PARA AKONG HAHATULAN sa paghihintay ng sagot ni Alanis. Nararamdaman ko sa uri ng hawak niya na di niya nagustuhan ang narinig.
Lumaylay ang balikat ko ng marinig ko ang unang salita niyang binanggit.
"Hindi pwede. You have your own party later. Magpahinga ka na lang." matigas na sagot niya.
Sa sinabi niya bigla akong humarap at ganun na lang pagkabigla ko ng naglapat ang mga labi namin.
Mabilis akong lumayo. Parang may nagtatakbuhang kabayo sa dibdib ko.
Shocking!
Nilingon ko si Manang at ganun na lang panlalaki ng mata ko ng nagniningning ang mata niya. Animo gusto nito ang nangyari.
Nilingon ko ulit si Alanis ng magsalita siyang muli.
Napaka dominante niya.
"I should disagree with what you want." parang baliwalang anas ni Alanis sa akin na ipinagpapasalamat ko naman. Pinagpatuloy niyang muli ang naudlot na pagkain.
I don't wanna feel awkward towards him.
"Fine. Kay Papa ako magpapa alam."
Aalis na sana ako ng muli niya akong pigilan sa braso. Nilunok niya muna ang kinakain bago nagsalita.
"Eres traviesa."
Pinanlakihan ko siya ng mata at tinulak sa dibdib na wala namang kwenta dahil ako lang ang napaatras. Anong wicked sa sinasabi ko? Gusto ko lang naman sumama sa ubasan.
Ang lakas niya at ang tigas kasi ng katawan.
"But fine." sumusukong anas niya. "Pero sasamahan kita."
Nanlaki ang mata ko. Nagtaka pa dahil alam kong busy siya. Walang oras para sa katulad ko.
"Qué?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Akala ko ba tutulong ka sa pag papa anak ng mga kabayo?" bulalas ko.
"Sí. Pero mamaya na lang. Sasamahan kita. Sisiguraduhin kong isang oras ka lang sa ubasan."
"Bakit hindi na lang ako ang magpa anak sa mga kabayo?"
"Because you need to rest first. Sa isang linggo ka nalang mag-umpisa tumulong." kibit balikat niyang sagot.
Umismid ako at muli ko siyang tinalikuran.
Nagulat pa ako ng bahagya niya akong hinapit sa bewang mula sa likuran.
"Anyway,"
Namula ako sa sunod niyang sinabi sa wikang espanyol.
"Me encanta la sensación de los labios, mi dulce."
Anak ng tinapa. Sana hindi ko na lang pinag aralan ang wikang ito. Para may excuse akong di ko naintindihan ang sinabi niya.
He just told me how he love the feeling of my lips!
PAGKADATING NAMIN SA UBASAN nagmamadali akong bumaba ng sasakyan.
"Damn it, cuidadoso, mi dulce." galit niyang sigaw sa akin paglabas niya ng land rover habang pinapanood siguro ako na nagtatakbong sumugod sa pahingahan ng mga trabahador dito sa ubasan.
Napaikot ako ng mata. Ang OA niya!
Pinag iingat niya lang naman ako. Pero kelangan bang magalit siya?
"Senyorita!" sunud sunod na pagbati ng mga trabahador na nagkumpulan malapit sa mesa kung san nilalapag ang mga almusal na dala namin.
"Magandang umaga po. Kamusta ang ani? Madami na bang ubas ang napitas natin? Meron pa ba akong maaani?"