Chapter 18 Too Much for a Day!

4.7K 129 2
                                    

Sky POV

Nagising ako... at sobrang sakit ng ulo ko... It feels like I'm gonna throw up!

Wala si Rain sa kwarto... At ang pinagtataka ko lang, pano ako nakauwi? At bakit iba na ang suot kong damit?

Kinuha ko ang phone ko...

7:25 am

PATAY!!! Malelate nako! Hindi man lang niya ako ginising!

Agad akong naligo at nagbihis... Hindi narin ako nakapag breakfast... Patakbo akong pumunta ng University... Medyo malayo ang gymnasium mula sa main gate kaya hingal na hingal akong pumasok ng classroom...

Pagpasok ko, lahat sila nakatingin sakin... Siguro dahil sobrang late ako at dahil rin siguro sa magulo kong buhok...

"Good morning maam... Sorry... I'm late..."

PE ang class ko ngayon kaya all girls... Sa CPU kasi... separate ang girls sa boys pag PE class... I don't know if matutuwa ako o maiinis...

Hinanap ko si Rain at nakita ko siya. Pilit pa siyang yumuko para di ko siya makita...

Di ko siya nilapitan... Umupo ako na malayo sa kanya.

"Okay class... Gaya ng sinabi ko kanina... Wala kayong prelim exam for this semester... Only Midterm and Final Exam... You're going to learn the basics and different kinds of dances and after 2 weeks, we'll be having your first dance performance... Ipapartner ko kayo... At waltz ang unang sasayawin nyo... Okay... Makinig kayo kung sino ang magiging ka partner niyo... Alvarez and Buenaventura will be the first pair... Castor and DelaPaz... Delgado and Estrilla... Feliz and Gardon...ETC... and the last pair... Rodriguez and Santos... Find your partners... Kilalanin niyo muna ang isa't isa para wala tayo magiging problema... okay??"- teacher

Tumayo ako at nilapitan ko si Rain... Umupo ako sa tabi niya... Di siya kumikibo...

"Bakit di mo ko ginising??"

"Bakit lasing kang umuwi kagabi??"-Rain

"Bakit iba na yung suot ko pagkagising ko??"

Natigilan siya sa tanong ko...

"May ginawa ka sakin noh?" pilyong tanong ko.

"Excuse me!!! Wala akong ginawa sayo!! Amoy alak ka kaya pinalitan ko lang ang damit mo..." agad niyang sagot.

"With your eyes closed??"

"O-Oo!! Syempre noh!!!" -Rain.

"Fine... Whatever you say..."

Napapansin ko na di siya mapakali... Di rin siya makatingin sakin... Di rin niya ako kinakausap...

"Hoyy!!! May problema ba??" tanong ko.

"Ahh...Ehh... Wala..."-Rain

"Anong wala! Eh bakit parang sinisilaban yang PWET mo??! Kanina ka pa di mapakali ah..."

"Wala nga!!!" bigla niyang sigaw...

Napatingin ang mga kaklase namin...

"Sorry..." pangiti ngiting sabi ni Rain...

"Tigilan mo na nga ako... Mag focus nalang tayo sa performance...'' ­-Rain

"Sure... Pero marunong ka bang sumayaw??"

"Hmmm... Hindi... Bakit ikaw ba... Marunong kang sumayaw??"- tanong niya ulit.

"Hindi rin noh! Just so you know... I hate dancing..."

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon