CHAPTER 26

413 26 1
                                    

WARNING ⚠
🔞 MATURE SCENE AHEAD! 🔞

===CHAPTER 26===

" MOMMY turn on the TV po? Please? " sabi ni Scarlet at sinamahan pa nya ngpagpapacute na hindi ko matanggihan.

Kakatapos lang namin kumain. Nandito kami ni Scarlet sa sala at si Lion naman ay nasa kusina pa. Hindi ko alam ang ginagawa nya pero naririnig ko ang kalantog ng mga plato at kutsara.

" Watch ka lang muna baby dito ah? " sabi ko kay Scarlet na agad namang tumango ng buksan ko ng TV. Sakto naman Spongebob ang papabas. Paborito nya din.

Iniwan ko muna sa sala si Scarlet at pinuntahan ko si Lion sa kusina na nadatnan kong seryoso na naghuhugas ng plato. Nang mapalingon sya sakin ay agad syang ngumiti.

" What are you doing here? Dun ka na kay Scarlet, ako nang bahala dito. " sabi nya saka ako nginitian bago nagpatuloy sa paghuhugas ng plato.

' That smile... Nagiging marupok ako because of that smile. But he's sweet words and gestures... Dun ako nafall. '

" Lion... "

" Mm? " Lumingon naman sya sakin saglit bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.

" I have to tell you something. " kinagat ko ang ibabang labi ko at pinaglaruan ko din ang daliri ko. Kinalabahan kasi ako at hindi ko alam kung paano sasabihin. " It's about Scarlet. "

Tumigil muna sya sa ginagawa bago tumingin sakin. Humarap pa sya sakin at nangunot ang noo nya.

" What about her? " tanong nya.

" I-I don't know where and how to start this. N-Nahihiya din kasi ako sayo and--"

" Hey relax. " natatawang sabi nya saka lumapit sakin. " You look so tensed. May lagnat ka ba ulit? "

" N-No. I'm completely fine. I just have to tell you something important. " sabi ko na ikinaseryoso ng mukha nya. " And I'm sorry because I became selfish these past 4 years. "

Agad na rumehistro ang pagkalito sa mukha nya. " Tori, you're making me nervous. "

" Si Scarlet... She's---"

* KRIIIIIING KRIIIIIING KRIIIIIING! *

Pareho kaming napatingin sa counter ng sink kung saan nandon ang cellphone na nagriring. Pero hindi 'yon pinansin ni Lion. Tumingin ulit sya sakin at naghintay sa sasabihin ko.

" S-Sagutin mo muna 'yong tawag. " sabi ko at napabuntong hininga naman sya saka bumaling sa cellphone nya.

Kinuha nya yun saka pinindot bago inilagay sa tenga.

" Natasha? " sabi nya na bahagyang tumalikod sakin. Nangunot ang noo ko.

' Si Natasha? '

" Sorry, my girlfriend is sick. Hindi ko sya masusundo. " sabi nya kaya naman nagugulat akong napatingin sa kanya. Seryoso lang sya at medyo nakakunot pa ang noo. Wala sa sariling napangiti tuloy ako. " Yeah. Please call someone else that can pick her up. Pakibantayan sya habang wala pa syang sundo....Okay. "

Muli syang lumingon sakin ng matapos ang tawag.

" Si Natasha? "

" No. It's a bartender. Passed out na daw si Natasha. Pinapasundo sakin. " sabi nya at muling inilagay sa counter ang phone nya.

" Why don't you pick her up? Baka mapano pa sya don. "

" No. Hindi ko kayo pwedeng iwan dito. You're sick. " sabi nya saka bahagyang ngumiti sakin. " So...what are you going to tell me? "

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon