CHAPTER 29

503 31 5
                                    

===CHAPTER 29===

" HOW dare you... " sabi nya habang humihikbi. Para akong unti unting pinapatay habang nakikita ko syang umiiyak. " How dare you show yourself here and act as if nothing happened? "

Gusto ko syang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Gusto kong sabihin lahat ng ginagawa ko para lang hindi na matuloy ang kasal. Pero hindi ko ginawa. Umiwas na lang ako ng tingin para hindi ko sya makitang umiiyak.

" Tiniis ko lahat, Lion. Nagtiis ako sa katiting na atensyong ibinibigay mo sakin! Nagtiis ako sa tiratira mong oras! Nagtiis ako sa paulit ulit na sakit at selos! Lahat ng yon tiniis ko para lang makasama ka! Ibinaba ko ang pride at ego ko! Nagpakaselfish ako, binago ko ang sarili ko para sayo! Dahil mahal kita at gusto kong sumaya kasama ka. " wala akong magawa kundi ang pakinggan ang hinaing nya. Wala akong magawa kundi ang tanggapin lahat ng sakit. " Pero kapalit naman ng kaunting sayang yon ay ang walang katapusang sakit. Ang sakit sakit na, Lion... "

' Tama ka Tori.... Ang sakit sakit na... Pero hindi ko magawang sumuko. Ayaw kong sumuko.

" I'm sorry... " yun lang ang kaya kong sabihin. Yun lang ang paukit ulit na nalabas sa bibig ko. Sinubukan ko syang hawakan pero iwinaksi nya ang kamay ko at dahil don ay hindi ko maiwasang masaktan. " I'm really sorry dahil wala akong magawa--"

" Yun na nga eh! Wala kang magawa dahil wala ka namang ginagawa! "

' May ginagawa ako Tori... Kanina lang ay halos lumuhod na 'ko sa magulang ni Kyla para lang hindi matuloy ang kasal. Ginawa ko lahat ng klase ng pagmamakaawa pero... wala pa rin. '

" H-Hindi na ako to, Lion... Hindi ko na makilala ang sarili ko. Wala na ako sa sarili ko dahil sayo ko idinepende lahat... Ikaw ang mundo ko eh... Ibinigay ko sayo lahat... Pinilit kong magpakatatag para satin pero hindi na kaya... Hindi ko na kayang lumaban mag-isa... "

' Hindi ka lumalaban mag-isa Tori... Kasama mo 'ko. '

" You can live without me, Lion. And that's enough. " sabi nya at hindi ko yun inaasahan.

" Ha... " hindi makapaniwalang bumuntong hininga ako. Binasa ko ang ibabang labi ko bago nagsalita. " You're breaking up with me, right? "

" Yes. " walang kagatol gatol nyang sagot.

' It hurts. '

" Then tell me that you don't love me anymore. Papayag lang akong maghiwalay tayo kapag nasabi mo yun sakin ngayon. " hamon ko at mas humagulhol naman sya.

" Y-You know I can't do that. " hikbi ko. " I do love you, Lion. And I will always do. "

" Then I can't do what you want, Tori. I'm not gonna let you go. " sabi ko saka ko sya nilapitan. Hinawakan ko ang mukha nya at pinahidan ang mga luha doon. " But I'm giving you some space. Think about everything again. Then if you're ready, we'll talk. "

Matapos ko syang halikan sa gilid ng labi ay umalis na 'ko don.

' Pinuntahan ko sya para sana yayaing umalis na lang at magpakalayo layo. Dahil yun na lang ang nakikita kong paraan para hindi matuloy ang kasal namin ni Kyla. Pero... mukhang hindi sang-ayon ang tadhana. '

Lion,

I want to say thank you. For everything. Patawarin mo ko kung hindi ko na kayang lumaban para sa 'ting dalawa. Siguro masyado na 'kong napagod at naubos. I'm so sorry for all the pain I've caused. I love you but I think we're not meant for each other. We both deserve to be happy. So be happy, Lion. And I'll try my best to be happy too.

Our untold love story may end here but I hope you'll continue your story with the new chapters even without me. I love you but I'm letting you go now.

Love,
V

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon