Chapter Eighteen

133 5 3
                                    

MATAPOS MAKAALIS NG DALAWA, mataman akong pinapanood ni Alanis. Sinusundan niya ng tingin ang ginagawa ko sa pagtulong na magligpit ng pinagkainan.

Hindi ko siya pinagkaabalahan tingnan man lang. Galit siya. Galit din ako. Naiinis siya. Inis din ako sa kanya. Yung inis ko abot hanggang kabilang bundok mula dito sa kinatatayuan ko ngayon.

Nakita ko sa peripheral vision ko na namewang siya at napa-angat ng tingin tapos may pagsapo pa ng noo animo kunsumido.

Fudge. Pinaparating ba niya na nananakit ang ulo niya sa akin? Napu-frustrate ba siya dahil hindi ko siya pinapansin?

Muling nagsiklab ang inis ko.

"Violet, let us talk." mababa ngunit may dalang panganib ang tono niya.

At first name basis na naman siya? Fudge siya. Fudge. Argggh! Naiinis talaga ako sa selos ko kanina. Imagine. Nagpapahawak siya sa ibang babae.

"Violet, did you hear me?" anas niya na may bahid na ng pagkainip sa kaartehan at pagiging drama queen ko.

Inis akong tumingin sa kanya at nakasalubong ko ang abuhing mata niya. Nangungunot at magkasalubong ang kilay niya.

Isang naiinis na irap ang ibinigay ko sa kanya. Nag-iinit na din ang pisngi ko dahil pinipigilan ko ang maiyak sa matinding selos.

Oh, fudge. Ano ba nangyayari sa akin? Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding selos. Kanina masaya naman ako ah. At pansin kong too emotional ako this past few days pero ngayon lang ang matindi.

Parang ayaw ko na munang makita pagmumukha ni Alanis ngayong araw.

"Wag mo muna akong kakausapin, mi novio." gigil na banta ko sa kanya.

"If your angry, I am more angrier here, damn it." mababa ngunit mapanganib niyang saad.

Umirap ako sa hangin. "I don't care!" ganti kong sagot pero pasigaw na. Para na akong isip-bata. "Argggh!" inis ko pang sabi at napapadyak na lang ako sa sahig bago sumusukong iwan ang ginagawa.

Sinulyapan ko pa siya bago tuluyang iwan ito sa pahingahan. Wait. Did I just saw a glint of amusement dancing on his eyes? Ah... I don't care. Gusto ko ng magpahinga sa bahay. Mahiga sa kama ko at umidlip. Medyo nahihilo na din kasi ako.

Mabilis kong tinawag ang driver at sinabing ihatid at mauna na kami sa dalawang kasambahay na kasalukuyan pa din na nag aayos ng mga mesa.

"Violet, we're not done talking yet."

"You talk yourself. I don't want to hear your voice for now, mi novio." nanghihina kong sabi at susundan niya sana ako sa sasakyan ng makita ko mula sa loob ng sasakyan ang biglang paglapit ng kanang kamay nito.

He said something to Alanis then I saw kung paano tumango tango ang novio ko habang pinapanood ang paglayo ng sasakyan kung san ako nakasakay.

"Narito na tayo, senyorita."

Kinusot-kusot ko ang mata at pinagala ang tingin sa paligid. Nakauwi na pala kami. Nakaidlip din ako sa byahe na bibihira kong gawin. I hate sleeping when traveling maliban na lang kung aabot ng tatlong oras ang byahe.

Mabilis akong umibis ng sasakyan at hinalikan ko pa ang Don Christiano ng makita ko siya sa living room na may kausap.

"Aakyat muna ako Papa. Napagod yata ako."

Tumango siya. Pinakilala niya pa sa akin ang kausap bago ako umakyat. Doctor nito. At ayon sa doctor, gumaganda daw ang kalusugan ni Papa na ikinatuwa ko. Medyo nawala pa nga ang pagkasama ng mood ko.

Mabilis ko na ding inakyat ang hagdan ng nangangasim ang sikmura at panlasa ko.

"Mauuna na ako sa taas Papa! Naduduwal yata ako!" pagsigaw ko pa at nagmamadali ang pagtakbo ko sa itaas.

Samantala, nagtinginan ang dalawang matanda bago muling sumulyap sa papa- akyat na dalaga.

Parang nangungusap ang mgat mata ng dalawa.

"You think it is a sign of pregnancy?"

"Yes pero pwede din na may nakain siya na hindi maganda o di kaya acidic." sagot ng doctor.

"I choose to consider the first one." nangingiti pang sagot ng Don at ganun na lang ang gulat na bumalatay sa mata niya ng makitang humahangos na pumasok ang anak sa entrado.

"Papa." bungad nito pero madilim ang ekspresyon ng gwapong mukha.

"Maaga ka yata."

"Si Violet?"

"Kakaa-"

Hindi na natapos ng Don ang pangungusap ng nagmamadaling umakyat sa hagdan ang anak na binata.

Namamangha nitong pinanood ang binate na agmamadaling umakyat ng hagdan. "You See?" nangingiting anas ng Don sa katabing doktor. "There is my son. When it comes to him, nothing is impossible. Manang-mana sa akin." masayang pahayag ng Don na hindi maiwasang mangislap ang abuhing mga mata.

Natawa naman ang doktor. "Magiging ninong ako kung ganoon kumpadre. I wish, Agyros will give me a grandchild soon too." tukoy ng doctor sa anak nito na kaibigan din ng binatang si Alanis.

"You will be. Just wait a little bit more kumpadre." anas ng Don na may bahid ng kasiyahan sa tono ng pananalita nito.

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon