*SHAUDASCI*NABALIK ako sa realidad ng tapikin ako ni Seb sa balikat. Ilang minuto na pala kasi akong nakatitig lang sa laptop.
Tumingala ako sakanya dahilan para masilayan ko ang mga mata nyang makinang na kayumanggi na may ternong mahahabang pilik.
Sinusubukan nyang magpakita ng ekspresyon na nagaalala na makikita sa kanyang kilay na medyo nakakunot ngunit kahit anong titig ko sakanya, hindi ko parin mabasa ang mga mata nyang walang buhay.
Goldish brown man ang kulay subalit nagmumukha itong purong itim dahil sa kawalang emosyon nito.
"Okay lang umiyak. Mas mabuti iyun kaysa kimkimin mo lahat" aniya.
"Impossible 'to! Coincidence lng lahat!" nagsisimula na akong maglabas ng totoong emosyon ng 'di ko namamalayan.
Imbis na sumagot ay nananatili lamang syang nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin samantalang nakaharap parin ako sa laptop.
"Nothing in this Earth is a coincidence." hayag nya saka kinuha ang laptop sa harapan ko.
May pinindot sya na key doon ng ilang beses saka muling hinarap sa'kin ang screen ng laptop.
At sa pagkakataong ito, nakazoom na ang larawan ni Clemente Vernet o ang kinikilala kong lolo kasama ang limang matitipunong lalaki na may tattoo na ahas na may lambat sa katawan, dalawa sa kanila ay nasa leeg, isa ang nasa kanang kamay at dalawang nasa gilid ng nuo o temple ang tattoo.
"Your grandfather also raised those men the way he raise the White sheep, the way he raised you and Dex" saad nya habang tinuturo ang pagmumukha ng bawat lalaking nakapalibot kay lolo. "And look at your Grandfather's face, ngiting-ngiti pa s'ya o'" dagdag pa nya.
"P'ano ka naman nakakasiguradong pinalaki nga ni lolo lahat 'yan? Paano kung ginagamit lng nila si lolo? Saka sino ka ba para malaman lahat ng ito?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya. Nawawalan na ako ng pasensya dahil sa ginagawa nyang pagbibintang sa lolo ko.
Alam ko sa sarili ko na possible nga ang sinasabi nya, posible pero ayokong maniwala. Ayokong tuluyang masira ang magandang imahe na meron sya sa'kin.
P'ano kung gawa-gawa lang 'to ng North consortium para sirain kami? P'ano kung trap lang ulit 'to para kontrolin ako?
"Tingnan mong mabuti ang isa pang larawan na kasunod nito. Lahat ng batang yan may tattoo na katulad dito (turo nya sa naunang larawan) at sa katulad na pwesto din, leeg, nuo, kamay." Tumigil sya sa pagsasalita at tiningnan akong muli. Umiwas ako ng tingin at mas ni-zoom pa ang larawan ng mga bata sa laptop.
Tama sya, sila talaga ang matitipunong lalaki na katabi ni lolo sa naunang larawan.
Bumalik n sya sa pwesto nya malapit sa bintana.
"Bago ka pa lang maapon ni Vernet, may private army na yan." Panimula nito saka nagcrus ng mga binti. "At alam mo bang bago naging magkaibigan ang mga magulang mo at si Vernet, mortal na magkaaway na yan sa politika mula pa nung unang takbo ni Vernet bilang konsyal pa lang ay kasabay na nito na tumakbo ang nanay mo kahit pa nasa iisang baranggay lamang sila. Noong 1998, sabay din silang tumakbo bilang vice mayor, walang nanalo sakanila at noong 2002, tumakbong muli ang nanay mo bilang vice mayor, si Vernet naman bilang mayor at parehas silang nanalo."
"Ano ngayon? Hindi mo parin sinasagot ang tanong ko!" Pagpuputol ko sakanya. Ano naman kung magkaaway sila sa politika dati? Hindi naman siguro sapat yun na dahilan para magpatayan sila. TSKK
"Bago mamatay ang mga magulang mo," parang wala lang syang narinig kahit na sumigaw na ako kanina.
"Pwede tama na?!" Sigaw kong muli sakanya, pinapakita ko nang nauubos na talaga ang pasensya ko.
YOU ARE READING
Schema Lofu
General Fiction"Change is constant, so is morality" -Shaudasci V. Will you risk everything for revenge or just let things be? Will you hope for peace or just kill them all? _____ This is a prequel for the incoming second book of SCHEMA LOFU - South Consortium Down...