Chapter 22 They're Here!

4.3K 124 0
                                    

Sky POV

Matagal na rin pala ako sa lugar nato... Halos two months na... Marami na ang nagbago...

Marami na rin akong natutunan at sanay narin ako sa lugar....

.

Naglalakad ako papuntang softball field kung saan ako palaging tumatambay tuwing hapon... Minsan nga, inaabot na ako ng gabi dun...

Nakasalubong ko na naman si Alex. For the past few weeks, di niya talaga ako tinigilan... Wala talagang kadala dala ang loko.

"Ano na namang gusto mo??" -tanong ko.

"Sa tingin mo ba titigil nalang ako na hindi nakakaganti sayo...?!!!!" -Alex

"Alex... Nagsasayang lang tayo ng oras dito... Mabuti pa, lubayan mo nalang ako para walang gu-..."

HINDI KO PA NGA NATAPOS ANG SPEECH KO EH !!!! *______________*

Agad niya akong sinapak... Ang loko nato !!! HINDI PA NGA AKO PREPARED!!!

Ang lakas nun!!! Napaupo ako! Pumutok labi ko dun ah... Uaagos ang dugo...

"Binalaan na kita! Pero hindi ka nakinig!!!" -Alex

Ilang segundo lang, may huminto na pulang kotse sa harap namin... Pamilyar ang kotse na yun... Lumabas ang tatlong pamilyar na mukha... dalawang lalake at isang babae.

Sinugod ng dalawang lalake sina Alex... Nagkagulo na... Suntok dito... tadyak doon... sipa dito... tumbling doon... Sa pangalawang pagkakataon... Bugbog sarado na naman sina Alex...

Nagsipagtakbuhan sila...

Tinulungan ako ng babae na tumayo...

"Bestfriend... Are you okay??? Sino ang mga yun??"

Nagtanong pa kung okay lang ako!!! Well... PUMUTOK YUNG LABI KO!!! OKAY LANG AKO!!!

Pero ang isinagot ko............

"Fara??! Anong ginagawa niyo dito??"

Nagulat kasi ako ng matauhan sa pagkakasuntok ni Alex... Nasa harap ko sina Fara, Zayn at Colt!!!! Waaaaaaaaaahhhhhhhh! 0_______________0

"Mamaya nalang kayo magkwentuhan... Umalis na tayo dito..." -Zayn

Agad kaming sumakay sa kotse... Nag drive lang ng nag drive si Zayn para makalayo sa University...

Hindi kami nag uusap... Walang kumikibo...

Inihinto ni Zayn ang kotse sa lugar na wala masyadong mga bahay...

Lumabas kami ng kotse...

"Blaze... okay ka lang ba?" - tanong ni Zayn

"Oo... Okay lang ako..." sagot ko sabay pahid ng dugo sa bibig ko...

"Pano ka naman magiging okay?? Tingnan mo nga yang mukha mo... Eh pumutok nga yang labi mo..." -galit na sabi ni Fara...

"Okay nga lang ako..."

"Ewan ko sayo..."-Fara

"Guys... time out muna!!! Pwede ipagpaliban niyo muna ang away niyo... Sky... Who are those people?? Bakit hinahayaan mong api-apihin ka??" -Zayn

"Wala... napagtripan lang siguro..." sagot ko...

Alam kong galit sakin si Fara...

"Wait... Ako nga dapat magtanong sa inyo eh... Bakit kayo nandito sa Iloilo?? Pano niyo ako nahanap??"

Sky with Rain (masked love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon