**SHAUDASCI**
BINILISAN ko ang lakad ko palabas at kinuha na agad ang susi ko sa bulsa. Patawid na sana ako sa kalsada ng biglang may humikit sa hoodie ko.Mabilis ko namang nahawakan ang braso nito kahit pa nakatalikod ako sakanya. Pinihit ko ang braso nito paharap saakin saka ko tinisod ang kanang paa nito at binalibag sa kalsada.
Natanggal ang sumbrero ng lalaki mula sa pagkakabagsak dahilan para makita ko ang kanyang mukha.Sa pag-aakala kong ibang tao iyun, nadismaya na naman ako.
"What the F*ck are you doing?" malamig na hayag ko kay Dex. HIndi ako nagpakita ng kahit anong emosyon ng pagkainis o kung ano pa man, basta ko lamang sya tinitigan sa mata habang dahan-dahan syang tumayo at bahagyang nagpaspas ng damit.
"Just give me 'that' thing you got inside that shop?" nakaseryoso din ang mukha nito.
May ilang tao na ang napatingin sa'min, may ibang nilampasan lang kami at ramdam ko rin ang ibang matang nakatingin parin sa amin ngayon mula sa kung saan saang tindahan sa street na ito.
Subalit isang bagay lang tumatakbo sa isip ko, pinapasubay-bayan ako ni lolo kay Dex kaya't halos sa lahat na lang ng lakad ko bigla-bigla na lang sumusulpot 'tong gagong 'to.
Kusa na namang kumunot ang noo ko dahil sa napagtanto. Nararamdaman ko na naman na limitado ang galaw ko,na gusto na naman nila akong kontrolin at wala na naman akong kalayaan.
Napipikon ako.
Hindi pa nga nawawala ang inis ko kanina kahit pumunta na akong gym tapos madadagdagan na naman ngayon Tsk
Hindi ko na lamang pinansin pa si Dex at tuluyan ng tumawid sa kalsada. Narinig ko naman ang pagsunod ng mga yapak nito na bumibilis papalapit saakin kaya't mas binilisan ko pa ang paglakad at ng marating ko ang pinagparadahan ko ng motor ay tumalon kaagad ako rito at pinaharurut ito papalayo sakanya.
Nakita ko naman ang pagmumukha nya sa side mirror, mukhang unggoy na pikon.
Isang kilometro na ang layo ko mula sa lugar kung san ko iniwan si Dex kaya naisipan ko nang pabagalin ang takbo ng motor. Kailangan kong humanap ng computer shop o kahit saang liblib na lugar kung saan pwede kong mabuksan ang kung ano mang file ang meron sa memory card na nakatago sa bulsa ng hoodie ko.
Napatigil ako sa tapat ng isang maliit na karinderya, katabi lang kasi ito ng isang milktea shop na may mga rental computer sa loob.
Pababa na sana ako ng makarinig ako na malakas na ugong ng makina, sinipa ko kaagad ang stand ng motor ko na kakababa ko pa lang saka pinaharurot muli ito.
Kinginang yan gusto pa ata makipaghabulan sakin ni tanga.
Mukang alam na nila ang posibilidad na laman nitong memory card kaya hindi nila ako hinahayaang makatakas. At sa pagkakakakilala ko kay Dexter Vernet, hindi sya ang miyembro ng White sheep na hahayaang mapunta sa ibang agent ang mission na binigay sakanya. HIndi nya ko titigilan kung inutos sakanyang kunin ang lahat ng impormasyon na meron ako.
Umiikot ako sa iba't-ibang eskinita ng syudad na ito para lamang lituhin si Dex na sa ngayon ay halos limang metro na lamang ang distansya sa akin. Buti na lang tanda ko parin ang mga pasikot-sikot sa lugar na ito kahit dalawang taon akong nawala.
Nakakita ako ng pakanan na eskinita sa 'di kalayuan kaya't mas pinabilis ko ang takbo ng motor.
Inaasahan ko naman na bibilis din ang takbo ni Dex na nakamotor na din ngayon ngunit hindi ito nag-accelerate. Nakalimutan nya siguro na may papaliko sa unahan ng kalsada.
YOU ARE READING
Schema Lofu
General Fiction"Change is constant, so is morality" -Shaudasci V. Will you risk everything for revenge or just let things be? Will you hope for peace or just kill them all? _____ This is a prequel for the incoming second book of SCHEMA LOFU - South Consortium Down...