Chapter 45 Boracay Escapade Part 1

4K 118 3
                                    

Due to popular demand and kulit but sweet comments and messages from you guys...

Here's the continuation!!!

Boracay Escapade part 1 and part 2 only... 

Thank you so much skylers sa lahat2x... Naka 13,000 reads na ang story. yeyyy!!! ^__^

Months before... nung sinusulat ko pang yung chapter one, I never expected na makakabot sa ganito. Akala ko nga hanggang chapter 20 lang to eh... Wish ko nga dati, kung maka 500 reads lang tong story na to, masaya nako pero sobra2x ang binigay sakin... Kaya maraming thank you talaga kasi kung hindi dahil sa inyo, 500 or 13,000 reads will remain a wish until now...

Medyo seryoso na tayo dito ah!!! hahaha...

Eto na guys.... Di ko na bibitinin pa...

Don't forget to share and vote...

Enjoy!!! <3


Sky POV

Umuwi narin ako pagkatapos naming magdinner ni Alyssa.

Malapit na ako sa boarding house ng tumunog ang phone ko....

Zayn calling...

"Hello Zayn... Napatawag ka?"

"Sky... Gusto ka lang sana namin i-inform... total vacation naman... what if sumama ka nalang samin! Nagpaplano kami nina Fara na pumunta ng BORA!"-Zayn.

"Nahuli na kayo. May nauna nang yumaya sakin..." natatawa kong sagot...

"Hauh??? Sino?" nagtataka niyang tanong...

"My girlfriend..." agad kong sagot...

"Alyssa?"

"Yep! Perfect opportunity para sa next plan ko..." sagot ko with a smirk smile...

"Hindi ka na talaga mapipigilan sa gagawin mo?" -Zayn

"No one could stop me... and I'm sure I'll enjoy it!"

"Loko ka talaga! Anong pinaplano mo kay Alyssa?"

"Malalaman mo!"

It's the best opportunity and perfect place to teach a brat a lesson! –insert hysterical laugh... *____________*

.

2 days later

Nakaimpake na lahat ng gamit ko. Nakaupo lang ako sa sala at naghihintay ng text ni Alyssa.

Pababa sina Rain at Faye... Ngayon narin kasi ang alis nila...

"Oh Blaze... bakit nandito kapa? Akala ko nakaalis kana?" –Faye

"Hinihintay ko lang yung text ni Alyssa..."

Kita ko ang pagyuko at pagiwas ni Rain sa narinig...

" Paalis na kayo?" tanong ko

"Oo... Maaga kami kasi magba-bus pa kami. Malayo kasi yung byahe. Nasaan na ba yang si Harly at pinaghihintay pa tayo?!" –Faye

Maya maya pa ay may pumasok sa pinto....

"From the city of love going to the island called Boracay!!! I'm Harly Hershey 18, VIRGIN!!" tawag pansin ni Harly na naka floral ang damit. Nakapamaywang pa ang loka...

Tama ba yung pagkakarinig ko? BORACAY??

"Wait... Sa Boracay kayo pupunta?" agad kong tanong...

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon