CHAPTER 14

498 28 11
                                    

===CHAPTER 14===


" First of all, congratulations sa opening ng branch nyo dito sa Pilipinas. " sabi ni Michelle. Isang host sa TV show kung saan kasalukuyan akong iniinterview.

" Thank you. "

" Miss Aubrey, batay sa sources namin ay ikaw mismo ang naghandle ng project na ito. Bakit mo ito naisipan? At paano mo ito nasimulan? " tanong nya na hindi naman na bago sakin dahil nireview ako ni Linda kahapon.

" Well actually, this project is inspired by my daughter, Scarlett. She wants to be a model like me *chuckle* . Gustong gusto nya ang mga damit na gawa ko para sa kaya. And it really inspires me to do better in designing clothes. " sabi ko habang finaflash naman sa malaking screen ang picture namin ni Scarlet.

" She's so adorable! " sabi ni Michelle na bahagya kong ikinatawa. " How about the humor, Miss Aubrey? Kaya ba umalis ka dito sa Pilipinas ay dahil nabuntis ka? "

Katulad ng inaasahan ko, itinanong nya ang tungkol don. I smiled. " No. That's a different issue. My pregnancy is the only thing happened that I'm very proud of. At wala akong balak na itago sya para lang sa image ko. "

She smiled at me. " How about your love life Miss Aubrey? Are you single? "

Kunyari pa akong natawa sa tanong nya at kunyari din ay nagulat ako na itinanong nya yon kahit na ang totoo ay alam ko nang iyong ang kasunod nyang tanong.

" I'm single but taken. "

Nagpatuloy ang interview hanggang sa matapos ito ng matiwasay. Nakahinga ako ng maluwag nang makasakay na ako sa kotse ko matapos ang pagpapasalamat ko sa ilang staff at director. Ganon din sa host.

" How was it Madam? " tanong ni Linda pagkadating ko sa condo. Hindi naman kasi live ang interview na yun. Bukas pa ipapalabas.

" It's fine. " sabi ko at naupo sa couch. " Nakapag-impake ka na? "

" Yes Madam. Bukas po ng maga ang alis ko. Salamat talaga Madam ah. " sabi nya at nginitian ko naman sya.

" That's the least I can do. Besides, ilang taon ka na ding hindi umuuwi sa kanila. It's the best opportunity. "

" Tuwang tuwa nga po si Inay, Madam, nung sinabi ko. " excited na sabi nya. " By the way Madam. Malapit na pala ang birthday nyo no? Next week na. "

Nangunot ang noo ko. Birthday ko? Gosh oo nga! Dahil sa sobrang pagkabusy ko ay pati sarili kong birthday limot ko na.

" Anong balak nyo Madam? "

" I don't know. Hindi din naman ako makakapagcelebrate ng maayos dahil wala si Scarlet. " malungkot na sabi ko. Nginitian naman nya ako.

Napabuntong hininga na lang ako saka tumayo na at nagpaalam kay Linda na magpapahinga muna ako sa kwarto.

Pagkaligo ko at pagkabihis ay nagpatuyo muna ako ng buhok bago nahiga sa kama. Agad naman akong nakatulog dahil medyo puyat ako kagabi. Buong gabi ko kasing kausap si Scarlet dahil araw doon.

Hindi na ako nakakain ng hapunan dahil umaga na nung magising ako. Ginising pa ako ni Linda dahil paalis na daw sya.

" See you next week Madam! Wag kang mag-alala. Bago ka magbirthday ay nandito na ako. " sabi pa nya bago umalis.

Nang maiwan ako mag-isa ay napatingin ako almusal ko na niluto ni Linda. Wala akong ganang kumain dahil mag-isa lang ako. Kaya naman naisipan kong magjogging na lang muna sa labas.

Suot ang pink kong sports bra at jogging pants na kukay grey ay lumabas ako sa unit ko bitbit ang cell phone ay earphone ko.

Nang makalabas ako sa building ay saka ko iyon nilagay sa tenga ko at nagpatugtog ako. Sinimulan kong magjogging palibot sa building. Hanggang sa naisipan kong lumayo ng kaunti. Magbabakasakali din ako na may matipuhan akong restaurant na masarap kainan.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon