CHAPTER 7

234 9 0
                                    

===CHAPTER 7===


" So... Nakapagdecide ka na? " tanong nya na agad ko namang tinanguan. Naging kabado ang reaction nya. " Please tell me it's a good news. "

" Well... It is. " sabi ko na ikinaliwanag ng mukha nya. " Send me the datails para mapag-aralan ko. And give me at least two months. Kailangan ko munang tapusin ang taping ng movie. At ang ilang bagay na.... maiiwan ko. "

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umuwi na ulit ako sa condo pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Lion sa labas ng pinto ng unit ko. Binago ko na kasi ang passcode ko kaya hindi na sya makakapasok basta basta.

" Tori... " yun pa lang ang sinabi nya pero agad nang nagpuyos sa galit ang loob ko.

Galit na galit akong lumapit sa kanya saka ko sya sinampal. Hindi naman sya nakagalaw. At base sa reaksyon nya ay mukhang hindi na sya nagulat.

Nanginginig ako ngayon sa galit sa kanya.

" How dare you... " humihikbing sabi ko. " How dare you show yourself here and act as if nothing happened? "

Gusto kong sumigaw sa totoo lang pero wala akong lakas. Nanghihina ako. Nakakapanghina ang presensya nya.

Hindi sya nagsalita. Tumungo sya at hindi makatingin sakin.

" Tiniis ko lahat, Lion. Nagtiis ako sa katiting na atensyong ibinibigay mo sakin! Nagtiis ako sa tiratira mong oras! Nagtiis ako sa paulit ulit na sakit at selos! Lahat ng yon tiniis ko para lang makasama ka! Ibinaba ko ang pride at ego ko! Nagpakaselfish ako, binago ko ang sarili ko para sayo! Dahil mahal kita at gusto kong sumaya kasama ka. " tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Itinuon naman nya ang isang kamay sa may pinto ng condo ko. Habang ang isa nya pang kamay ay nakahilamos sa mukha nya. Umiiyak din sya. " Pero kapalit naman ng kaunting sayang yon ay ang walang katapusang sakit. Ang sakit sakit na, Lion... "

Napaupo ako sa lapag at napahagulhol dahil baka bumigay ang tuhod sa panginginig nito.

" I'm sorry... " he said while cying. Sinubukan nya akong hawakan pero iwinaksi ko ang kamay nya. " I'm really sorry dahil wala akong magawa--"

" Yun na nga eh! Wala kang magawa dahil wala ka namang ginagawa! " sabi ko pa at napahagulhol muli. " H-Hindi na ako to, Lion... Hindi ko na makilala ang sarili ko. Wala na ako sa sarili ko dahil sayo ko idinepende lahat... Ikaw ang mundo ko eh... Ibinigay ko sayo lahat... Pinilit kong magpakatatag para satin pero hindi na kaya... Hindi ko na kayang lumaban mag-isa... "

" Then let's fight together now Tori. I'm sorry kung naduwag ako. Handa na 'ko Tori. Handa na akong ipaglaban ka. " sabi nya at inalalayan nya ako sa pagtayo. Hinawakan nya ang mukha ko. " We can do this together. "

Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanya. " At ano? Sisirain mo ang buhay mo? Hihiwalayan mo si Kyla? Masisira ang pangarap mo kapag ginawa mo yun. "

" F-ck that engagement! I don't care! Wala akong pakealam kung masira ang pangarap ko. Kung para sayo naman, gagawin ko, Tori. "

" No... Ayoko... Wag mong sayangin ang lahat para sakin. You don't deserve me and I don't deserve you. Hindi mo ba nakikita Lion? We don't deserve each other. Magkakasakitan lang tayong dalawa kung ipagpapatuloy pa natin. "

" So ano? Ganon ganon na lang yon? Susuko ka na kung kelan handa akong ipaglaban ka? "

" Oo! Kung yun ang magiging daan para maging malaya tayong dalawa sa sakit! Oo! Susuko ako. " sabi ko na ikinagulat nya. " I can manage the pain alone, Lion. I can take them all for you. For you to be happy...without me. "

" How can I?! I can't be happy without my happiness, Tori. And it's you! "

" You can live without me, Lion. And that's enough. "

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon