Chapter 28 Confuse Feelings!

4.5K 110 2
                                    

Sky POV

"Anak... sa labas muna tayo...'' sabi ng nanay niya...

Lumabas kami.... At siguro naman.... this time... napansin na kami ng mother niya...

"Anak... At sino naman tong dalawang kay gagwapong mga binata??" nakangiting tanong ng nanay niya...

Napangiti rin kami except kay Harly...

"Excuse me mother... I'm not BINATA!! I'm BINABAE!! Ouch mother hah!!!! Na hurt aketch!!!" -Harly.

"Nay... Siya po si Harly... Anak po nung landlady namin... At siya naman po si... Blaze... Roommate ko po..." sagot ni Rain...

"Ano???! Bakit lalake ang kasama mo sa kwarto?? Bakit pinayagan ka ng landlady mo??Rain... Sagutin mo ako??" nagagalit niyang tanong.

"Rain... ako na mag eexplain... Tita... ang pangalan ko po ay Blessy Santos... Gusto ko lang po i clear ang lahat... hindi po ako lalake... Mukha lang po!!! At roommate po ako ng anak niyo..." nakangiti kong sagot...

Pero ang totoo niyan... Kanina pa hinahalukay ang bituka ko sa sobrang kaba...

Lumapit sakin ang nanay niya...

Hinawakan ang pisngi ko... Front view...Left view.... Right view... Lahat ng anggolo tininggnan niya... Sobra pa sa imbestigador tong nanay ni Rain ah... Halos kusutin na yung mukha ko!!!

"Nay... nay... AWAT NA!!!" sabay hila sa nanay niya para makalayo sakin...

Muntik ng maging jigsaw puzzle tong mukha ko ah!!!

"Pasensya kana Blaze... Medyo nagulat lang ako sayo... Mukha ka kasi talagang lalake..." sagot niya...

"Naku nay... mas malala pa ang nagawa ko sa kanya nung una kaming magkita..." -Rain

Naalala ko nung una kaming magkita ni Rain... Pinaghahampas pa nga niya ako ng walis...

"Wala po yun tita... Sanay na rin po ako...''

"Nanay nalang ang tawag mo sakin..."

Napatingin ako kay Rain... Ngiti ang isinagot niya...

"Sige po... Okay po..." di matanggal ang ngiti sa mukha ko....

Sabi nga nila... Kung gusto mong manligaw... unahin mo ang parents... Well... I'm on the right track!!! *____*

Okay ako sa nanay niya... Medyo magkakaproblema ako sa tatay... Eh mukhang direct descendant yun ni Hitler eh....

.

Lumabas muna kami ni Rain para bumili ng pagkain... Medyo nag-alangan pa ako magtanong... But I really want to know...

"Rain... I hope you don't mind if ask you this question... Pero bakit ganun ang tatay mo sayo??"

Hindi siya kumibo... I'm not sure kung narinig ba talaga niya ang tanong ko...

"Okay lang... kung ayaw mong sagutin..." pagbawi ko...

"Blaze... kahit ako... hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganun si tatay... Iniintindi ko nalang siya... Lahat ng gusto niya sinunod ko... Kahit pa talikuran ko yung bagay na nagpapasaya sakin... Yung bagay na siya rin mismo ang nagturo sakin... Kahit na nagawa ko na ang lahat ng yun, parang hindi parin sapat para sa kanya..." -Rain

Bakas sa boses niya ang lungkot...

"Katulad pala ng daddy ko..." bulong ko.

"Anong sabi mo??"

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon