Hands in mouth to avoid making sounds, a young girl is intently watching from the small holes of her father’s wardrobe breathing heavily but quietly.She feels suffocated but not because of the tight space she’s hiding in, but because of the pain she felt deep inside her heart as those fragile heart strings tore apart for being incapable of fighting back for her family that is being bitten on her watch.
Lumapit ang isang matipunong lalaki na natatakpan ng itim na tela ang kalahati ng mukha sa ama niyang nakagapos sa isang upuan at nakaduck tape ang bibig.
Mabilisang pinikit ng batang babae ang kanyang mga mata ng tinusok ng matipunong lalaki ang kanang hita ng lalaking nakagapos na nagpupumiglas na sa sakit na nararamdaman.
The man with a tan skin tied up in a chair cried in agony as the knife pierced through its flesh. Sinubukan n’yang kumawala ngunit napangisi lamang ang lalaki at biglang hinawakan ng sobrang higpit ang kaliwa nitong tuhod at walang awa na pinaglalaslas ang hita ng lalaking nakagapos saka ngumiti ng malapad na parang isang baliw.
“Stop it already!” a woman in mid 40s pleased as tears stream down her face. The muscular man turned his gaze to the woman who was being held aback by his men who has a gun pointed on her head.
“Gusto mong tumigil ako?” he trailed off as he walk towards her. “sabihin nyo sakin kung nasan ang p*tang*nang flash frive na ‘yan ng matapos na ‘to ” malumanay ngunit may diin na utos ng lalaki.
“BDDon’th byou doare lay a inger on er! (Don’t you dare lay a finger on her!)” pagbabantang sigaw ng lalaking nakatali ang kamay at paa sa upuan kahit pa ito’y nakaduck tape ang bibig.
Mistulang naging bingi ang matipunong lalaki dahil hindi man lamang nito nilingon ang lalaking nakatali, bagkus ay pwersahang tinaas nito ang nakatuck-in na putting longsleeve ng babae.
Mabilis namang nakaresponde ang katawan ng babae at agad itong sinipa sa gitna ng ibabang bahagi ng pagkalalaki. Napaatras ang lalaki at napahawak sa tinaman ng sipa ng babae. Imbis na magalit ay napahalakhak ang lalaki ngunit ilang sandali pa ay biglang naging seryoso ang mukha nito ng makarining ng isang malakas na tunog ng nabasag na gamit.
KLANG!
SHATTER
SHATTER
~•~SHAUDASCI~•~
Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga ng makarinig ng isang napakalakas na ingay ng animoy parang nabasag na gamit. Mabilis ang tibok ng puso ko at tumutulo ang pawis mula sa noo ko.
Nilibot ko ang tingin sa paligid ng aking kwarto ngunit wala naman akong napansin na kakaiba rito. Napatingin ako sa floor-to-ceiling na bintana sa kaliwang bahagi ng kwarto, madilim pa ang paligid, wala pang bakas ng anumang liwanag.
Sa hindi ko malamang dahilan ay mistulang magic na gumaan ang pakiramdam ko subalit sa pagkatulala ko sa madilim na kalangitan na may iilang bituin na kumikislap, doon ko naalala ang napanaginipan.
Bumabalik na naman ang huling memorya ng mga magulang ko na meron ako at sa hindi ko inaasahan ay dahan- dahang tumulo ang maiinit na luha sa aking pisnge.
Si Manong Than na itunuring ko ng parang tatay ay wala na at ako pa ang pinagbibintangan na may kasalanan.
Tatlong taon pa lamang ako ay kinuha narin saakin ang totoong mga magulang ko. Walang napapagsabihan ng problema at hinaing sa buhay. Walang nasasandalan at yumayakap tuwing may sakit ako. Wala man lang magulang na nahihingian ng bagong laruan o sapatos.
Ang mga kaibigan ko na akala ko'y totoo sa'kin ay ginamit lang pala ako. Ang mga taong pinahalagahan mo pa ang kusang mananakit sayo.
Ano pa bang kailangan kong maranasan? Hindi pa ba sapat lahat ng sugat at pilay na braso at binti na natamo ko bago ko makuha ang posisyon ko? Hindi pa ba sapat ang emosyunal na sakit na mas nakakamatay kumpara sa pisikal na sakit na ilang beses ko ng naramdaman? Ano pa bang kulang Lord? Ano bang mali ko?
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko kahit ilang beses ko ng pinunasan ito gamit ang aking mga palad. Hindi ko na namalayan na nabasa na ang kumot ko na nakataklob sa aking mga tuhod dahil sa ilang ulit ko na pagyuko.
At sa unang pagkakataon ay sinubukan ko ng ikalma ang sarili bago pa lumobo ang talukap at mga gilid ng mata ko na para bang nasuntok, sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.
Bumagal naman ang pagtibok ng aking puso at unti-unting tumigil ang pagtulo ng mga luha ko.
Napagpasyahan kong tumayo at uminom ng maligamgam na tubig para pakalmahin pa ang sistema ko.
Umupo ako sa sofa na nakaharap sa dingding na salamin at pinatong ang baso na hawak sa ibabaw ng maliit na lamesa na katabi lamang nitong sofa. Nakita ko din ang phone ko na nakapatong dito kaya't kinuha ko ito at chineck ang oras, 3:15 pa lang at nakakaawang 14% na lang ang battery ko, nakalimutan ko siguro icharge to dahil sa pagod kagabi.
***Last night***
It's already 9:45pm, kasalukuyan kaming nagtatago sa kakahuyan dito sa likod ng orphanage. Kadadating lang namin ni B7 dito mula sa Efice cafè.
He parked his car meters away from us before we went here at the back of the orphanage. In a few minutes the dim post lights circling the walls of the orphanage will turn red. Senyales na sarado na ang lahat ng daanan papasok sa bahay ampunan.
Subalit walang sarado sa taong nakakakita ng liwanag mula sa dilim.
Nagmatyag kami ng ilang oras bago tuluyang pumasok sa bahay ampunan upang masigurong tulog na lahat ang mga tao.
Tahimik at dahan- dahan kaming umakyat sa bakod at maingat na tinungo agad ang guard house.
Gumawa ng distraksyon ang kasama ko upang lumabas ang gwardya na tila nagtatawa sa pinapanood sa kanyang smartphone sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga kadena sa gate. Agad naman itong umaksyon at kinuha agad ang kanyang flashlight at tinutok ang ilaw nito sa entrance gate ng bahay ampunan. Nang wala siyang natagpuan na anumang imahe na kakaiba malapit sa gate ay agaran syang tumayo at lumabas mula sa guard house, doon ko sya pinalo ng tubo sa batok ng sobrang lakas dahilan para mawalan sya ng malay.
Niluhod ko ang kaliwang tuhod upang makuha ang ID nito pati na ang mga susi, pinihit ko ang katawan ng gwardya pahiga at sa hindi inaasahan nakita ko mula sa leeg nito ang isang pamilyar na simbolo...
~~~~
YOU ARE READING
Schema Lofu
General Fiction"Change is constant, so is morality" -Shaudasci V. Will you risk everything for revenge or just let things be? Will you hope for peace or just kill them all? _____ This is a prequel for the incoming second book of SCHEMA LOFU - South Consortium Down...