Chapter 53 Game Over!

3.7K 93 0
                                    



Sky POV

Palabas ako ng bahay ng mapansin ang isang kotse. Napakabilis ng takbo nito at agad nalang huminto sa harap ng bahay...

Bumaba ang tatlong pamilyar na tao...

I guess... The charade ends here.... !______________!

.

.

Halos patakbo silang lumapit sakin...

"Fara, Zayn, Colt... Anong ginagawa niyo dito?" agad kong tanong....

"Sky... wala ng oras... kailangan mo ng umalis dito. Sumama ka samin..." sabi ni Zayn sabay hila sakin...

Agad akong kumalas sa pagkakahawak niya...

"Teka teka!!! Ano bang nagyayari??!!" tanong ko ulit...

"Sky... huwag ka ng magtanong... Sumama kana samin bago mahuli ang lahat!" –Fara

Bakas sa mga mukha nila na natataranta at kinakabahan...

"Okay! Could someone please explain to me what's happening...!"

"They're here..."-Colt

"What do you mean??" tanong ko ulit...

"Sky... your dad is here!" –Zayn

"At papunta na sila dito. Kaya kung ayaw mong madamay ang pamilya ni Rain... sumama ka na samin!" -Fara

"It's Game Over bro..."-Colt

At doon na ako kinabahan ng sobra...

.

.

Rain POV

Naghahanda kami ng tanghalian ni nanay ng pumasok si Blaze na may kasamang tatlong tao...

Agad lumapit si Blaze sakin at niyakap ako...

"Rain... kailangan ko munang umalis... Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita..." ramdam na ramdam ko sa boses niya na kinakabahan...

Alam kong may hindi tamang nangyayari.

"Teka Blaze... Anong nangyayari? Sino sila?" agad kong tanong...

"Ipapaliwanag ko sayo ang lahat pero hindi ngayon... Kailangan ko munang makabalik sa resort." Sagot niya...

Halatang natataranta si Blaze...

"Teka anak... Anong nangyayari?? May problema ba?" agad na tanong ni nanay Martha...

Lumabas na rin si tatay Reynaldo mula sa kwarto niya...

"Anong kaguluhan to?? Blaze... sino tong mga kasama mo??" tanong ni tatay...

Dumating na rin sina Faye at Harly...

"Tay... kailangan ko po munang bumalik sa resort... Magpapaliwanag nalang po ako pagbalik ko." Sagot ni Blaze...

Lumapit ulit sakin si Blaze... Hinawakan niya ang mga kamay ko...

"Rain... kahit na anong mangyari, huwag na huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita... Don't forget that..." sabi niya sakin sabay yakap...

Maya maya pa ay lumabas na si Blaze at mga kasama niya... Sinundan namin sila... Napahinto sina Blaze pagkalabas ng bahay...

Nagulat nalang kaming lahat ng may humintong isang van at dalawang kotse sa harap ng bahay...

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon