SIKAT NG ARAW na pumapasok mula sa veranda ng kwarto ang nagpagising sa masarap na tulog ko.
Umunat muna ako mula sa malaking kama bago ako nag-ayos ng sarili. Nakita ko ang mga gamit ko sa isang love seat bandang paanan ng kama.
Excited kong nilabas at inayos ang mga dalang pasalubong.
Branded lotions, pabango, scarf na iba't ibang design na naayon sa lugar na aking pinanggalingan na sigurado akong walang katulad dito sa pilipinas at kung anu-ano pa ang mga dala ko para sa mga kasambahay.
Kay Don Alvaro ay mga Ointments na gagamitin ko sa pag massage sa kanya para guminhawa at dumaloy ng maayos ang dugo sa pangangatawan niya at dalawang tickets. Yes, a ticket dahil manonood kami ng teatro sa bayan. Alam kong mahilig siyang manood ng teatro kasama ang Donya Ellise noon. Ayoko man siyang malungkot dahil alam kong maaalala niya lang si Mama Ellise, gusto kong iparating na hindi pa siya nag-iisa dahil nandito pa kaming mga anak niya-not me by blood but by heart.
Hinuli ko ilabas ang kay Alanis. An infinity necklace na panlalaki ang pagkak-design. Itinago ko muna sa isang kahon at mabilis akong bumaba at nagtitiling lumabas sa malawak na gazebo kung sa'n nandoon ang Don. Hindi ko mapigilan ang ma-excite.
Napakagaan ng aking pakiramdam at hindi ko maipaliwanag ang saya sa aking dibdib.
Natawa pa ako ng mapalingon sa aking gawi ang mga kasambahay. Makikita sa mukha nila ang kasiyahan dahil alam ko na ako lang ang nagbibigay ingay dito sa bahay noon pa man.
Bahagya ko ng nakalimutan ang hindi pag pansin sa akin ni Alanis kahapon.
"Papa! Papa! Look what I have brought for you, Papa!" matinis kong sigaw mula sa malayo.
Humalakhak ang Don ng makita akong tumatakbo palapit sa kaniya.
Damn, pababa pa lang ako ng hagdan ngunit nagrereklamo na ang mga binti ko. Pero hindi nun napigilan ang excitement ko.
"Cuidadoso, hija." natatawang pagsuway sa akin ng Don.
"I can manage Papa. Tingnan mo ang dala ko. Tcharaaan!"
Inilabas ko ang dalawang tickets. "Kasama mo akong manonood ng Old Love na play sa theatre sa susunod na linggo, Papa."
"Gracias, hija pero di ka na sana-"
"Oh, shush! Papa. Ayaw mo ba akong makasama manood? Poor me. Gusto ko din naman mapanood ang play na yan." kunwa'y nagtatampo na ani ko sa Don.
"Wag ka ng magtampo. Sige sasamahan kitang manood." nangingiting sagot nito sa akin animo di ako matiis.
Nagtitiling yumakap ulit ako sa kanya.
"Kung ako sayo hija, hinaan mo minsan ang boses mo. Dios mío, baka madinig buong hacienda at maringgan ka ng mga trabahador natin." saway nito pero napaghahalataan ang kasiyahan sa mga mata base sa pangingislap niyon.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Papa naman. Its me. Nothing's change."
Nagprisinta ako sa nurse ng Don na ako na ang magtutulak sa kanya papasok ng malaking bahay.
Sa buong agahan ay tungkol sa akin ang napag-usapan. Sa naging buhay at pinagdaanan sa Paris.
MAPAYAPA AKONG nakaupo sa gazebo kasama ang Don Alvaro. Dapit hapon na ng mga oras na ito. The view is better as the dusk fell in this beautiful sanctuary.
This is my home -- not just the place per sē but to the persons living here.
"Umaasa ako na magtagal ka na dito hija."
Humugot ako ng hangin. Sinulyapan ng bahagya ang Don.
"This place is heaven, Papa! I am glad na nakabalik na ako. You know na gaano man kaganda ang Paris, mas lamang sa puso ko ang lugar kung saan mas ginugol ang kabataan ko." sincere kong anas.
Ngumiti ito sa akin. "Mmm... Mabuti kung ganun. Ang anak ko, di ka ba niya pinapahirapan?"
Muli akong humigop sa hawak na tsaa. "Hindi naman Papa. I understand him being grumpy all the time." ani ko na natawa pa. "He holds a very big responsibilities here in Hacienda. There are people na umaasa sa kaniya dahil dito nila kinukuha ang kanilang pang-kabuhayan." naanas ko.
Tumango ang Don ng nilingon ko ng bahagya at nangingislap ang mga mata.
"Hindi madaling magpalakad ng ganito kalaking Hacienda. Crops and animal's welfare ay hindi basta basta. Kaya humahanga ako sa kaniya. You nurture him into a good man and better version of his self."
"Masaya ako at malawak ang pag-iisip mo. The likes of you is fitted to be the new Queen of this land. Ang yumao kong asawa ay hindi naglalayo ang inyong pag-uugali." nasisiyahan bulalas ng Don
Biglang nag-init ang mukha ko sa nadinig lalo na sa idinagdag ng Don.
"Magiging masaya ako kung ikaw ang mapapangasawa ng anak ko hija."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"May nobyo ka na ba hija na naiwan mo sa Paris? Balita ko ay may mga nanligaw sa iyong naga-gwapuhang french man."
Natigilan ako ng ilang sandali. "Uh, wala ho Papa." mas namumulang anas ko.
Mas lumawak ang pagkakangiti nito.
"Pasensya na kung natutuwa akong malaman na walang nakaagaw ng iyon atensyon at nagpatibok ng iyong puso sa Paris. Kung ganun posible bang magkagustuhan kayo ng--"
"Stop torturing Violeta, papa."
Nanigas ako ng marinig ko ang malamig na tinig mula sa aking likuran.
"Saluhan mo kami dito anak. My, my... I am just stating the fact here. Tutal wala ka pa namang nobya bakit hindi mo ligawan si Violeta? Hindi mo naman nobya si Margaret hindi ba?"
Napasinghap ako sa narinig. Mas tumindi na yata ang pag-iinit ng mukha ko.
"I knew her ever since. Mabuting bata at pareho namin kayong pinalaki ni Ellisse ng mabuti. At tumatanda na ako hijo. I want a grandchild." dagdag ng Don.
Hindi ko mapigilan ang manlaki ang mga mata ng marinig ang paghalakhak ng binatang Almendarez.
"How come you wanted already a grandchild kung gusto mo pa lang naman ay maging nobya ko si Violet?" Alanis asked with a hint of amusement in his tone.
Napalunok ako. Shit. Ano ba itong sitwasyon ko ngayon.
"Don't laugh at me anak. What I want to suggest in here is i-nobya mo itong si Violeta then marry her before creating my future grandchildren. And I want it ten dahil mag-isa ka lang."
Hindi ko mapigilan ang mapalingon sa Don. Kung makapag-usap ang mag-ama tungkol sa akin ay parang wala ako sa paligid.
At ano daw? Sampu na apo? Diyos ko at ginawa pa akong paanakan ng baboy.
"Easy papa. Let Violeta absorb all your wishes. She might runaway. Again." panghahamon ni Alanis.
Mabilis ko siyang tinapunan ng tingin. May laman ang sinabi niya. Iyon ba ng rason at malamig ang trato niya sa akin?
Mas nag-init ang mga mukha ko ng masilayan muli sa mahabang panahon ang pagkakabanat ng mga labi niya dala ng mga ngiti nito.
He is having fun out of my expense though. Nevertheless, I am so glad na muli kong nararanasan ang makausap at makasama ang dalawang lalaking malapit sa puso ko.