CHAPTER 16

540 23 5
                                    

===CHAPYER 16===


' About her father?! '

Ngayon tuloy ay mas naghihinala na ako na may nalalaman na ang anak ko tungkol sa ama nya.

Pero paano? Paano nya nalalaman ang tungkol doon? Kahit kelan ay hindi ko pa nababanggit sa kanya ang tungkol sa ama nya.

" She keeps asking me about her Dad. And I didn't know how to answer her. Kaya sinabi ko na lang na where ever her Dad is, he loves her. " sabi nya na seryosong nakatingin sakin.

Kinakabahan tuloy ako.

' Bakit feeling ko ay may alam si Rodney?! '

" I'm always been curious about his real Dad. Sino ba talaga ang ama ni Scarlett,Tori? Bakit ayaw mo syang ipakilala sa ama nya? " tanong ni Rodney. Iniwas ko sa kanya ang paningin ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

" He has a better life now. Ayaw kong masira nanaman yun ng dahil sakin. " sabi ko na lang. Napabuntong hininga pa ako at inisip ang maaring reaksyon ni Lion kapag nalaman nya na anak nya si Scarlett. " At... H-Hindi ko din alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Natatakot ako na baka itanggi nya ang anak ko. Ayaw kong masaktan si Scarlet. "

Tumango tango naman sya. " So... Who is he? Do I know him? "

Kunot noo akong tumingin sa kanya. " Why are so curious? "

He just smiled at me. Walang balak na sagutin ang tanong ko. Mayamaya pa ay dumating na ang waiter at isinerve na samin ang order namin. Napatingin pa sa table nina Clyde. Mukhang ayos naman sila.

" I felt happy for them. " sabi ko habang nakatingin sa dalawa. Lumingon naman si Rodney sa gawi nina Clyde.

" So do I. Hindi na ako makapag-antay na ikasal sila. Kaya lang ay mukhang matatagalan pa yon. " sabi nya na ikinakunot naman ng noo ko.

' Matatagalan?! Akala ko ba ay magpopropose na si Clyde kay Ellaine ngayon?! '

" Isn't he going to propose to Ellaine tonight? "

Kunot noo naman syang tumingin sakin. " What? San mo naman nakuha ang balitang yan? "

" W-Well... Someone told me. " ayaw kong sabihin na si Ellaine ang may sabi dahil may pusibilidad na mapahiya si Ellaine kung sakaling hindi magpropose si Clyde ngayon.

" What?! Hindi, ano ka ba? Kaya ka va sumama ay para makita ang proposal 'kuno' ni Clyde? " natatawa nyang sabi. Napanganga naman ako.

' OMG this is not good. '

" S-So bakit ka nandito? Hindi ba tinulungan mo si Clyde na iprepare ang surprise proposal nya para kay Ellaine? "

" What?! No! I'm here because I have a date too. Nag-usap lang kami ni Clyde na magkita na lang din dito para maging double date kami. But the girl that supposed to be my date, ditched me. " sabi nya na ikinalaki ng mga mata ko. Napatingin ako kay Ellaine na masayang kumakain at mukhang may iniintay talagang gawin ni Clyde. " Uuwi na nga sana ako eh. Kaya lang ay nakita ko naman kayo sa may entrance. "

" OMG. " bulong ko.

" Bakit ba? Ano bang meron? " tanong nya.

Pareho kaming napatingin sa table nina Clyde ng may kumalantog mula sa lamesa nila. Tumayo pala si Ellaine at nahulog ang kutsara nya dahil sa marahas nyang pagkakatayo. Nagulat pa ako ng ibato nya kay Clyde ang table napkin.

" What's happening? " sabi ni Rodney at tumayo na.

Napatayo din ako ng tumayo si Clyde at sinubukan nyang hawakan si Ellaine na mukhang paiyak na.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon