**in the orphanage**
Pulidong nakaayos ang kwarto ng babaeng nagpipinta kagabi. Ang mga unan at kumot sa higaan nito ay pantay-pantay na nakasalunson, ang kurtina ng bintana nito na may burdang pula at dilaw na rosas na nangingibabaw sa kulay balat na tela ay perpektong nakalugay sa magkabilang dulo ng bintana at nakatali ng dilaw na laso sa gitna na nagbibigay daan sa liwanag ng bago pa lamang sumisikat na araw.
Tinirintas ng babae ang kanyang buhok habang nakatingin sa oblong na salamin nito na kasinglaki ng tao na malapit sa aparador na katabi naman ng kanyang higaan. Ng matapos sya sa pagaayos ng kanyang buhok ay nakipagtitigan sya sa nasa loob ng salamin.
May ngiting nabuo sa kanyang mga labi ng maalala nyang makakalaya na siya sa lugar na kanyang kinatatayuan.
Kinuha na nya ang dalawang itim na travel bag na nakapatong sa kanyang higaan at saka pinagmasdan sa huling pagkakataon ang kanyang kwarto at labing pitong obra na nakasabit sa pader ng kanyang silid. Nakahilera ito ng sunod-sunod na para bang mga natatanging larawan sa isang museyo.
"Should I bring one as a
remembrance?" tanong nya sa sarili.Binaba nyang muli ang kanyang
bagahe na naglalaman ng damit at kagamitang pampintura saka lumapit sa kanyang mga likha. Binasa nya ang Citizen watch na suot na nagsasabing alas singko bente-tres pa lamang ng umaga.Tiningnan nyang muli ang mga nakasabit na pinta sa pader, kinuha nya ang upuan malapit sa lampshade nya at ginamit ito upang abutin ang ika-lima mula sa pinakahuling painting na naglalarawan ng isang bangka na halatang hindi pa tapos. Hinaplos nya ang painting na kanyang pinili at ngumiti.
"That's Perfect!" papuri nya sa sarili.
Akmang palabas na sya ng pinto dala ang kanyang mga gamit ng mapansin ang aninong gumalaw mula sa ilalim ng kanyang pinto. Tahimik na binaba nya ang kanyang mga gamit at dahan dahang binuksan ang pinto gamit ang kaliwang kamay habang nakasandal ang kanyang likod sa pinto.
Pagkabukas ng pinto ay gumulong papasok sa sahig ang isang aluminum na bilog na parang takip ng isang bote. Nagtaka ang babae ng makitang tama ang hinala nya, isang takip ng bote ng coke, lumuwag ng bahagya ang pagkakahawak nya sa seradula ng pinto ng mapagtantong baka gwardya lamang ang nasa likod ng pinto na naghahamon na naman ng dama sakanya.
Bubuksan na sana nya ng tuluyan ang pinto ng biglang may dumungaw mula sa maliit na espasyo ng bahagyang kabubukas na pinto.
She acted on great reflexes that made the person behind the door fall down on the floor as she punched him straight on the face. Tuluyan na nyang binuksan ang pinto ng makitang bumagsak na paloob sa kanyang kwarto ang lalaki.
"WTF is wrong with you Shaud!" inis na sigaw ng lalaking may dark brown na kulay ng buhok at maputlang kulay ng balat habang hawak-hawak ang kanyang ilong na may dugong tumutulo.
"I'm fine. Thank you, Dex." Sagot ng babaeng nagngangalang Shaud sabay kuha sa isang cup ng kape na natapon mula sa pagkakabagsak ng lalaki at saka ininom ang kaunting natira sa loob nito.
"Your efforts are not wasted anyway" dagdag pa nito sa lalaki na katatayo at pilit inaayos ang kanyang damit habang hawak parin ng isang kamay ang kanyang ilong.
"That's how you treat your old pal, huh" sagot nito sa babae na walang pakialam na nakaupo sa maliit na kwadradong gawa sa kahoy na upuan na walang sandalan at nakatingin sakanya na walang emosyon.
"Apologies, Sir. I wasn't expecting a visitor at this rate of hour with some kind of childish trick." Inosenteng paliwanag nito sa lalaki.
"Oh, M 'lady, spare me with your formalities," mala-dramatikong hayag ng lalaki
"So ano ngang ginagawa mo ditong puchangenes ka? 5:30 na gagi may lakad pa ko at saan mo naman nakuha yang takip na yan? Imposibleng binigay yan ni manong sayo e lagi nyang ginagamit yan sa pandadaya sa dama namin?" mabilis na pagtatanong ni Shaud.
"I said spare me with your formalities, not welcome me with your Filipino curses" sagot ni Dex
"Aba' gag* amp, Pilipino ka din uy!" Inis na sagot ni shaud pabalik at saka tumayo't kinuha ng muli ang mga gamit nya at saka naglakad palabas sa kanyang silid.
"You better not leave through the front gate." Seryosong suhestyon ni Dex habang sinusundan palabas ng pinto si Shaud.
"I still have a game to win, Dex." Sagot ni Shaud sabay turo sa takip ng coke na ngayon ay hawak ni Dex. "So spat now your business as we walk ," dagdag nito.
She has no idea. Dex thought to himself
"Give me your bag" offer ni dex habang naglalakad sila sa mahabang hallway ng second floor ng orphanage. Nasa pinakangdulo lang kase ang hagdan ng buong building na katapat naman ng kwarto ni Shaud na nasa kabilang dulo din.
"A gentleman indeed you are, thanks." Pagpapasalamat ni Shaud ng maiabot ang kanyang isang bag kay Dex.
Suddenly, Dex outstretched his arms and blocks Shaud's way, na kinataas namn nito ng kilay
"Didn't you sense anything at all?" tanong ni Dex.
"Ano na naman to?" naiiritang sagot ni Shaud sabay tingin sa orasan nyang nagsasabing 5:50 na.
"You won't play checkers today,Shaud"
"At bakit naman, aber?"
"Well..." Dex trailed of, "Your opponent is dead."
Nabinging panandalian si Shaud at saka humalakhak ng malakas,
"Nice try! You can't prank me early in the morning ,Dex""I'm not joking" giit ni Dex, ng marinig nya ang yapak ng isang sapatos na may takong na paakyat sa second floor ay dali-daling hinila nya si Shaud papunta sa restroom na nsa kalagitnaan ng hallway.
Pagkapasok nila sa c.r ay buong pwersang kumalag si Shaud sa pagkakahawak ni Dex sa braso nito.
"What the hell is going on? Why are we running?"
"Look we don't have much time here, tell me where you are last night around 1 am?" intrigang pagtatanong ni Dex.
Nakakunot na ang nuo ni Shaud sa pagtataka sa ngyayari. Kinilatis nya ang mukha ni Dex na talagang seryosong naghihintay sa kanyang sagot.
"What the fuck is this?" madiin nyang pagtatanong
"Just tell me where you are last night!" paguulit ni Dex sa kanyang tanong ng may kalakasang boses na nagpagitla naman kay shaud.
"I'm just in my f*cking room and f*cking painting a boat alright!" Shaud replied while raising both of her arms as if surrendering to a parent-child argument.
Dex grabbed her arms once agaian and went straight to the last cubicle where a fire exit lies within.
How come he knew there's an exit here? Shaud thought to herself as they both run downstairs.
"Till we haven't left the orphanage, I expect you to follow my simple orders." Dex said in an authoritative voice. Samantalang tahimik lamang si Shaud na nakikinig at tila pino-proseso pa ang mga pangyayari sa kanyang utak.
"I believe you're being set up by the greedy heads again, but this time it's quite a real threat to your reputation. Hence, I'm only here for grandmasters' order" Dex added as they now reached the first floor, waiting for the right time to pass by the kid's playground and through the back alley of the orphanage where his motorbike awaits.
Imposibleng si Manong iyon. Saad ni Shaud sa sarili.
"Come on!" Paghilang muli ni Dex sa braso ni Shaud na dala-dala parin ang kanyang bag. Ng maabot nila ang likod ng orphanage ay kaagad silang sumakay sa motor at pinaharurot ito ni Dex papalayo.
Ng makalayo na sila sa orphanage at ngayon ay nasakalagitnaan na ng kakahuyan, napapreno bigla si Dex ng maramdaman ang malamig na bakal na nakatutok ngayon sa kanyang sintido
----
YOU ARE READING
Schema Lofu
Ficțiune generală"Change is constant, so is morality" -Shaudasci V. Will you risk everything for revenge or just let things be? Will you hope for peace or just kill them all? _____ This is a prequel for the incoming second book of SCHEMA LOFU - South Consortium Down...