Chapter 8~ Clues

22 3 0
                                    

**in the orphanage**

"Wala naman po kaming napapansin na kakaiba noong mga nakaraang araw" sabi ng janitor na hawak-hawak pa ang kanyang mop habang kausap ang detective na may mahabang darkbrown na coat.

"Kadalasang anong oras po kayo naglilinis sa umaga?" tanong nito sa janitor habang ang alalay naman nya ay pasimpleng nagmamasid sa paligid na para bang naghahanap ng palatandaanan o marka sa bawat kanto at sulok ng mga pader.

Nasa likod sila ngayon ng orphanage kung saan may nakitang wrapper ng chocolate ang mga police na naginspeksyon sa buong compound kanina.

"Alas-singko po, Sir. Naglilinis po ako ng sahig sa lobby ng marinig ang sigaw ni ate Lucia, sya ang tagawalis ng harapang bakuran ng bahay-ampunan na ito kung kaya't dali-dali akong tumakbo palabas. Nakita kong nanginginig na nakatayo si ate Lucia na nakatingin sa loob ng guard house, pagkapunta ko sakanya'y duon ko na po nasilayan ang karumal dumal na sinapit ni manong Thanis" Paglalahad ng janitor na kakikitaan ng lubhang pagkalungkot.

Tinapik naman ng detective ang balikat ng janitor upang pagaanin ang loob nito.

"Wag ho kayong mag-alala mahahanap din natin ang sinumang gumawa ng krimen na ito" paninigurado ng imbestigador.

"Ito po ba ang fire alarm na napindot noong gabi?" Tanong ng nakapolo-shirt na nagngangalang Sol, alalay ng detective na nakaturo pa sa fire alarm na katabi ng C.R.

Nanlaki ang mata ni Detective Arias sa kasama nyang padalos-dalos magtanong.

"Alam nyo rin po pala na tumunog iyan kaninang madaling araw," puna ng janitor

"Ay, opo, nabanggit sa amin nung isang pulis na sabi daw sakanya ng isang caretaker" palusot ng lalaking naka polo-shirt.

"Totoo nga po iyon, pasado alas-dos ng madaling araw naman iyon naganap halos nagising kaming lahat dahil sa lakas ng ingay, hanggang ngayon ay hindi namin alam kung sino ang maygawa nun, sa aming palagay ay gawa din iyon ng pumatay kay manong Than."paliwanag ng janitor

"Alam nyo po ba ang ibig sabihin ng Dasci?" pagtatanong muli ni Arias. Tumingin sa kaliwa at kanan ang janitor na para bang sinisiguradong walang ibang nakakarinig sa kanilang usapan.

"Hindi ano, sino" panimulang sagot nito na halos hindi na marinig ang boses sa sobrang hina.

"Siya ang second headmaster namin dito, ayaw na ayaw nyang nababanggit ang pangalan nyang iyon kaya headmaster o Miss Vernet ang tawag namin sakanya"

"Vernet?" nagkatinginan ang detective at ang alalay nya

"opo" takang sagot ng janitor kay Arias na nakakunot na ang noo.

"Kamag-anak siya ni Clemente Vernet, ang dating mayor? Sa pagkakaalam ko ho ay wala syang ibang kamag-anak ditto sa pilipinas maliban sa pamangkin nya na lalaki at hindi sya nag-asawa dahil daw sa tutok siya sa trabaho" nagugulumihanang tanong ni Arias.

"Hindi man po kamag-anak sa dugo ni ex-mayor Vernet si Miss Vernet ay tinuturing nya po itong parang sariling anak. Samakatuwid ampon po si Miss Vernet. Dito rin sya lumaki mula ng mamatay ay kanyang mga magulang" Nagulantang ang dalawa sa impormasyong narinig.

Kaagad namang nakamove on si Arias at nagtanong muli."Madalas bang siyang makihalubilo sainyo?"

"Aba, Opo!" sagot ng janitor na tila proud na proud para sa kanilang second headmaster.

"Sa katunayan nga po para na syang isa sa amin, mabait ang binibining iyon, matulungin at maalaga sa mga bata. Ang pintas ko lamang duon ay iba siya kung magalit lalo na kapag nabanggit ang pangalan nito, gumagamit din siya ng parusa para sa disiplina. Strikto din ito sa mga alituntunin lalo na sa usaping may kinalaman sa oras ngunit tama lamang iyon. Kapag naman may problema ka o kailangan ng anumang tulong lumapit ka lamang sakanya at hindi ka mapapahiya. Masasabi kong napakaganda ng pagpapalaki sakanya ni ginoong Clemente." Paliwanag ng janitor sa dalawang tahimik na nakikinig.

"Gaano po katagal na namuno bilang second headmaster si Miss Vernet?" tanong ni Sol

"Padalawang taon nya na po ngayon" sagot naman ng janitor

"Kaya hindi rin siguro malabo na makasundo nya si Thanis Turibio, ang gwardya ninyo na patay na ngayon, tama ho ba?" masuring pagtatanong ni Arias habang hinahaplos ang kanyang balbas.

Kumunot bigla ang noo ng janitor mula sa narinig at kaagad nabasa ang nasa isip ng imbestigador.

"Imposible pong si Miss Vernet ang pumatay kay manong Than, hinding-hindi nya po iyon magagawa dahil magkaibigan ang dalawang iyon kahit pa malayo ang agwat sa kanilang edad. Imposible po iyon" pagdidiin ng janitor na parang nagtatanggol ng isang batang nakipag-away sa kapwa bata.

"Hindi ko po sinasabing sya ang pumatay, possible lamang ho na may kinalaman sya sa ngyari sapagkat nakasulat ang pangalan nya sa ibabaw ng checkers board sa lamesa ng gwardya gamit ang dugo mismo ng biktima" paliwanag nito sa janitor.

"Nabanggit nyo po na magkaibigan silang dalawa?" nakisingit muli ang lalaking nakapolo-shirt sa usapan.

---

Napahinto sa paglalakad sa hallway ang isang lalaking nakaitim na jacket ng marinig ang mga boses na nag-uusap sa likod ng orphanage kung saan siya patungo kung kaya't lumapit pa sya sa kantong paliko at saka sumandal sa pader upang makinig. Ilang minuto lamang ang lumipas ng may padaan na bata at isang caretaker galing sa katabing playground kaya't nagpatuloy muli sa paglalakad ang lalaki papunta sa kinaroroonan ng mga imbestigador

"oh, totoy narito ka pala," bati ng janitor sa lalaking nakajacket na patungo sa kanilang direksyon.

Kumuway ang lalaki saka sumagot
"Nagdeliver lang po ulit ng mga laruan ng mga bata, nasa storage room na po lahat" sagot nito sa janitor na malaki ang ngiti sakanya at saka nya kinilatis ang mga mukha ng dalawang lalaki na katabi nito.

It's them. Ani nito sa isip saka dumeretso sa loob ng C.R

Bumaling muli ang atensyon ng janitor sa awtoridad na kausap. "Ano po uilt ang tanong nyo?"

"Magkaibigan po si Miss Vernet at Thanis Turibio?" pag-uulit ni Sol.

"Ah, oo, Makikita ko na lamang tuwing umaga habang naglilinis ako ay nagtatalo ang dalawa sabay hahalakhak si Miss Vernet senyales na nanalo na naman siya sa damahan nilang dalawa. Kadalasang sabay sila magkape habang nagdadama kaya't sanay na kaming si Miss Vernet ang unang nakikitang empleyado sa labas ng building tuwing umaga. Sa byernes ng hapon naman kadalasan mag-inom ang dalawa.."

"Nag-iinom si Miss Vernet? Hindi ba bawal iyon ditto?" gulat na tanong ni Arias na nagpangiti naman ng bahagya sa janitor sabay bulong sakanya.

"Bawal po kung makikita ng pinakabossing namin" sagot nito ng nakangiti.

Nakakalimot ata 'tong matandang 'to na pulis din kami. Saad ni Arias sa isip

"Iniimbitahan din kaming hamak na tagalinis lamang. Naalala ko noong nakaraang lingo ay salo-salo kaming naghapunan ng patago diyan sa kubo ng taniman, Si Miss Vernet din ang nagplano nito may dala pa siyang mamahaling red wine para sa amin. Sinabihan nya kaming wag magkwento sa iba at baka makaabot sa headmaster naming lubos ng sungit palibhasa kasi matandang dalaga. Kinabukasan na lamang namin nalaman na kaarawan pala iyon ni Thanis aayaw lang nya ipagsabi saamin"pagkukwento ng madaldal na janitor

"Mukhang talagang matalik na magkaibigan nga silang dalawa" komento ng imbestigador

"Ang usap-usapan po ay namatayan si pareng Than ng bunsong anak na babae na kasing edad na sana ni Miss Vernet kung ito ay nabubuhay pa"

"Ay baka po pala nakakaabala na kami sainyo, aalis na po kami, maraming salamat!" paalam ni Arias at saka kinamayan ang janitor

"Walang anuman po, Sir" sagot nito.

Nagalis na ang dalawang lalaki habang ang lalaking naka jacket ay nasa loob parin ng c.r. at malalim na nag-iisip dahil sa mga narinig

It's the outsider's men, they both had a tattoo on their neck and it's quite different from those I always see. What's there motive? What did they do that night? Why are they seeking for Shaud too? Halo-halong pagtatanong ng lalaki sa sarili

Tumingin sya sa salamin at tinitigan ang sarili.

"Something's off" aniya at saka naghilamos ng mukha at lumabas na ng comfort room.

---

Schema LofuWhere stories live. Discover now