Chapter 18~ Meet-up

4 2 0
                                    


             **SHAUDASCI**

NATAUHAN ako nang biglang umingay ang paligid ko nang tumunog ang door chimes ng cafe na napasukan ko. Ilang minuto na pala akong nakatulala mula ng dumating ako dito pasado 11 ng umaga traffic na kasi nung pabalik ako galing Valenzuela.



Isang lalaki na nakat-shirt na itim at black pants ang pumasok sa coffee shop na ito, mukhang pamilyar ito sa'kin kaya't sinundan ko ito ng tingin.



Dumeretso sya sa counter para umorder which is kinda weird kasi sa cafe na ito, umupo ka lang sa kahit saang pwesto at waiter na ang lalapit sayo para kunin ang order mo, ngayon lng siguro sya nakapunta dito.




Napatingin naman ako sa usual na inoorder ko na blueberry vanila cake at isang americano, parehas silang kalahati pa lng ang bawas.

Kaya ko naisipan na dito dumeretso kesa sa Clemver building, ay para masuri na agad ang lugar na ito na pagkikitaan namin ng nagpadala sakin ng orange sulat mamayang alas tres. Baka mamaya may ibang binabalak yun dito sa lugar na ito, mabuti na yung sigurado.


At isa pa, para malaman ko rin kung maynagmamasid o sumusunod ba saakin. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kapehan na ito. Wala pa namang mukhang kahina-hinala maliban sa kadadating lang na naka-itim na lalaki. Naka sumbrero kasi ito kaya 'di ko lubos namakita ang mukha nito.



Muli ay tiningnan ko ang counter kung saan sya pumunta kanina ngunit wala na sya roon.



Humigop muna ako sa americano ko na unti- unti ng natutunaw ang yelo para hindi halatang may hinahanap ako at saka ako tumingin sa labas ng cafe.



Kahit kasi maliwanag sa labas ay nakikita ko parin ang repleksyon ng mga tao lalo na ang kulay ng mga damit nila mula sa glass wall ng shop na ito.



Siningkit ko pa ang mata ko para mahanap ang pwesto ng lalaking naka itim mula sa repleksyon nito sa glass wall habang pasimple akong sumisipsip sa straw ng kape ko.


At sa pagtingin ko sa gawing kanan ng repleksyon, nabitawan ko ang straw na hawak dahil ang taong hinahanap ko ay nakaupo lamang pala sa likod ko.


Nagkatinginan kami ng mata sa mata at sa unang pagkakataon ay nasilayan ko na ang kanyang mukha. Awtomatiko naman akong napaiwas ng tingin sa hindi ko malaman na dahilan at napasubo na lamang ng blueberry cheesecake.


Ramdam na ramdam ko parin ang titig nya kahit nakatalikod na ako sakanya at nakaimprinta parin sa utak ko ang golden brown nyang mga mata, nakakabighani ito ngunit sa lalim ng mga mata at kapal ng kilay nya parang nakakatakot siyang titigan ng matagal.



Tiningnan ko ang orasan ko na nagsasabing alas dose pasado pa lamang. iniisip ko kung maghiintay pa ba ako dito hanggang alas tres o uuwi muna ako sa condo ni lolo .


Teka Shaud! wag kang uuwi sa condo baka sundan ka ng nasa likod mo, pagbabanta ng utak ko.



Edi sundan nya, tingnan natin kung makakauwi pa sya sa bahay nya ng buhay.TSK! Sagot ko sa sarili.




May posibilidad na sundan nya ako, kahina-hinala din ang outfit nyang all black, nakasumbrero pa. Kung ito man ang taong nagiwan ng orange na sulat sa kusina ko kaninang umaga pwes hindi ko na sya papalabasin pa sa coffee shop na ito ngunit hindi ko pa ito nakukumpirma kaya't hahayaan ko muna syang kumain ng kung ano mang inorder nya.



Inubos ko na ang cake at americano na ni-order ko at saka dumeretso sa comfort room ng shop na ito, hindi para mag-cr kahit na jijinggle na ako kundi para hanapin ang back door na para lamang sa mga personnel at saka doon dumaan buti na lang walang nakapansin at sa malapit ko lang napark ang motor ko.



Schema LofuWhere stories live. Discover now