~•~SHAUDASCI~•~
"Oh, bat parang nakakita ka ng multo?” komento ko sa reaksyon ni Dex na namimilog ang mata na naging dahilan upang mas makita ko ang mala-abo na kulay ng kanyang mata sa muling pagkakataaon sa araw na ito at medyo magulo ang buhok ng makita ako pagbukas ng pinto ng main office ni lolo
Napakunot naman sya bigla ng noo dahil sa sinabi ko at saka tumugon
" 'Cause you look like one" walang kagana-ganang sagot nya at tinulak pa ako ng bahagya patabi sa dadaanan nya gamit ang kanyang braso
Wow ha! Mukang multo daw amp, porke ba hindi ako nagmamake up or lipstick mukha n akong multo? Sa pagkakaalala ko kanina ng tumingin ako sa salamin ay hindi ganoon kaputla ang labi ko, tsk! Syempre sumagot ako pabalik para gumanti
“Don’t worry ‘di ko naman narinig masasakit na sermon nya sayo,” sagot ko saka inosenteng ngumiti, parang nainis naman si kupal at huminto sa paglalakad na malapit na sana sa pinto, dahan-dahan itong pumihit paharap sa akin at nakangiting aso na ngayon Napakapanget tsk!
“your concern is deeply appreciated,” sabay hakbang papalapit, nanatili naman akong nakatayo at pinag-krus ang mga braso sa dibdib, “he did not scold me, in fact we made a deal,” kalmadong pagpapaliwanag nya, bumalik na naman sa mood na mapang-asar ang loko
“Oh! Well that’s new, all I know is that you hate making deals ‘cause as YOU said before,” I paused making obvious intonation on the word ‘you’,
“you hate deals for they were like trying to manipulate your actions” dagdag ko, biglang namang bumagsak ang balikat nito at nagbuntong hininga ng malalim“a lot has changed, Shaud” hayag nya sa tonong tila pagod ng magsalita seryoso itong nakatingin sa akin at nagpatuloy sa sinasabi, “besides I got no other choice, so better watch carefully now your actions Shaud,” with that, tuluyan na syang umalis
Ha? Anong konek??? Weirdsh*t -__-
'Watch your actions' amp baka nakakalimutan nya kung sino ako, well may pagkakataon nga na reckless ako kaya tuloy natraydor ako ng pinakapinagkakatiwaalan ko na taoTumingin na lamang ako kay Ms. Marife na tutok parin sa kanyang computer at nagtanong kung pwede ko ng makausap si lolo. Tumawag sya sa telepono na mabilis namang nasagot ng kabilang linya. Tumingin siyang muli sa akin saka sumagot sa kausap,
"But she has been waiting for about half an hour, Sir" paliwanag nya, for sure si lolo iyang kausap nya.
Grabe ah! Di ba nya ko namiss? Ayaw ako makausap hayss
Ilang saglit pa ay binaba na ng secretary ang telepono at nginitian ako- pwede na daw ako pumasok.
Kumatok muna ako ng dalawang beses saka tuluyang binuksan ang pinto. Doon ko napagtantong no joke na madami ngang ginagawa si lolo.Kung kanina ay kaunti lamang ang gamit sa lamesa nya, ngayon ay patong-patong na folder at kung ano-anong papeles ang nasa lamesa nito, patuloy itong nakatingin sa hawak-hawak na papel at suot ang salamin sa mata, hindi nya yata napansin ang presensya ko kahit ilang minuto na akong nakatayo sa gilid ng couch nya at nagbow pa o sadyang ayaw lang nya akong pansinin, magsasalita na sana ako ng bigla siyang umimik nagulat tuloy ako ng slight,
“make it fast,” aniya habang nakatingin parin sa papel
Halatang busy talaga sya kaya’t lumapit na ako sa desk nya at sinabi na kaagad ang sadya ko, “I forgot to give you this a while ago,” sabay abot ko sa painting na kanina ko pa hawak,
Umangat naman ang kanyang tingin kaya’t nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya, hindi nya agad ito inabot dahilan upang mas ilapit ko iyon sakanya, kinuha na nya ito mula sa aking kamay, nananatiling blangko ang kanyang mukha habang kinikilatis ang aking obra, sana naman kahit papaano ay nagustuhan nya.
YOU ARE READING
Schema Lofu
General Fiction"Change is constant, so is morality" -Shaudasci V. Will you risk everything for revenge or just let things be? Will you hope for peace or just kill them all? _____ This is a prequel for the incoming second book of SCHEMA LOFU - South Consortium Down...