Chapter 10 University Tour; Kahihiyan Tour!

4.8K 131 1
                                    

Sky POV

Tanghali na ko nagising... Napakasakit ng ulo ko... Nagsisimula na naman ang migraine ko... Nangyayari talaga to sakin pag di nakatulog ng maayos.

Bumaba ako sa kusina at kumuha ng tubig. Uminom ng gamot. Naabutan ako ni Faye...

"Blaze?? Nilalagnat ka ba??" tanong niya.

"Hindi... migraine lang... Kulang lang siguro sa tulog..." sagot ko.

"Dahil kay Rain... Pagpasensyahan mo na... Ganun talaga yun...napakalakas humilik..."

"So ibig sabihin... gabi gabi ko siyang maririnig na ganun.??"

"Yep... at sa tingin ko... araw araw ka ring magkaka migraine..." ayon kay Faye.

"Jesus!!! Wala na bang ibang vacant room dito??" tanong ko.

"Wala... At wala kang choice kundi magtiis..."

Napasubsob nalang ang mukha ko sa mesa...

"Kumain ka na ba???" tanong ni Faye.

"Hindi pa nga eh..."

"Teka... sa tingin ko, may ulam pa yatang natira dito... ayun!!"

"Huwag na Faye... salamat nalang... Sa labas nalang ako kakain... Saan ba pinakamalapit na fastfood chain dito ??" tanong ko...

"Wow!!! YAMAN!!! Alam mo ikaw, kung anak mayaman ka, matuto ka naman magtipid... Hindi lahat pinanganak na mayaman... Ang iba kailangan pang mag trabaho... katulad ni Rain..." kwento ni Faye.

"Katulad ni Rain?? What do you mean??" nagtatakang tanong ko.

"Nagtatrabaho si Rain para may pangtustos sa pag aaral niya... Bilib nga ako sa pinsan ko na yan eh... Nakaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho..." ayon kay Faye.

Kahit paano pala, nakakabilib din ang maingay na yun...

"So ano??? Sa labas ka parin ba kakain?? kung Oo, itatapon ko na to, wala rin naman palang kakain..." tanong niya.

Sa lahat ba naman ng sinabi at sinermon niya sakin, makakatanggi pa ba ako?!!!

"Ahhh....ehhh... Hindi na... Dito nalang ako kakain..." pekeng ngiti ko.

"Yun naman pala eh... Sandali lang..."

Naghain siya...

"Kain na..." sabi niya sakin...

"Faye... pwede magtanong?? Ano to??" inosenting tanong ko.

"Yan? Ang tawag diyan, TUYO! At eto naman, ang tawag ng mga ilonggo dito ay GINAMOS... Bakit, wala bang ganito sa inyo??"

Di naman to maniniwala pag sinagot kong WALA...

Pinipilit kong ngumiti... Kumuha ako ng kanin at tuyo...

*_________*

Tinikman ko rin ang ginamos...

Hindi naman pala masama ang lasa... MEDYO LANG!!!!

"Blaze... Mamaya, pupunta kami ni Harly sa University... Sama ka!!" anyaya niya...

"Hindi na... dito nalang ako..."

"Ano kaba?? Sumama kana kaysa naman magkulong ka sa kwarto mo... Mas okay nga to para maging familiar ka sa pasikot sikot sa buong campus... Kami ang magiging tour guide mo..." pamimilit ni Faye...

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon