Chapter Five

182 6 1
                                    

I AM GOING CRAZY. Pulang pula na ako sa mga nahakot kong komplimento sa mga bisita.

Mukha daw akong diwata na naligaw ngayong gabi sa hitsura ko.

Maganda at dyosa.

Kung tutuusin, may naggagandahan din namang dalaga ngayong gabi. Mga anak ng kalapit bahay ng hacienda. 

Pero siguro dahil sa akin itong party, nasa akin ang buong atensyon.

Nilibot ko ang paningin dito sa malawak na grand hall ng mansion. Hindi ko pa din nakikita ni anino ni Alanis.

Sabi ni Don Alvaro, hahabol na lang ito dahil may lima pang kabayo ang inaantay manganak. Gusto ko sumama at tumulong magpa-anak kanina pero hindi na niya ako pinagbigyan.

Sa susunod na lang daw dahil may mas mahalaga na kailangan kong paghandaan which is ngayong gabi nga.

Masyadong mahalaga kay Alanis ang mga kabayo kaya naiintindihan ko siya. Hindi ako nakaramdam ng sama ng loob. 

Siguro dahil malawak ang aking pag- iisip sa mga bagay at pag-unawa sa pagmamalasakit ni Alanis dito sa hacienda.

Why? Because of his beloved mother's memories.

Hindi na siya nagkaroon na isipin na mamili ng career niya. Itinali niya na ang sarili dito sa hacienda. Kaya ganun din ang gagawin ko.

Nag aalala pa nga ako sa kanya kasi narito ako ngayon at ginugugol ang sarili sa kasiyahan samantalang siya ay naroon at wala pang kain at pahinga.

Huminga ako malalim at napangiti ng bahagya ng lumapit sa akin si Don Christiano.

"Hija, te ves tan maravillosa!"

"Gracias, Papa! Dapat magpahinga ka na." alala kong naanas.

"Lo haré, pero kamusta itong pinahanda kong kasiyahan sa pagbabalik mo? Nagustuhan mo ba?"

"Sí. Gracias Papa!" grateful kong sabi sa Don.

"Bueno, magpapahinga na ako. Hindi na din natin mahihintay si Alanis. Nag aalala ang batang yun sa mga alagang kabayo. Espero que lo entiendas, mi encantadora hija."

"Sí. Naiintindihan ko, Papa."

"Gracias, hija. Buenas noches."

Ngumiti ako ng magaan sa Don. Kung tutuusin di niya na kelangan ang pagpa-party sa pagbabalik ko dito sa hacienda.

Ngunit ayon dito, kelangan daw iyon para ipagbigay alam na nagbalik na ang bagong reyna ng lupaing ito.

NATAPOS ANG KASIYAHAN ngunit hindi pa din nakakauwi si Alanis. I am so dead worried. Simula kasi ng ihatid niya ako pauwi galing ubasan, hindi pa siya nakakabalik mula sa kwadra.

Matapos kong magbihis, muli akong bumaba para sana gumawa ng tea ng makita ko si Alanis. Kakalabas niya lang galing sa dining area. Bakas ang pagod sa gwapong mukha.

"Alanis!"

Nag angat siya ng tingin. "Mi dulce." anas niya at madidinig ang pagsuyo doon.

"Kamusta ang mga kabayo?" alalang tanong ko habang pababa sa mataas na hagdan.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Kinakamusta mo ang kabayo pero ako hindi?" magaan ang tinig na biro niya sa akin.

Napalabi ako. "Alam ko namang mahalaga sayo ang mga kabayo kaya kung hindi sila okay, apektado ka."

Ngumisi siya sa akin.

"Lahat nanganak na. Masaya ang mga tagapangalaga ng mga kabayo dahil nadagdagan na naman sila."

"Mabuti naman. Kumain ka na ba?"

"Oo. Magpapahinga na sana ako ng makita kita."

"Sorry. Sige na. Gagawa lang naman ako ng tsaa."

Tumango siya at aakyat na sana ng muli niya akong lingunin.

"Kamusta ang party mo?"

"Its fine. I earned too much compliments." Napakagat ako sa labi. "Ah, galit ka pa ba sa akin?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo maiaalis sa akin yun. Umalis ka bigla ng di nagpaalam. Everyone was so worried not until we found your letter."

Napayuko ako. "Sorry. Kinailangan ko kasing gawin yun."

"Why?" malalim niyang tanong.

"I can't tell you now. Siguro pag kaya ko na."

Pag nawala na ang nararamdaman kong ito.

"Subiré entonces. Ikaw din kapag nakakuha ka na ng tsà."

Tumango lang ako. Sinundan ko siya ng tingin paakyat.

Halos manlamig ako ng mahuli ng tingin ko ang pulang tinta sa bandang balikat ng light grey polo niya.

Tama ba ang nakita ko? Isa lang ang paraan para makumpirma ko.

"Alanis."

Natigil siya sa pag akyat.

"San ang good night kiss ko?"

Nangunot ang noo niya. Hindi siya gumalaw kaya ako na lang ang lumapit.

Kinakabahan ako sa malalaman ko pero di ko pa din napigilan ang sarili kong kumpirmahin ang kutob ko.

Nang makalapit, kunwari ko siyang sininghot upang ilapit ang paningin sa bagay na nakadikit sa polo niya.

"You smell like a woman's perfume. And there are red marks of a woman's lipstick." komento ko at kunwa'y di tinuloy ang paghalik sa pisngi niya.

Confirmed. It is a lipstick stain!

Nakita ko ang biglang paninigas niya. 

Ako naman ginawa ko ang lahat para pigilan ang pag alpas ng nararamdaman kong selos.

Wala akong karapatan.

"You should sleep. Alam kong pagod ka na." matabang na komento ko at muli akong bumaba para humingi ng tsà sa isang kasambahay na nadaan sa akin pero nagulat ako ng may iabot siya sa akin.

"Senyorita, may nagbigay ng sulat. Iabot ko daw sa inyo."

Sulat? Uso pa ba yan sa panahon ngayon?

Natatatawang aabutin na sana iyon dahil curious din akong malaman kung saan galing at ano ang laman.

Hindi pa man dumadapo sa palad ko ng mabilis agawin ni Alanis sa pobreng katulong.

Inikot ko ang mata ko at na curious ako kung ano ang nakasulat ng makita ang paglukot ng mukha niya hanabang binabasa ang laman ng maliit na papel. 

Ilang sandali pa ng magdilim ang hitsura niya sa binabasa.

Kinabahan ako sa uri ng tingin na pinukol niya sa akin.

Lumunok ako ng may bumabara sa lalamunan ko.

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon