman napunta sakin ang usapan? " sabi pa ni Mommy at kinurot pa nya aa tagiliran si Daddy. Napatawa naman ako sa kasweetan nila.

" Pero promise Daddy, wala pa talaga. Sinungaling lang talaga si LA. " sabi ko pero tinawanan lang nila ako.

Hi! I'm Scarlet Brielle Roxel Martial. I am now 18 years old and a Grade 12 student. Ang kapatid ko naman na si LA ay 10 years old na.

My family is not a perfect family but I can say that I have the best family. And I love them very much.

" Scarlet! Nandon si Kai tara na! " sabi ni Haidie at hinila ako pero agad akong kumuwala sa kanya. " Bakit? "

" Ano ka ba Haidie? Ayaw nya nga sakin 'di ba? Ayaw nya akong makita. Hayaan mo na lang sya. "

Hmp! Hindi ko pa nakakalimutan yung sinabi nya sakin nung isang araw!

" Stay away from me. I don't like you being clingy with me. It's irritating. "

Napakayabang nya! Edi wag! Akala mo naman! Bahala sya sa buhay nya! Nag-abroad lang akala mo kung sino na. Tsh.

NAGULAT ako ng may humigit sakin at hinila na ako sa kung saan. Nakatalikod man sya sa gawi ko ay alam kong si Kairo ang humihila sakin.

Hindi na lang ako nagreklamo. Nagpatinaod na lang ako sa kanya. Nang makarating kami sa music room dun lang kami tumigil sa paglalakad pero nanatili lang syang nakatalikod sakin.

" A-Anong ginagawa natin dito? " tanong ko. Bahagya akong napaatras ng lumingon sya sakin.

" Are you avoiding me? " tanong nya at nilingon ako. Bahagya naman akong napaatras dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakitaan ko sya ng emosyon sa mukha nya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. " H-Hindi ba yun naman ang gusto mo? "

" Fvck! I said that because I'm mad! I'm jealous! Are you numb?! " natigilan ako sa sinabi nya. " I like you Scarlet... "

Ilang beses akong napalunok habang nakatingin sa mga mata nyang punong puno ng emosyon ngayon.

" B-But were cousins—"

" We're not Scarlet. And you know that. " sabi nya kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya. " And besides, cousin is just a word. "

" K-Kairo... "

COUSIN IS JUST A WORD
coming soon....

________________________________________________________________

A/N: Hey guys mababasa nyo din yan soon. Just comment para malaman ko kung gusto nyo bang mabasa or what. Hindi din kasi ako sure kung itutuloy ko ba yung story. Since tapos na ang MBFB, nakafocus naman ako ngayon sa isa ko pang story na nakapost na din.

CARRYING THE BILLIONAIRE'S HEIR

GENERAL FICTION ang genre nya at promise maganda din sya.

Maraming maraming salamat sa walang sawang pagsuporta at paghihintay ng update sa story nina Lion at Tori. Actually hindi ko talaga ineexpect na madaming magbabasa hindi lang dito sa wattpad. Pati na din sa facebook.

Kaya lang on going pa rin sya sa facebook kasi hindi ako masyadong nakakapag-update doon. Anyways, sana suportahan nyo pa din ang iba kong story na sinusulat.

If you have any further questions you are free to message me here in wattpad or in facebook.

Thank you so much again and may God bless you all.

Sending love ❤❤❤

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon