CHAPTER 22

413 21 0
                                    

===CHAPTER 22===

" Say thank you to them. " sabi ko kay Scarlet habang karga ko sya at papalabas kami sa room nya.

Ngayon na kasi ang discharge ni Scarlet. Si Lion ang kasama nam

" Thank you po! " magiliw na sabi nya sa mga nurse. Ibinaba ko sya at patakbo naman syang lumapit sa mga nurse at ilang doctor na naging close na din sa kanya sa loob ng halos dalawang linggong pananatili nya dito sa ospital. Isa isa syang humalik sa kanilang mga pisngi.

" Naku! Gustohin ka man naming makita ulit pero sana wag na dito sa ospital ha? " sabi pa ng isang doctor at marahang hinaplos ang buhok ni Scarlet. Natawa naman ako ng makita kong nahiya si Scarlet. Crush nya kasi ang doctor na iyon.

" Bye Scarlet. " sabi naman ni Ate Lalaine at hinalikan nya din sa pisngi sa Scarlet.

" Bye bye po! " sabi ni Scarlet saka sya nagpakarga sakin.

" Thank you so much. " sabi ko sa mga nurse at Doctor. Tumango naman sila.

" It's our job Ms. Roxel. " sabi ni Jacob, yung doctor na crush ni Scarlet. Bata pa ito at ang sabi nya ay kasalukuyan pa din syang nag-aaral. Nginitian ko sya at ganon din naman ang ginawa nya.

" Let's go. " napatingin ako kay Lion na mukhang inip na inip na at nakabusangot. Bitbit nya ang bag na pinaglalagyan ng mga ginamit namin sa ospital. Nauna na syang maglakad kaya naman sumunod na kami sa kanya.

' Nagmamadali?! Tsk. '

Si Linda ay nauna na sa condo dahil magdidisinfect daw sya doon. Baka daw kasi doon nadengue si Scarlet. Pero feeling ko naman ay dun sa playground nakagat ng lamok si Scarlet. Pero ayos na din yun para sigurado.

Pagkalabas namin sa ospital ay dumiretso kami sa parking lot at bumungad samin ang magara at kulay pula nyang kotse.

' Paiba-iba sya ng kotse ah. '

Sa likod kami sumakay ni Scarlet. Dahil walang baby car seat sa kotse ni Lion ay nilagyan ko na lang sya ng seatbelt.

" Okay na ba? " tanong ni Lion at tiningnan kami mula sa rearview mirror ng sasakyan. Tumango naman ako. " Let's eat first. You want that Scarlet? "

" Yesh po! " magiliw namang sabi ni Scarlet. " I want ice cream and cake! "

Bahagyang tumawa si Lion. " Okay then. "

Napatili pa si Scarlet nang umandar ang kotse. Excited kumain ng ice cream.

Ilang minuto din kaming bumyahe dahil na rin sa traffic bago kami nakarating sa isang restaurant. Pagkababa namin sa kotse ay si Lion ang nagbuhat kay Scarlet. Tuwang tuwa naman ang bata.

' Ganyan na sila kaclose ngayon. Pano pa kaya kapag nalaman nila na mag-ama sila? Baka hindi na sila mapaghiwalay. '

Nang pumasok kami sa loob ay naigala ko ang mata ko sa kabuuan ng restaurant. Maganda... Nakakahalina ng customers ang design.

" Lion! " isang magandang babae ang sumalubong samin. Lumapit sya samin at napataas pa ang kilay ko ng halikan nya sa pisngi si Lion. Agad nya din namang nakita si Scarlet. Bahagyang nabawasan ang ngiti nya ng makita ako. " Oh... may kasama ka pala ngayon. "

" Ahh yeah. This is Scarlet, and this is her mother---"

" Ms. Aubrey Roxel. " pagputol nya sa sasabihin ni Lion. Nakangiti syang bumaling sakin. Pero feeling ko ay hindi yun umabot sa tenga. Hindi genuine kumbaga. " I know her. "

" Of course, everybody does. " sabi naman ni Lion.

" I'm Natasha Sandoval. It's nice to see you in person. " sabi nya at nag-offer ng kamay. Agad ko naman 'yong tinanggap. Naramdaman ko pa ang bahagya nyang pagpisil sa kamay ko. Nakabalatay din sa mukha nya ang kulang nyang ngiti.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon