Chapter 13~ Cafe

19 3 0
                                    

~•~SHAUDASCI~•~

"WHY do you always have to make a scene?! Seriously? You just got here!"

"Your recklessness will be the cause of your downfall, Shaud"

Paulit- ulit ko parin na naririnig ang mga sermon ni Dex saakin kanina na naka-program na yata sa utak ko. Pinipilit kong mag-isip ng ibang bagay pero bigla ko na naman itong maalala. Recklessness? Downfall? Pshh! Mali bang ipakita ko sa mga tao ang ranggo ko? Alam naman ng iba kung anong antas ko sa organisasyong ito, sadyang kelangan lang talaga ng konting disiplina ng babaeng 'yon. Hindi porke nawala ako dito ng dalawang taon at sya na ang bagong chief ay pwede na nyang gawin lahat ng gusto nya.

At ang isa pa, "Chief?" Chief ng White Sheep? tangina eh 'di ko man lang nga nakikita pagmumukha non sa training ground eh. Pa'no magiging chief ang ganoon kahina puta di man lang ako pinawisan bagsak na sya agad at bakit hindi ko man lang nabalitaan na nagpalit na ng namumuno. Nakaka-insulto na ah! Anong akala nila sa'kin patay na para hindi mabigyan ng pagkakataon na malaman ang ngyayari sa organisasyon at makapagbigay ng opinion? Tangina lang talaga! Lahat ng ginawa ko para sa kanila nakalimutan na lang basta-basta dahil sa isang masamang pangyayari na hindi naman talaga ako ang maygawa. Tapos ngayon ako na naman ang pinagbibintangan nila Puta kelan ba nila ako titigilan? Nakakasawa na TSKKKK

BAAAMMMM

BAAAAM

BAAMMM

TING!

Hindi ko na napigilan ang sarili at pinagsasapak na ang dingding ng elevator na sinasakyan ko ngayon dahil sa sobrang inis. Umuga naman ito ng kaunti dahil sa impact ng mga suntok ko ngunit hindi ko na iyon pinansin pa dahil sumaktong bumukas na ang pinto ng elevator nang marating ko na ang first floor ng building na ito.

May isang lalaki na nakahoodie ang nakatayo sa harap ng up and down button ng elevator, tiningnan ko lamang ito sa mata at saka nilampasan. Buti pa 'to pamilyar sa'kin ang mukha.

Teka! Pamilyar din ang aura na iyon!

Nakakatatlong hakbang pa lamang ako papalayo ng huminto ako sa paglalakad at nilingon ang lalaki, ang malas nga lang saktong pasakay na sya sa elevator kaya't hoodie na black at matangos na ilong na lang ang nakita ko. Naka black pants din pala ito at orange na Nike na sapatos, kung black din ang kulay ng sapatos o kaya ay white masasabi ko ng papunta siyang lamayan.

Sino ba sa mga miyembro ko dati ang may sapatos na orange?

Sa pagkakaalala ko naman , lahat sila ay nakablack tuwing training at iyun din ang suot nila tuwing may operasyon kami. Wala talaga akong maalala na orange. Buti naman nakasalubong ko 'yon, na-divert na ang atensyon ko mula sa pagkainis tungo sa pag-iisip kong sino ang misteryosong lalaki na iyon.

Wow! Misteryoso na agad? Pamilyar lang ang mukha at aura? Tsk Bipolar ko talaga.

One thing's for sure lang, I met him already. Maybe he's a member of WS or one of the players ng South Consortium's Rank Games.

Naalala ko tuloy ang 29 days namin na walang sawa at pahirapang training para sa ika-30 ng buwan ng March kung saan ang lahat ng bata na pinalaki at pinalakas ng organisasyong ito mula sa edad na pito pataas ay sasabak sa iba't- ibang klase ng laro na susubok sa kanilang talino, diskarte at abilidad.

Ang pinakaunang tatlumpong manlalaro ang makakasama sa susunod na laro kung saan may ipapagawa ang grandmaster na tatlong utos, pipili lamang ng isa sa mga iyon na maglalabas ng kanilang sari-sariling potensyal. Kadalasan strategic, logical o combat test ang pinapagawa nito kaya kung sino man ang makagawa ng utos sa loob ng 30 minuto ay ang mapipilli bilang miyembro ng elite team at ang pinakahuli ay ang pakikipaglaban sa isa't- isa.

Schema LofuWhere stories live. Discover now