Chapter One

525 5 0
                                    

Pagpasok ko sa malaking pintuan na gawa sa matibay na kahoy, agad na iginala ko ang paningin sa loob ng mansyon ng hacienda Almendarez.

Lumawak ang aking ngiti ng makita ko ang mga pamilyar na antigong kagamitan dito sa loob.

Hindi ko pa din nakakalimutan na dito ako lumaki at nagkaisip sa tulong ng mag-asawang Almendarez.

Ang nakakatuwa pa ay ang pamilyar na amoy ng malaking bahay ay siyang nagbibigay balik tanaw sa lahat ng mga masasayang alaala ko noong panahon na paninirahan ko sa pamilya.

"Violeta, hija! Ikaw na ba yan? Santa isima! No te he visto en siglos. Te extraño!" gulat na anas ng matandang Don.

Natawa ako at patakbo kong nilapitan si Don Alvaro--purong kastila na napangasawa ang yumaong si Donya Ellise na purong Pilipina. Sila ang kumupkop sa akin simula ng mawalan ako ng magulang.

Niyakap ko ng mahigpit ang Don. "I miss you too, Papa! Pasensya na kung matagal na panahon din akong hindi nagpakita sayo." naluluhang anas ko.

Gosh... how I missed this kind hearted old man.

Nakita ko ang pagkabasa ng abuhing mata ng Don.

I felt guilty. Ako sana ang nag-aalaga sa kanya dati pa. Kita ko sa pangangatawan niya na tumatanda na siya. Hindi katulad dati na matikas ang kaniyang pangangatawan. Hindi katulad ngayon na malaki ang ibinagsak ng katawan nito.

"Napakaganda mong lalo, hija!" ani niya sa salitang espanyol.

Kinindatan ko siya. "Totoo po?"

Humalakhak ng malakas ang Don. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti ng maluwag.

"Sí. Ako ay natutuwa dahil nakapagtapos ka na." proud na anas ng Don. "Congratulations, hija!"

"Gracias. Oo nga po pala may pasalubong po ako kaso nasa sasakyan ko pa."

"Nag abala ka pa."

"Hiya ko lang sayo Papa."

"Ya veo. Your still the young Violeta." nangingiting komento ng Don sa akin.

Sasagot pa sana ako ng mahagip ng sulok ng aking mga mata ang isang bulto na prenteng nakasandal sa hamba ng malaking entrado sa tabi ng pintuan.

Biglang kumabog ang aking dibdib.

Be still, my heart.

Mas lalong nataranta ang sistema ko ng umalis na siya sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan palapit sa amin.

Matiim siyang nakatingin sa akin habang palapit na naglalakad.

Though napakalayo pa naman ng agwat namin ngunit nararamdaman ko na ang init niya. Ang titig niya na tumunaw sa batang puso ko noon hanggang ngayon na bihag pa din nito.

"Alanis, hijo! Nakikita mo ba ang kasama ko ngayon? Ako ay labis na natutuwa sapagka't nakabalik na dito sa hacienda si Violeta!"

Napakagat ako sa labi sa mga salitang binitawan ng Don.

"I can see it in my very own eyes, Papa." matabang niyang sagot.

Mas kinagat ko ng mariin ang aking labi ng mahimigan ang malamig na tono nito.

Mabilis ko siyang hinarap upang mawala ang namumuong luha at para hindi din makita ng Don ang emosyon sa mata ko.

Hindi pu-pwedeng makita ng Don dahil hindi niya alam na may lihim akong pagtingin kay Alanis dahil alam ko na para sa kanya, parang magkapatid kaming tunay ni Alanis sa puso at isipan niya.

Pinigilan ko ang mamangha sa kakisigan ni Alanis matapos ko siyang pasadahan ng tingin.

His body look so hot. Lean and toned.

Mukha siyang hot na haciendero kahit medyo sunog ang kaniyang balat marahil sa arawan. Mas nadagdag non ang taglay nitong kakisigan. Gusto kong mapabungingis sa naiisipan ko kaso napipigil ko ang mag react sa klase ng tingin niya.

His aristocratic features had added his sex appeal too.

Napaka-senswal ng gwapong mukha niya. His cheekbone, his lips and pointed nose. And his eyes... Oh boy! Bumagay sa makapal niyang kilay.

Nakasuot siya ng puting shirt na hapit sa katawan at black fitted jeans. Isang itim na boots ang suot nitong sapatos na may bahagyang putik na nakadikit.

"Pupunta ako sa bayan, Papa. Susunduin ko si Margaret." paalam nito sa ama matapos akong lampasan sa kinatatayuan.

Lumunok ako para tanggalin ang pagbara ng lalamunan.

"Napapadalas yata ang pagpunta mo sa bayan para dalawin si Margaret, hijo." naiiling na anas ng matandang Almendarez.

Sino si Margaret?

Parang naninikip ang aking dibdib sa isipang may babae ng kinahu-humalingan si Alanis. Mas nakaramdam ako ng sama ng loob kahit wala man akong karapatan na maramdaman ang damdamin na ito ng hindi na ako muling tinapunan ng tingin ni Alanis.

Dire-diretso na siyang lumabas ulit. Seems like I don't exist on his very own eyes.

"Huwag mo na munang pansinin ang binata ko hija. Marahil ay dala lang iyon ng pagod." apologetic na anas ng Don. 

Tinanguan ko siya at huminga ng malalim dahil sa sari-saring emosyon na aking nararamdaman kahit pa kakabalik ko lang.

Ilang sandali a ng aming pagku-kwentuhan ng pinagpahinga muna ako ng Don at di na pinakausap sa mga kasambahay na naging close ko din noong teenager pa ako.

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon