Sky POV
I've stayed sa room nina Fara for like hours. Di ko na nga namalayan ang oras. Ayoko naman bumalik dun sa kwarto namin ni Alyssa dahil sigurado ako, DELUBYO ang naghihintay sakin dun.
Halos maggagabi na...
Maya maya pa ay tumunog ang phone ko...
Faye's calling...
"Hello Faye.. napatawag ka..?."
"Blaze... Bukas kasi... may handaan dito sa bahay nina Rain, punta ka.!" -Faye
"Bakit? Anong meron?"
"Birthday ng nanay niya."
"Faye... Alam mo naman kung anong status namin ng pinsan mo, diba?" sagot ko.
"Blaze... huwag ka ngang umarte! At saka hindi naman si Rain ang nagpapapunta sayo dito noh... kundi yung nanay.!" -Faye
"Hauh? Si nanay Martha?"
"Oo! Pagkadating nga namin dito eh ikaw agad yung hinanap eh. Blaze... pumunta kana..."
Okay lang naman siguro na pumunta ako dun... pero sigurado ako, isang milyong "awkward air" ang masisinghot ko.
"Pano si Alyssa?"
"Hayyy naku Blaze.! Huwag na huwag mong dadalhin yang fake girlfriend mo dito. Alam mo namang kumukulo ang dugo ni Harly sa jowa mo nayan. Baka magdilim yung paningin nung isa at baka masabunutan yang jowa mo..." natatawang sagot ni Faye.
Di ko alam kung anong isasagot ko.
"Blaze... pumunta kana. Sige ka! Baka pati si tita Martha magagalit sayo..."-Faye
L*nghiya... kinunsensya pako...
"Fine! Pupunta na..."
"Good!!! Susunduin ka nalang namin bukas..."
"Okay..."
At binaba ang telepono.
Iniisip ko kung anong mangyayari samin bukas pero ang mas pinoproblema ko ay kung pano ako makakatakas kay Alyssa...
"Ano daw sabi?" Fara
"Pinapapunta ako sa bahay nina Rain... Birthday kasi nung nanay niya..." sagot ko.
"Pupunta ka?" -Zayn
Di nako sumagot...
"Pano si Alyssa? Eh parang aso kung makabuntot yun sayo... Pano ka makakatakas?" -Zayn.
"Well... Guys... I have a plan..." sabat ni Colt...
Ting.!!!!
Di ko talaga gusto ang ganung ngiti ni Colt. Sigurado ako, may masamang binabalak to..
.
Bumalik ako sa kwarto namin ni Alyssa.
Naabutan ko siyang nakaupo lang sa sala... Mukhang galit!
"Where did you go?! Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo!" galit niyang sabi...
"hmmm.. babe..." pangiti ngiti kong sabi...
Maya maya pa ay pumasok na rin sina Fara, Zayn at Colt...
"Heyyy Alyssa!! Di ka man lang nagsabi na gusto mo palang masulo tong bestfriend ko!! Eh di sana lumipat kami ng ibang lugar na mapagbabakasyunan...." agad na sabi ni Fara pagkapasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Sky with Rain (masked love)
FanfictionMaraming nagsasabi ng ang same sex relationship daw ay di nagtatagal. Mali daw ang ganitong klase ng pagmamahal. Lalake sa lalake? Babae sa babae? . I'm Sky Villareal... Isa sa mga baliw na naniniwala na may Destiny at Happy Ending din ang ganiton...