~•~SHAUDASCI~•~ALAS kwatro é medya na ng umaga nanatili parin akong nakahiga dito sa sofa at nakatitig sa kisame na parang tanga. Dahil sa bangungot na napanaginipan ko kanina, parang ayaw ko nang matulog ulit. Nakasisiguro akong ilang linggo na naman akong walang maayos na tulog dahil sa mga memoryang paulit-ulit kong mapapanaginipan.
Napabuntong hininga na lamang ako at nagpasyang bumangon na.
Tinungo ko ang maliit na kusina at naginit ng tubig para makapag-kape. Habang hinihintay ito na kumulo ay naisipan ko ng maligo kahit madaling araw pa lamang. Suot ko parin kasi itong amoy pawis na black sando at black skinny jeans na suot ko kagabi sa lakad namin ni B7.
NAPATIGIL ako sa paglalakad tungo sa aking cabinet ng maalala ang tattoo na nakita ko sa leeg ng gwardya kagabi. May kakiba akong nararamdaman sa tattoo na iyun, para bang sobrang pamilyar nito sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko ito nakita. Naglalarawan ito ng isang ahas na nababalutan ang kalahati ng katawan nito ng isang lambat o net. Pamilyar talaga ito sa akin.
Habang taimtim kong pinag-iisipan kung saan ko ito nakita dati ay kinuha ko na ang tuwalya, black loose shirt at shorts saka ito sinara. Sumakto namang kumulo na agad ang tubig na ininit ko bago ako makapasok sa C.R kaya't nagkape na muna ako.
Bumalik muna ako sa sofa kung saan nakaharap ang paborito kong bintana at saka tumingin sa kalangitan. Nagkakaroon na ng kaunting liwanag senyales na mag-uumaga na. Sa tuwing nasisilayan ko ang paglitaw ng araw, napapaalala ko sa sarili ko na ano mang paghihirap o problema ang dumating, hanggat kaya ng katawan ko na lumaban at magpatuloy, malalapasan ko rin lahat ng ito.
Humigop ako ng mainit na kape mula sa tasa na hawak ko at saka ito binaba sa maliit na lamesa na katabi nitong sofa.
Nakakalat din sa ibabaw nito ang mga papeles na nakuha namin kagabi sa guard house pati na ang isang litrato ni manong Than sa gitna ng dalawang lalaki. Mukhang kuha ito sa likod ng bahay ampunan, may firealarm kasi na katabi ng CR sa gawing kaliwa ng litrato at hagdan naman papuntang second floor sa kanan ng litrato.
Tulad ni manong Than, kayumanggi ang kulay ng balat ng lalaking nasa kaliwa nya. Nasa 45 pataas ang edad nito kung hindi ako nagkakamali at medyo chubby, pamilyar ang mukha nito sa akin dahil sya ang gwardya nagbabantay kagabi.
Masasabi kong hindi s'ya mahusay na gwardya sapagkat natakasan namin sya ni B7 at napatumba pa ng walang kapagod-pagod hays.
Mukhang kelangan na talaga ng orphanage na humanap ng well-trained guard.
Matipuno at maputing lalaki naman ang nasa kanan ni manong. Matangkad ito at kakaiba sa kanilang tatlo dahil nakaseryoso at malamig na tingin lamang ang pinakita nito sa litrato kumpara sa dalawang nakangiti. Pare-parehas silang nakauniporme na pang-gwardya subalit ni minsan ay hindi ko nakitang mag rounds sa buong compound itong maputing gwardya na ito, dahil sa kuryosidad ay pinicturan ko ang lumang litrato at saka pinadala kay B7, siguradong tulog pa 'yun ng ganitong oras kaya't nagmessage na lang ako sakanya.
Nakakaawang 10% na lang ang battery ng phone ko kaya't chinarge ko muna ito saka pinatong sa kama ko kung saan malapit ang saksakan ng kuryente.
LAGPAS kalahati na ang kape sa tasa ko, wala parin akong mahanap na importanteng impormasyon tungkol kay manong Than maliban sa ID nya na naglalaman ng home address at contact number. Ang ibang dokumentong galing sa guard house ay tungkol sa donation delivery details mula sa iba't ibang kompanya at kilalang politiko.
Sentro Skylark Corp. parin ang nangunguna sa may pinakamadaming donasyon. Sa pagkakaalala ko ito ang laging nagpapadala ng mga libro, sabon, damit at iba pang neccessities ng mga bata.
YOU ARE READING
Schema Lofu
General Fiction"Change is constant, so is morality" -Shaudasci V. Will you risk everything for revenge or just let things be? Will you hope for peace or just kill them all? _____ This is a prequel for the incoming second book of SCHEMA LOFU - South Consortium Down...