Rain POV
Nang sumunod na araw... nagising na lang ako na nagkakagulo na sa labas ng bahay...
Sinilip ko ang bintana at nakita ko ang isang kotse at mga kaibigan ni Blaze. Pinapaalis naman sila ni tatay pero pinipigilan siya ni nanay at Faye... Medyo nagkakagulo na nga eh! 0__0
Agad akong lumabas ng bahay...
"Sir... pakiusap po... gusto lang po naming makausap si Rain..." sabi nung isang lalake...
"Lumayas na kayo dito bago pa magdilim ang paningin ko!" sagot ni tatay...
"Fara... pakiusap lang... umalis na kayo..." sabi ni Faye habang pinipigilan si tatay...
"Faye, kailangan naming makausap si Rain... We need to talk to her right now!" sagot ni Fara...
"Anong ginagawa niyo dito??" agad kong tanong pagkalabas ko ng bahay...
"Rain..."-Fara
"Anak, pumasok ka sa loob..." sabi ni tatay...
"Rain... we need to talk..." –Fara
"Anak!! Pumasok kana!!!" halos pasigaw na sabi ni tatay...
"Tay... kakausapin ko lang sila..." tanging sagot ko...
Pinasok na ni nanay si tatay sa bahay... Kahit nagmamatigas si tatay, wala naman siyang magagawa... Naiwan sina Faye at Harly...
"Anong kailangan niyo?" tanong ko...
Nilapitan nila kami...
"Rain... tungkol kay Sky..." –Fara
"Kung puro kasinungalingan lang ang sasabihin niyo, mabuti pa umalis na kayo." Sagot ko sabay talikod...
"Paalis na si Sky..."-Fara
Napahinto ako sa sinabi niya...
"Rain... babalik na siya ng Manila..." –Fara
"At ipapadala na siya ng daddy niya sa America..." –Zayn
Nagulat ako sa sinabi nila pero...
"Wala na akong pakialam sa kanya... Umalis siya kung gusto niya..." sagot ko...
"Ganyan kaba talaga ka insensitive??!! Alam naming nasasaktan ka... pero inisip mo rin ba kung anong nararamdaman ni Sky ngayon.??! Niloko ka nga niya, pero alam mo bang para yun sayo?!"-Fara
Ramdam ko na naiinis na siya...
"Rain... may mga bagay kapa na hindi naiintindihan. Hindi biro ang maging isang Villareal... Napakalaking responsibilidad ang nakapatong sa balikat ni Sky. Hindi madali sa kanya na gumawa ng isang desisyon. Pinili niyang lumayo kaysa mapahamak ka. Ganun ka niya kamahal..." –Zayn
"Kung talagang mahal niya ako... hindi niya magagawa sakin to..." sagot ko
"Rain... hindi mo naiintindihan eh! Maimpluwensiya ang pamilya ni Sky... Her dad can do everything to get rid of those people who try to get in his way. At alam kong hindi mo gugustuhing malaman ang pamamaraan ng daddy niya. Rain, hawak si Sky ng daddy niya sa leeg... Walang magawa si Sky! Naiintindihan mo ba yun?!!" galit na sabi ni Fara...
Pinipigil lang siya ni Colt...
"Kung ganun... sundin niya nalang ang daddy niya. At pakisabi nalang... na huwag na siyang bumalik dito..." akma na sana akong hahakbang ng...
BINABASA MO ANG
Sky with Rain (masked love)
FanfictionMaraming nagsasabi ng ang same sex relationship daw ay di nagtatagal. Mali daw ang ganitong klase ng pagmamahal. Lalake sa lalake? Babae sa babae? . I'm Sky Villareal... Isa sa mga baliw na naniniwala na may Destiny at Happy Ending din ang ganiton...