Chapter Ten

181 6 2
                                        

NANLAKI ANG MATA ko at nataranta ako ng walang salita niya akong layuan matapos tanggalin ang pagkakapulupot ng katawan namin.

Bigla akong nanlamig.

May mali ba akong nagawa?

Sinundan ko lahat ng galaw niya. Madilim ang mukha niya habang muli niyang itinago ang pagkalalaki niya sa tight jeans niyang suot.

Nakagat ko ang labi ng namumukol pa din ang katigasan nun sa loob.

When I heard he finally zipped his fly. Tinalikuran niya ako. "Fix yourself. I'll make sure no one will know about what happened last night and this morning, Violet1. Kung meron man, I will warn them." malamig niyang saad bago siya mabilis na naglakad palabas ng pintuan.

Nasapo ko ang dibdib ko sa paninikip nito.

Oh god! This can't be happening.

Asan na ang tawag niya sa akin? He called me by my name! No more endearment from him.

Nakagat ko ang ibabang labi.

Nagmadali akong nagbihis. Kelangan kong magpaliwanag sa kanya. Ipatindi ang side ko.

Isa ako babaeng pilipina. Of course pinapahalagahan ko pa din naman ang puri ko pero hindi ko ikahihiya na malaman ng lahat na nakuha na ako ng isang Alexus Almaraz.

Ipangangalandakan ko yun. Paniguradong madaming maiinggit na kababaihan.

Hindi lihim sa akin na madaming nadadalaw dito sa hacienda. Pero natuwa ako dahil ni isa sa kanila hindi pinatulan ni Alanis.

Nang makapag ayos, sinilip ko muna ang sarili sa full length mirror. Fudge. Namumula ang magkabilang pisngi ko. May mga hickeys ako sa leeg na kaya namang itago ng buhok ko.

Mabilis kong nilisan ang silid at ganun na lang ang gulat ko ng pagkababa ko ay inaya ako ni Don Christiano sa dining area para mag almusal.

"Violeta. Mabuti at gising kana. Come, vamos a desayunar." pag-aya niya sa akin mag almusal.

Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Hindi ko din mapigilan ang mapamura ng medyo hirap ako sa paglalakad. Masakit talaga.

"May masakit ba sayo hija?" nangungunot na tanong ng Don at halata ang pag-alala sa kulay abo nitong mga mata.

Napaangat ako ng tingin. Hindi ko namalayan nasa dining room na pala kami at nakahain na ang almusal sa mahabang mesa.

Nagulat pa ako ng nasa dining din sa Alanis.

Nakabantay at matiim ang tingin niya sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa mesa.

"Okay lang ako Papa. Sumakit ang paa ko sa heels na suot ko kagabi kaya pati balakang ko sumasakit din." namumulang paliwanag ko.

"Ganun ba? Magpapatawag ako mamaya ng therapist. Magpahinga ka muna pagkakain mo."

Tumango lang ako at pinigilan ko ang mapaungol sa sakit ng makaupo ako sa upuan na narra.

Damn ang hapdi talaga. Mas naging worse pa yata ng ginalaw ulit ako ni Alanis kanina.

Hindi pa ako tapos kumain ng sumuko na ako. Hindi ko na talaga kaya ang hapdi. Nadadali kasi ng matigas na upuan ang gitna ko. Hindi naman pwedeng tumagilid ng upo baka mapansin kung san ang masakit sa akin.

"I think busog na po ako Papa." kunwa'y nakangiti kong sabi.

"Hindi mo pa nakakalahati ang pagkain mo pero sige. Magpapadala ako sa kwarto mo ng meryenda bandang alas diyes." tuma-tangong sabi ni Don Alvaro.

Tumango lang ako at dahan dahang tumayo. Ang plano kong pag amo kay Alanis ay ipagpapaliban ko muna. Hindi ko na kasi talaga kaya ang hapdi. Nakakawala ng ulirat.

"Ohh..." napaungol ako ng makalabas na ako sa dining room.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok isipin ko pa lang ang umakyat.

Hindi ko namalayan na matagal ko na palang tinitigan ang hagdan.

Ngayon ko lang narealize na ang haba ng hagdan.

Hindi ko na talaga kaya. I don't blame Alanis for this. Ginusto ko din naman kasi.

Muntik na akong mapatili ng maramdaman ko may bumuhat sa akin.

"Alanis!" natutuwang anas ko na dagling nawala ng maramdaman ko ang pag hapdi ng gitna ko ng madali ng tuhod niya ang balakang ko.

"Sorry about this." bulong niya.

"Hindi mo kasalanan. Gusto ko din naman ang nangyari."

Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Sinamantala ko ang kalagayan namin ngayon. I wanna feel him kaya siniksik ko pa ang sarili sa katawan niya.

"I am really sorry kanina. Hindi sa ayaw kong malaman ng mga tao dito sa bahay na may namamagitan sa atin, cariño. Iniisip ko lang si Papa. Baka mabigla natin siya." paliwanag ko.

"I don't want your explanation now, Violeta. Let us talk when you are fine." masungit niyang sagot.

Nang makarating sa kwarto, maingat niya akong inilapag sa malambot kong kama.

"Magpahinga ka. Magpapatawag ako ng doctor. I want to make sure your fine, Violeta." malamig niyang saad bago ako iwan sa kwarto ko.

Lumaylay ang balikat ko sa malamig niyang pakikitungo.

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon