Chapter 11- Canteen

41 3 0
                                    


~•~SHAUDASCI~•~


"Put*ngin*!" Napatalon ako sa gulat ng bigla akong tapikin ni Dex sa balikat mula sa aking likod pagtapos na pagkatapos kong ibaba ang tawag ko kay B7. Hindi ko man lamang naramdaman ang presensya nya kanina tanginang yan di ko tuloy nasapak.

Kinalma ko na lang ang sarili ko at humarap sakanya, ngayon ko lamang napansin na nasa likod pala sya ng pinto na sinara ko kanina, teka nga kung kanina pa sya nandito edi narinig nya lahat ng usapan namin. Tsk.

"Kanina ka pa jan 'no?" Pagkukumpirma ko sakanya sabay taas ng isa kong kilay

"Enough time to hear your important call," sagot naman nya ng nakangisi pa.

Now he knows na may lakad ako mamaya. Well, wala naman sigurong masama besides mukha namang totoo lahat ng sinasabi nya about my case and for sure sinabihan na naman sya ni lolo na tulungan ako sa gulong ito na hindi ko naman ginawa.

Hindi na ako sumagot pabalik dahil nagugutom na talaga ako kaya tumalikod na lang ako at naglakad papuntang elevator. Sana naman may nilagay silang pagkain sa fridge ko bago ako dumating kanina or else oorder na lang ako sa Foodpanda.

Taimtim akong nagiisip kung anong masarap na i-order ngayon ng makarinig ako ng matitinis na kaluskos ng sapatos sa tiles na sahig ng building na ito, mukhang sinusundan na naman ako nito.

Binilisan ko ang lakad ko at naramdaman kong binilisan din nya ang lakad nya kaya't humanap ako ng tyempo para makaganti. Syempre kanina pa nya ako ginugulo kaya ako naman ngayon. Mas binilisan ko pa ang lakad ko at sa pinakaunang pagliko sa kanan ng hallway ay huminto ako at sumandal sa pader. Mabilis akong yumuko dahilan para pumunta sa harapan ko ang mahaba ko na buhok at natabunan ang aking mukha saka ako umupo.

Wala pang isang minuto ng makita ko ang paa ni Dex na papaliko sa kinaroroonan ko kaya't mabilis kong hinablot ang binti nito at mabilisang tumayo

"WAHHHHHH!!!" sigaw ni Dex ng tumingala ako at mabilis na tumayo sa harapan niya habang natatakpan parin ng buhok ang aking mukha na animoy isang white lady

Hindi ko na napigilang tumawa at humalakhak na ng napakalas ng makitang nanginginig parin sa takot ang Dex na ngayon ay nakaupo na sa sahig at nakahawak ang isang kamay sa dibdib HAHAHAHA

"Nagulat ka sis?HAHAHAHA wag mo pahalata HAHAHHAHA" i said in between laughs. Takot na takot talaga sya HAHAHAHHAHA NAYSWAN nakaganti na 'ko wooh!

"Fvck you!" Aniya na lalong nagpatawa sa'kin. Nakakunot ng todo ang kanyang noo at nakatingala saakin wala parin yatang lakas para makatayo pfffttt

"Ayan sige gulatin mo pa 'ko" saad ko sakanya at nakangisi pa. Tawa parin ako ng tawa habang inaayos ang buhok ko

"Tangina! Hindi naman kita ginulat eh!" Sigaw nya habang nakaupo parin parang bata talaga HAHAHHAHA

ABA TEKA TAGALOG YUN AH SHET NAGTAGALOG SYA SA TAKOT MADERFVKER!

" Woah Dex! Ang galing ko pala um-acting para magtagalog ka sa takot HAHHAHAHA" pangaasar ko sakanya at saka nilahad ang aking kamay para tulungan sya tumayo and as expected nainis si kupal at hindi ito pinansin dahilan para mas lalo akong tumawa HAHAHAHHA

Kahit anong panahon talaga at kahit matanda na sya ay naniniwala parin sa multo lalo na sa white lady. Umakma naman ang kulay ng balat ko sa pagpapanggap ko kanina grabe worth it talaga reaction nya para syang bata na nadulas at nakaupo sa sahig kulang na lang ay umiyak sya sa takot. Sino nga naman ang mag-aakala na ang Dex na nakapoker face lagi ay matatakutin pala shett dapat na video ko hehe magandang gamit pangblackmail.

Sumakit na ang tyan ko sa kakatawa bago pa lang ako tumigil. Tumayo na rin sya at inayos muli ang damit. Sa pagkakaalala ko ay pangalawang beses na nya ito na natumba sa sahig una ay kaninang umaga at ngayon naman PUTA naalala ko na naman si manong tsk

Schema LofuWhere stories live. Discover now