Chapter Twelve

155 5 2
                                    

ISANG LINGGO. Nanggagalaiti ako sa isipang isang linggo na akong tinitikis ni Alanis. Hindi niya pa din kasi ako kinikibo.

Ganun ba kalaki ang nagawa ko para parusahan ako?

Hindi ko mapigilan ang mapaisip ng negative. Dahil ba natikman niya na ako kaya parang basura at taong hindi nag eexist sa paningin niya? Hindi na din ba ako napapasok sa isipan niya at natabunan na ng mga suliranin niya sa hacienda?

Frustrated kong hinagod ang buhok ko. I swear. Pag nakasalubong ko siya ngayon dito sa hallway pababa ng hagdan matatadyakan ko s--

Natigilan ako ng makita ko siya sa dulo ng pasilyo. Libo libong paru paro yata ang nasa sikmura ko ng makita ko ang malapad niyang likuran.

Nakasuot siya ng puting t-shirt na medyo hapit sa matipunong pangangatawan niya at itim na hapit na jeans. Napangisi pa ako ng wala siyang suot na boots. Madalas kasi ganun ang get up niya pag lumalabas para maglibot sa hacienda.

May kinakalikot siya sa isang bahagi ng mansion at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makitang litrato ko yun. Isang malaking portrait at parang isasabit pa yata kasama ng iba pang portraits ng pamilya.

Tumikhim ako. Nakita ko na medyo natigilan siya pero itinuloy nito ang ginagawa matapos makabawi. Ramdam ko ulit ang tensyon sa pagitan namin.

Pinag krus ko ang mga braso sa dibdib ko ng makalapit ako sa likuran niya. Pinipigilan ko ang sariling sabunutan at tadyakan siya mula sa likuran. Sa naisip, hindi ko napigilan ang pagkawala ng isang malutong na pagtawa.

Mabilis kong nasapo ang bibig at nanlaki ang mata ko ng bigla siyang humarap sa akin. Unti unting lumukot ang noo niya at nagsalubong ang makakapal na kilay.

"Oops! My bad. Wag mo akong intindihin. May naisip kasi ako bigla." nangingiti ko pang sabi at iwinagayway ang kanang palad sa tapat ng mukha ko para ma distract ang sarili na titigan ang kagwapuhan niya.

Gosh. He look so hot. Malakas din ang karisma niya.

Muli niya akong tinalikuran at ipinagpatuloy ang ginagawa.

What a jerk. Pasaway. Manhid. Masungit. Matandang huklubin.

Oh gosh. Nai stress na ata ako kaya kung anu ano na ang natatawag ko sa kanya sa isipan ko.

"You should go, downstairs. Papa is waiting for you in the dining. Aayusin ko lang itong mga--"

Natigilan siya sa pagsasalita. Paano ba naman kasi. Umikot na ako sa harapan niya para tingnan siya sa mukha. Hindi ako sanay na kinakausap ako patalikod.

Tinaasan ko lang siya ng kilay ng makitang mas lumukot ang gwapong mukha niya.

"Ganyan ka na ba talaga? Kakausapin mo nga ako pero patalikod naman. You even ignoring me for a week now. Pinagsisisihan mo ba ang nangyari sa pagitan nating dalawa? Gosh, Alanis! Why don't you say it in front of me. Wag mo ng gawing excuse pa ang pag ayaw kong ipaalam sa iba kung iba naman talaga dahilan ng pagtitikis mo sa akin!" namumulang sigaw ko sa kanya.

"Stop right there, Vio--"

"At first name basis ka na ngayon sa akin?!" nanggagalaiting putol ko sa mga sinasabi niya.

"Will you shut the hell up?! I did tried to do everything of my will power not to talk with you dahil alam kong mas lalala ang hidwaan nating dalawa."

"At sino ba ang may kasalanan at maarte dito? You. Hindi ka kasi marunong makinig. You keep on ignoring my explanations." hinihingal kong sagot. Gosh, nanginginig na ako sa frustration.

"Because I can't accept it. I don't want all your explanations, damn it!" nagtatagis ang bagang niyang sagot sakin.

Hindi na maipinta ang mukha niya. Well, better than that kesa wala akong makitang expressions sa mukha niya pagkaharap ko siya this past few days.

"Why?"

Nag lie low na ako. Nanginginig na ako sa pinipigil na luha.

Alam kong pulang pula na ang mukha ko sa pakikipag sagutan sa kanya.

Perfect timing ba? Nandito kasi kami sa pasilyo sa itaas at paniguradong may mga kasambahay na nakarinig sa nangyaring sagutan sa pagitan naming dalawa.

Unti unting lumapit siya sa kinatatayuan ko matapos niyang bitawan ang ginagawa. His towering me now. Umabot lang ako sa balikat niya dahil sa liit ko.

He's like a predator ready to attack its prey sa klase ng matiim niyang tingin sakin.

Isang hakbang na lang ang layo niya ng tumigil siya sa paglapit sa akin.

Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang titig niya.

"Your too hot alam mo ba yun? You never fail to tremble the wall I always build every time your there. Near me. Looking so smart and had a good mouth na makipagsagutan sakin. You make me feel things unfamiliar to me. I like you, mi dulce. Still do. Hindi ko lang talaga matanggap na ayaw mong malaman ng iba ang namamagitan sa atin."

Unti unti kong pinakawalan ang mahabang hangin na naipon sa dibdib ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Is that mean?

I almost screamed in surprise ng mabilis niya akong haklitin sa likod ng ulo at kaliwang bewang before he smashed his sensual mouth into mine.

I moaned in this sweet sensation. I missed him.

Mabilis kong isinukbit ang magkabilang kamay ko sa malapad niyang balikat at pinaikot sa batok niya para mas magdikit ang aming katawan at mas lumalim pa ang halikan namin.

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon