Chapter Sixteen

134 5 7
                                    

NAKITA KO ANG PAGSILAY ng ngiti ng lalaking kaharap ko. Hindi ko alam pero di ko nagustuhan ang klase ng pagkakangisi niya.

"Actually, she's my cousin." lumuwag ang pagkakangisi niya. Anak ng tinapa! Wag niyang sabihin na...

"Hindi siya totoong kasosyo ko sa negosyo. Wag mo na lang sabihin sa kapatid mo."

Itatama ko sana siya ng nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Nalaman niya kasi na nagplano akong makipag negotiate kay Alanis ng malaman kong maganda ang naging feedback ng produkto niyang wine sa Malaysia. I am a businessman. I tour around para i-explore at mapalawig ang mga masasarap na lasa ng alak sa buong bansa. You don't know how surprised that I felt when I heard produkto ang Amore sa Pilipinas." mahabang paliwanag niya.

Tumango ako. Aware ako na nage-exports ng produkto ang Amore.

"Anong kinalaman nun sa pinsan mo?" curious kong tanong.

Ngumisi ulit ito. "That cousin of mine has a hots on your brother kaya ayun. Inutusan akong iwan ko daw muna sila." napapailing pa nitong naanas sa nangingislap na mata. "Ngayon lang daw kasi siya nakahanap ng chance. Ilang ulit na kasi siyang dumadalo sa mga okasyon na imbitado si Alanis pero never siyang nagka-chance na makausap si Alanis. Man! I wnt to be jealous over your cousin because I am much aware he can dominate the crowd every time his around. Well except him and his circle of friends." kibit balikat nitong pagku-kwento.

I hold my emotions. I want to know more kung sino at ano ang plano ng babaeng pinsan nito. I did my best to control my emotions.

"And naalala mo ba yung party that was held for you?" patuloy nito.

Tumango ako. "What about it?" I asked frowning.

"We were there. Fuck. She keeps on bugging me like a banshee na samahan ko daw siya at gamitin ang pangalan ko kaya kami nasama sa bisita mo. We even dance but I guess hindi mo ako natatandaan." anito na medyo lumambong ang mukha.

"Oh... sorry about that." kunwa'y ani ko.

"No worries. Naiintindihan ko dahil sa dami ng nagsayaw sayo di na ako umasa na makilala mo."

Tumango ulit ako.

"Her name is Charlotte—"

Bigla akong nabingi sa pangalang narinig ko. Wag niyang sabihin na...

"--sinadya niya ang nangyari. Binantayan niya si Alanis sa labas ng bahay ng malaman niya na di pa dumadating si Alanis sa party mo. She even says na hindi pala ganun ka-importante kay Alanis ang party mo. Sa una aalis na sana siya pero narinig niya na padating na daw si Alanis kaya, there-- she made sure makakapag papansin siya by making her move."

Pumikit ako ng mariin. Nang makuha ko na ang lahat ng gusto kong malaman, unti-unti kong pinakawalan ang tunay na nararamdaman ko sa nalaman.

I remember the name. Charlotte. The reason kung ba't di nakadalo sa party ko si Alanis. All along, sinadya ng babae ang nangyari.

"Perra!" pagmumura ko when I reached my boiling point.

Nakita kong nangunot ang noo ng kaharap ko.

"Are you asking for money?" he asked clueless sa salitang aking binanggit.

Inismiran ko siya. "No. I just called your cousin as a bitch in spanish."

Unti-unting gumuhit ang pagkalito sa mukha niya.

"I am not Alanis sister. We're. not. Siblings-- but a lover. In short... he is my boyfriend, you brute!" I hissed on him.

Nakita ko ang pagguhit ng pagkabigla sa mukha niya.

"Holy shit!" he exclaimed shockingly at medyo namutla ang hitsura.

Tumalim ang mga mata ko. Parang nawala ang amor ko na kausapin ang kaharap ko. Hinahayaan nito ang pinsan sa mga kapritso nito. Hindi ko pa man nakikita ang babae nangangati na akong ingudngod sa kanya ang mga dinurog na ubas.

"Yes. Holy shit dahil oras na malaman kong may hindi ako magustuhang ikilos ng pinsan mo mamaya sa panghalian, I swear to God." banta ko.

Imbes na matakot, sumilay ang pagkakamangha sa mata ng kaharap ko.

"Wow. A lucky man indeed. You're so hot don't you know that?"

Tinaliman koi to ng tingin. "Wag mo akong kausapin ng ganyan kung ayaw mong pagsamahin ko kayo ng pinsan mong ilalampaso ko sa mga dinurog na ubas." nangagalaiti kong singhal sa kaharap. I can feel namumula na ako sa galit.

Malakas na humalakhak ang kaharap ko. Hindi inintindi ang banta ko. Fudge. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

May mangilan-ngilang napalingon sa amin na trabahador dahil sa lakas ng tawa nito.

"Okay ka lang ba, Senyorita?" bulong ng isa sa kasambahay na kasama kong pumunta dito ng mapansin ang hitsura ko.

"What's with the commotion here, mi dulce?" malamig na tanong ng nagsalita sa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis akong napatayo ng marinig ko mula sa likuran si Alanis.

"Cariño!" I exclaimed bago ako mabilis na lumapit sa novio ko. Minura ko pa sa isip ko ang taong kaharap ko kanina. Panigurado kasi ako na sinadya niyang tumawa ng malakas ng makitang padating na si Alanis.

Kinabahan ako ng magkasalubong ang tingin namin. I saw how his grey eyes dilated. He is holding his fury.

Fudge. Ano na naman ba ang nagawa ko?

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon