Sky POV
Agad akong lumabas ng kwarto... Sana naman, di narinig ni Rain ang pinag usapan namin ni Fara.
Pababa na ako ng hagdan ng tumunog ulit ang phone ko...
"Hello Fara..."
"Sky... bakit mo ko binabaan ng phone??" naiinis niyang tanong...
Nagmamasid ako sa paligid... baka kasi may makarinig samin...
"Sorry... Dumating kasi si Rain..." pabulong kong sagot.
"Palaging wrong timing talaga yang 'girlfriend' mo... pagsabihan mo nga!!!" -pang aasar niya...
"Fara... stop it... wala ako sa mood makipag biruan..."
"Fine! Like I've said earlier... 10 million pesos ang prize..."
"Bakit naman nakaabot ng ganun kalaki yung prize money..?? Eh dati... hanggang 2-3 million pesos lang for the race event ah..." nagtataka kong tanong.
"Remember Alyssa???"
"Who??"
"Come on Sky!!! Nakalimutan mo na??! Si Alyssa... yung fil-am girl na sunod ng sunod sayo simula pa nung first year high school tayo..."
At naalala ko na ang lahat...
"Alyssa... You mean... Alyssa Sanders... the daughter of the owner of Griffin Airlines??"
"The one and only..." -Fara
"At ano naman ang kinalaman niya sa event nato...??"
"Well... We just found out na siya pala ang nag organize ng buong event nato..."
ALANGH*YA!!! *_________________________*
"You're joking right?! Fara... Umalis si Alyssa papuntang states 3 years ago...''
"And she came back..." -Fara
Nakakainis!!! Padami ng padami ang problema ko!!!!
"Fara... I'm so sorry... pero ayoko ng pumunta sa event na yan..." sagot ko...
"What??!!? No Sky! Hindi pwede!! I've already listed your name for the race... And besides... ang laki ng chance nating manalo..."
"Mapapahamak ako sa pinaplano mo eh!!! Pano kung may makakilala sakin dun?? Pano kung makita ako ni Alyssa?? Fara... marami na akong problema... huwag mo ng dagdagan..."
"Bestfriend... don't worry... Hindi naman ako tanga para gamitin yung real name mo okay? You're gonna use your other name which is Blaze... kaya huwag ka ng mag alala... kaming bahala sayo." -Fara
"Kayo nga yung bahala... Ako naman yung kawawa! Ewan ko nga kung kaibigan ko ba talaga kayo eh... Gustong gusto niyong napapahamak ako..." naiinis kung sagot.
"Bestfriend... Mana kami sayo eh!!! And besides... hindi mo ba namimiss ang girlfriend mo??" pang-aasar niya...
"Fara... gusto ko lang iclarify na never naging kami... Alyssa is not my girlfriend okay?"
"Are you sure??" nang-aasar talaga!!!
"Fara... stop it okay... She's not my girlfriend..."
"Blaze...."
Biglang tumayo yung mga naka BRAID kong buhok sa batok!!! *_____*
Mukhang boses yun ni Faye....
BINABASA MO ANG
Sky with Rain (masked love)
FanfictionMaraming nagsasabi ng ang same sex relationship daw ay di nagtatagal. Mali daw ang ganitong klase ng pagmamahal. Lalake sa lalake? Babae sa babae? . I'm Sky Villareal... Isa sa mga baliw na naniniwala na may Destiny at Happy Ending din ang ganiton...