CHAPTER 13

464 31 4
                                    

===CHAPTER 13===



" O-Okay lang ako. "

" Ikukuha pa rin kita ng tubig. " sabi ni Rodney at umalis na. Napabaling na lang ako sa ibang dereksyon para iwasan ang tingin ni Lion.

Kanina pa kasi nya ako tinititigan! At nakakailang yon!

Tumanaw na lang ako sa baba since glass wall naman ang harang.

" It's been a long time. " natigilan ako ng magsalita sya. Napatingin ako sa kanya ngunit hindi naman sya nakatingin sakin. Nilalaro nya ang yelo sa baso nya. " Welcome back. "

Tumingin sya sakin at muling nagtama ang paningin namin. Umiwas muli ako ng tingin sa kanya. Nagsalin ako ng alak sa isang baso saka uminom.

" How have you been? How are you? " tanong nya. Tumingin muli ako sa kanya at sa pagkakataong yun ay nakayanan ko nang hindi umiwas.

" I'm good. Better than before. " walang halong pait ang pagkakasabi ko non dahil totoo naman 'yon. I'm really better than before because I have my angel now.

" Good for you. It's like you've moved on already. " he said. Walang paring reaksyon ang mukha nya.

Ito ang pinakaayaw ko sa kanya. Kapag wala syang reaksyon. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman nya.

" How about you? How are you? "

Ngimisi sya bago uniwas ng tingin sakin. Ininom din nya muna ang alak nya sa baso bago sumagot.

" I'm... " muli syang tumingin sakin bago nagpatuloy. " I'm alive. And that's enough. "

Napatango tango naman ako. Hindi yon ang inaasahan kong sagot mula sa kanya. What does he mean by that?! " That's... good. "

" It's not. " he said not breaking an eye contact with me. Naging madilim ang mukha nya at matiim ang tingin nya sakin.

Hindi ko alam kung paano ko sya iaapproach. Nahihirapan akong kausapin sya.

" Then it's not. " sabi ko at bumuntong hininga. Muli akong nagsalin ng alak sa baso ko saka uminom. " Can we just...be casual? Act like nothing happened in the past. "

" I can't do that. "

" And why not? "

" I can't just foget about the past Tori. I can remember every little scenario of our past. So how can I act like nothing happened? "

" We have our own family now Lion. " sabi ko na ikinatigil nya. Nagugulat syang nakatingin sakin.

" Ha... " sarkastiko syang natawa saka tumango at umiwas ng tingin. " Family... "

" I already have my family. I have my daughter now and I think that's enough reason for me to move on. " sabi ko na ikinatigil nya lalo.

Gulat syang lumingon sakin at waring hindi makapaniwala. Napapikit pa ako dahil sa katabilan ng dila ko. Lasing na yata ako eh! Bwisit!

Tumango tango sya sakin at tipid na ngumiti. " I understand. " tumayo sya kaya naman napatingin ako sa kanya. " I'm happy to see you again, Tori. "

Nagulat pa ako ng lumapit sya sakin at hinalikan nya ako sa gilid ng labi ko! Magrereklamo na sana ako pero agad din syang lumayo sakin at naglakad na palayo. Nang bumaba sya sa hagdan ay nawala na sya sa paningin ko.

Ilang beses akong napakurap. Napahawak pa ako sa gilid ng labi ko!

' Lion... '

Hindi ko na namalayan ang sarili ko. Basta ang alam ko ay uminom alo ng uminom ng gabing yon. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon