Chapter Eight

200 6 2
                                        

MABILIS AKONG bumangon sa kama at patakbo kong tinungo ang bathroom. Masakit pa din ang gitna ko at paika-ika pero tiniis ko.

Damn. Hindi matanggal sa isipan ko ang kaganapan kagabi.

Wala na akong maitatago kay Alanis. He already tasted me. At bago kami naghiwalay, pinaliwanag niya ang red stain sa polo niya.

Ayon sa kanya, papasok na siya ng lawn ng may makasalubong bisita sa party ko na mukhang nahuli makaalis dahil nakatulog sa kalasingan. Naglalakad daw ang babae pasalubong kay Alanis at ng nagkataon na makatapat na sa kay Alanis ay muntikan na itong bumagsak kung hindi lang naalalayan nang binata.

Hindi naman daw niya ganun pinansin kung sino man ang babae.

Mabilis daw kasi siyang nagpatawag ng guard sa paligid at pinaasikaso ang babae.

Nainis ako nung marinig ko ang paliwanag ni Alanis pero nabawi lang yun ng magtapat siya sa akin kagabi.

Umamin siya na gusto niya pa din daw ako. Na walang nabago sa kaniyang nararamdaman sa akin.

Actually, na realize niya ang kakaibang nararamdaman niya sa akin nung mawala ako. Galit na galit daw siya noon dahil umalis ako ng walang pasabi.

Sinabi ko din naman ang dahilan ko na ayaw kong maiwan sa hacienda pero hindi ko sinabing minahal ko na siya at ayaw kong umasa na pag balik niya, single pa din ito. Aalis kasi siya nun. Mag-aaral siya sa states ng Industrial Engineering. Pinili niya doon dahil mas advance ang U.S sa mga courses. Gusto daw kasi niyang mapanatili ang masaganang pagpapalakad sa hacienda.

At ang nangyari nga umalis din ako. Nauna lang pala ako sa kanya ng one week tapos lumipad na din siya papuntang U.S samantalang ako sa Europe.

Naalala ko pa. Si Don Alvaro ang dumalo sa graduation ko. We kept it to Alanis. Though gusto na akong isama ng Don pabalik, I disagree at pinaliwanag kong kelangan ko munang kitain lahat ng nagastos ko sa pag-aaral.

He said na hindi na kailangan dahil kaya niya naman daw akong buhayin bilang isanv prinsesa pero tinanggihan ko siya. Pinahahalagan ko kasi ang perang pinag ipunan ng magulang ko. They died with pride. Malaki ang ipon nila para sa akin. Sa future ko at di ko yun sinayang. I love them so much and the Don Alvaro Almendarez--my father's bestfriend is so proud of me.

Nangako siya sa magulang ko na ituturing niya akong isang prinsesa dahil deserve ko daw iyon. Isang anak na babae na hindi siya nagkaroon dahil lalaki ang ibiniyaya sa kanilang maging anak ni Donya Ellise.

Me too. I loved Don Alvaro for being caring and loving person. He is so kind that makes me want to take care of him kaya naman napauwi ako dito sa pilipinas ng malaman kong hindi maganda ang kalusugan niya.

Huminga ako ng malalim ng bumalik sa isip ko si Alanis.

Nalampasan na namin ang boundary ng higit pa sa tinging kaibigan at magkapatid.

Kaya ang mangyayari, manliligaw daw siya sa akin. Ang sweet. Kinikilig ako pero pinigilan ko ang pag alpas ng tili ko. Ini imagine ko kasi ang tumili sa kilig kinikilabutan na ako. Magmu-mukha pa akong baliw.

I manage to take a long shower dahil umaasa akong matanggal ang pamimigat ng dibdib ko gawa ng madidiin na pagpisil ni Alanis kagabi pero ayaw matanggal pati ang masakit sa gitnang bahagi ko.

Nagbihis na ako ng isang floral dress na umabot lang sa kalahati ng hita ko ang haba at dumiretso ako sa veranda para sumagap ng sariwang hangin.

Ahhh... the view. Breathtaking! Alas sais pa lang kaya nanunuot pa din sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.

Napaigdat ako ng may biglang sumapo sa magkabilang bewang ko.

Buti na lang at napigilan ko ang pag alpas ng tili ko sa gulat ng maamoy ko ang pamilyar na amoy.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Alanis.

"Still sore, mi dulce?"

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon