Chapter 27 My Guardian Angel is Around!

4.4K 123 1
                                    


Rain POV

Ano ba tong nangyayari sa buhay ko!!!?? Sunod sunod ang problema...

Saan ako makakahanap ng ganun ka laking pera... Ilang araw na ang lumipas pero maliit parin ang naiipon ko...

LORD...TULONG NAMAN !!!!

Ilang araw ko na rin napapansin na tahimik si Blaze... Parati rin siyang umaalis... Di naman nagsasabi kung saan pumupunta...

.

Isang umaga... habang nag uusap kami nina Blaze, Faye at Harly sa sala, may dumating na lalake...

"Magandang araw... Nandito po ba si Rain Rodriguez??"agad na tanong ng lalake...

"Ah... Ako po yun... Bakit po?? Ano pong kailangan nila..."- agad kong sagot.

"May nagpapabigay nito..."

Iniabot sakin ang isang envelop...

"Ano po ito manong??" nagtatakang tanong ko.

"Girl... Baka bomba yan..." singit ni Harly...

Siniko siya ni Faye...

"Eh kung yang bunganga mo kaya ang lagyan natin ng bomba... Mas masaya pa siguro yun noh!!" -saway ni Faye.

"Hindi po sinabi nung lalake... Pero mukha mayaman... Sinabi niya na makakatulong daw yan sayo..." sagot ng lalake...

Sinilip ko ang laman ng envelop....

OH MY GRAVITY!!!! PERA!!! NAPAKARAMING PERA!!!

"Nagpakilala po ba siya sa inyo??"agad kong tanong...

"Hindi eh... Basta iniabot lang yan sakin... Ang totoo niyan... tatlong tao na nakasakay ng kotse ang nagbigay sakin niyan... Dalawang lalake at isang babae... Yung nagmamaneho ng kotse ang nagbigay sakin niyan... Binigyan pa nga niya ako ng limang libo para ihatid lang yan dito..."

"Tagarito po ba yung lalake??" tanong ko ulit...

"Hindi siguro... Mukhang dayo eh!!! Pa ENGLISH kasi kung magsalita... Wala nga akong maintindihan eh...Sige hah... Alis nako..." paalam ng lalake...

"Sige manong...Salamat..."

Agad akong napatingin sa kanila... Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa.... ANSWERED PRAYERS TALAGA TO!!

"Oh Rain... Okay ka lang?? Bakit parang tumama ka sa loto diyan??" sita ni Faye...

"TUMAMA NGA!!!" tanging nasagot ko...

Umupo ako at ipinakita sa kanila ang laman ng envelop...

Nagsasalita si Harly pero walang tunog na lumalabas sa bibig niya...

"Cuz... malaking tulong to sa pambayad sa hospital at gamot ng kapatid mo... Wala ka ng poproblemahin pa..." sabay yakap sakin...

"Oo nga... salamat at pinakinggan ni lord ang dasal ko!!! At salamat rin dun sa taong nagbigay ng perang to!!!THANK YOU THANK YOU TALAGA NG BONGGANG BONGGA!!!"

"Alam mo girl... mabuti ka pa... nasa paligid lang ang guardian angel mo..." -Harly...

"May point ka diyan... Alam mo Rain... Tingin tingin ka lang sa paligid... Malay mo... nandiyan lang siya... Nagbabantay... Nagmamasid..." -Sagot ni Blaze.

"Sandali... Wala ba siyang note na iniwan??"- Faye

Tiningnan ko ang loob ng envelop... May nakaipit na papel... Binasa ko ang nakasulat...

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon