Chapter 12~ Special Mission

11 1 0
                                    

~•~SOMEONE’s POV~•~

“May she realize now the Hell that she’s living in. go to Clemver Building room 3, 7th floor, your reward is on the cabinet, same passcode. Rest now and wait for my next call.” A deep husky voice uttered on the line.

“I’ll be waiting, Sir!” sagot ko naman at pinatay na ang tawag.

Nakakapagod na ang linggong ito, sunod-sunod ang mga pinapagawa nila sa’kin na para bang isa akong robot na hindi napapagod. Himala at naisipan nya akong bigyan ng reward, magkano naman kaya ngayon ang dagdag nya.

Habang iniisip ang posibleng madagdag sa pera ko ngayon ay tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kulay kayumanggi na sofa at nagtungo sa maliit kong kusina. A whisky might be better today so I checked the small fridge of this worn out room with its floor squeaking as I walk.

Pagkabukas ko nito ay isang carrot at isang Paul Mason na white wine na nasa kalahati na ang bawas ang sumalubong saakin. Nakalimutan ko nga palang mag-grocery kagabi, out of way din naman ang grocery store sa lakad ko kaninang umaga kaya hindi ko naalala.

“No whisky lil’ fridgy, huh,” I sighed, talking to either myself or this grey 30 by 24 inches mini refrigerator. Glass of wine will do I guess, I got no other choice anyways so I get my glass, poured wine and put some ice cubes in it.

Lumakad akong muli papunta sa mahaba kong sofa na malapit sa bintana at saka humigop ng kaunti sa manamis- namis at mapaklang alak na hawak ko. Umupo ako rito at binigay ang bigat ng katawan ko sa sandalan nito. Sa pagtitig ko sa maingay na kalsada at sa kalangitan na  nagkukulay pink at violet na senyales na lumulubog na naman ang araw, nakaramdam ako ng pagbigat ng aking mga talukap kaya’t nagpasya ako na ubusin agad ang inumin at magpower nap, but on the verge of falling into a deep sleep, some fvcking bastard called and ruined my rest

“I’ll be there,” tanging sagot ko,
Wala na akong inaksaya pa na oras at tumayo na agad, kinuha ko ang hoodie ko na nakasampay sa sandalan ng upuan malapit sa lamesa at sinuot ito agad. Kinuha ko din ang susi ng aking motor na nakasabit sa likod pinto at saka ito ni-lock.

Labinglimang minuto ang lumipas bago ako nakarating sa pupuntahan ko. Medyo matraffic man ay nalalampasan ko agad dahil motor ang gamit ko, hindi tulad ng kotse na mahirap makasingit sa mga daan.
Animo'y probinsya ang lugar na ito dahil sa napakaraming puno na naglalakihan ang nakapaligid sa pa-L na builduing na ito. Dumeretso ako sa parking lot at doon iniwan ang motor ko.


Clemver Building room 3, 7th floor, your reward is on the cabinet, same passcode. Inulit kong sabihin sa sarili ang sinabi ng boss ko kanina habang naglalakad papunta sa entrance ng building bago ko pa makalimutan baka kasi umatake na naman ang sakit ng utak ko at makalimutan ito.


Pagkapasok ko ay dumeretso ako sa may counter kung saan may isang babae na kayumanggi ang kulay ng balat, may straight na black na buhok at nakasalamin. Hindi ko ito pinansin bagkus ay ini-scan na ang barcode sa pulsuhan ng kaliwang braso ko. Nagbeep na ang scanner kaya tinanggal ko na ang braso ko sa pagkakapatong ko dito, napatigil sa pagtytype sa keyboard na katapat ng malaking flat screen computer na sa hula ko ay 24 by 16 inches ang babae- narinig yata yung tunog ng machine. Tumingin ito sa akin at binati ako.

"Goodafternoon, Sir" sambit nya saka walang emosyon na bumalik sa ginagawa nya. Hindi tulad ng ibang counter girl na kapag bumabati sa mga kadadating ay nakangiti, itong isang ito ay hindi man lang ngumiti saakin. 'Di hamak na may itsura naman ako, I'm tall probably 5'9 or 6 flat, wide shoulders at sculpted-like facial features. Ang gwapo ko tangina hindi nya ba napapansin 'yon tsk

Imbis na magtanong pa ng kung ano ay binati ko n lang din sya,

"Goodafternoon," sabi ko. Napansin ko ang name tag nya sa bandang kaliwa ng dibdib nya. 'Ophelia' pala ha, napangisi ako ng bahagya

Schema LofuWhere stories live. Discover now