CHAPTER 21

357 18 0
                                    

===CHAPTER 20===

" Two days na syang may lagnat doc. Nawawala tapos babalik ulit. Sobrang taas na ng lagnat nya ngayon kaya dinala na namin sya. "

" She had nose bleed, right? " tanong ng doctor at tumango naman ako. Sinulat nya yun saka tumango tango. Tiningnan ko ang mukha ng doctor dahil pamilyar sya sakin. I think I've seen her before.

Nandito ako ngayon sa waiting area. Ililipat na daw ng kwarto si Scarlet. Hindi pa sya pwedeng palabasin dahil hindi pa bumababa ang lagnat nya. Kailangan pa din syang dumaan sa mga test. Si Lion naman ay bibili daw muna ng makakain ko kaya ako lang ang nandito.

" We have to do some tests para maconfirm kung simpleng lagnat lang ba yon o hindi. Based on her symptoms, maaaring may dengue sya. " sabi nya na ikinagulat ko.

" D-Dengue doc? "

" Yes. Nakukuha yon sa mga lamok na maaaring nakakagat sa kanya. But don't worry. Hindi pa naman tayo sure. I'll just update you kapag may result na. " sabi nya at tumango naman ako.

" Ate. " pareho kaming napatingin sa tumawag. It was Lion.

' Wait. Ate? '

Tumingin ulit ako sa doctor at nagulat pa ako ng kumaway sya kay Lion.

" What are you doing here? Are you sick, brother? " nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila at napagtanto kong magkapatid nga sila. Kaya pala pamilyar ang features ng doctor na kaharap ko dahil kapatid nya pala si Lion. Magkamukha sila. Babaeng version nga lang. Tumingin ako sa pangalan nya sa may dibdib.

' Dr. Villa Flor? '

Bakit iba ang surname nya? Kasal na sya?

" I'm with her. " sabi ni Lion patungkol sakin. Napatingin sakin ang ate nya at nagkorteng O ang kanyang bibig.

" Ohh is that so? " sabi nya saka ngumiti ng nakakaloko sa kapatid. " Hoy Mr. Martial ikaw ah. "

" Tsk. Stop it. Ikaw ba ang doctor ni Scarlet? " tanong ni Lion sa kapatid at tumango naman ito. " How is she? "

" Wala pang findings. Pero positive ang mga symptoms nya sa dengue. Don't worry I'll take care of her condition. " she said. Tumingin naman sya sakin at ngumiti. " I'll go ahead. "

" Thank you so much Doc. " sabi ko at tumango lang sya saka umalis na.

Napatingin naman ako kay Lion. " Kapatid mo sya? "

He smiled at me. " Yeah. We're family of doctors remember? "

Napatango tango naman ako. Magsasalita pa sana sya ngunit hindi naman natuloy ng makita namin si Scarlet na inilabas na sa emergency room.

" Saan sya dadalhin? " tanong ni Lion.

" Ililipat na sya ng kwarto. " sabi ko at sumunod na sa mga nurse. Tulog sa stretcher si Scarlet. May swero din sya sa kamay.

Nang makalipat na ng kwarto si Scarlet at saka lang ako nakatawag kina Mama. Ibinalita ko sa kanila ang nangyari at nag-aalala din sila. Tinawagan ko din si Linda. Sabi nya ay bukas na lang sya pupunta. Dadalhan nya din daw ako ng pamalit na damit.

" Magpahinga ka muna. " sabi ni Lion kaya napatingin ako sa kanya. Magkatabi kami ngayon sa couch nasa gilid ng kama ni Scarlet.

" I can't. " sabi ko at muling ibinalik ang tingin kay Scarlet na natutulog. Umakbay sakin si Lion at ihinilig nya ako sa kanyang balikat.

I don't know but I felt comfortable with his arms around me. Nilabanan ko ang antok ko pero hindi ko kinaya. Tuluyan na akong nakatulog sa balikat nya.

MY BESTFRIEND'S BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon