Chapter Nineteen

133 5 6
                                    

KAGAGALING KO LANG ng bathroom gawa ng pagduduwal.

I was about to swim in my soft bed ng bumukas bigla ang pinto ng silid ko.

Forgot to lock.

Nagtaasan ang kilay ko ng makitang si Alanis.

"Anong ginagawa mo dito?" takha kong tanong.

"We're not yet done talking when you left, mi dulce." tagis ang bagang na bungad nito sa akin.

"You won't listen to me anyway." irap ko sa kanya at nahiga na sa soft mattress.

Muli niyang sinapo ang noo at minasahe.

Ako naman, pumikit ng makaramdam ng pagkahilo ngunit napadilat ako ng biglang maduduwal na naman ako.

Mabilis akong bumangon at patakbong bumalik sa loob ng bathroom. Sapo ko ang tiyan ng umupo ako sa sahig at sa inidoro ko lahat inilabas ng likido sa bibig.

Wala na akong mailabas pero ayaw pa din tumigil ng paghilab ng tiyan ko.

"Mi dulce!" nag aalala ang tinig na dinaluhan ako ni Alanis.

He soothed me on my back by touching it drawing up and down.

"What happened? Have you eaten something bad?"

Umiling ako at nanghihinang sumandal sa malapad na dibdib niya.

"Get me back on my bed, cariño. Parang hirap na yata akong tumayo pa."

Hindi na siya nag tanong pa. Naradaman ko na lang ang pagbuhat niya sa akin pabalik ng kama.

"Just wait here, mi dulce. Baka nasa ibaba pa ang doktor ni Papa." may bahid ng pag aalala sa boses ni Alanis.

Hindi na ako nakagalaw kahit gusto kong tumango.



Third Person's Overview

HINDI MALAMAN NI Alanis kung ano ang gagawin sa kanyang novia.

Napakatigas ng ulo nito. Pero kahit ganun pa man ay matindi pa din ang paghanga niya sa magagandang katangian ng binate. Yan ang mga kadahilanan kaya siguro para itong magnet sa mata ng mga kapwa niya lalaki.

He is a very jealous and possessive man when it comes to his possession.

Huminga siya ng malalim.

Matapos madinig ang mga kliyente na naka schedule para kausapin siya mula sa assistant cum sekretarya na lalaki, mabilis niyang sinundan ang novia.

Hindi niya mapigilan. Nagselos siya kanina. Hindi gusto ng binata ang nakita niya ng marinig niya ang malakas na tawa ng isang kliyente niya. Isang malakas na tawa na ang dahilan ay ang kanyang novia. Hindi niya tanggap na may napapatawa ito na ibang lalaki maliban sa kanya.

Muli niyang minasahe ang sentido ng namimitik na naman yun sa malalim na pag iisip. Naisip niya na napakabata niya pa pero madalas manakit ang ulo niya. Hindi dahil sa mga suliranin sa hacienda dahil kaya niyang harapin anumang sakuna ang maranasan nito na madalas niyang maranasan dala ng paiba ibang panahon pero ang novia, lahat ng tungkol dito napakalhalaga sa kanya.

Malakas siyang bumuga ng hangin. Pinakansela niya ang mga nasa schedule at mabilis niyang pinuntahan ang kabayong stallion para sundan ang novia sa pag uwi sa mansion.

Alam niyang nagselos ang novia kay Charlotte na hindi naman kelangan dahil wala siyang pakialam sa huli.

Matapos niyang makawala kay Margaret ay hindi niya inaasahang may panibagong babae na naman ang naghahabol sa kaniya.

That woman is a pain in the arse! Nung una hindi niya nakilala ito pero ganun na lang ang gulat ng sunggaban siya nito para sana halikan sa labi pero mabilis ang reflexes niya.

He can't imagine na may ibang babae ang hahalik sa kanya maliban sa novia.

Nababaliw na yata siya. Baliw na baliw sa novia. Yes, he love her. Matagal na ngunit pinigilan niya noong una at nagsisisi siya ng hindi niya nasabi ang tunay na nararamdaman bago ito umalis ng walang paalam. He remembered their last argument bago ito nawala.

He rejected her demand. Secret relationship. Yes. She wants them to have a secret relationship bago siya aalis papuntang US para mag aral ng college. Hindi siya pumayag dahil pareho silang mahihirapan pag ginawa nila yun lalo pa at itatago nila sa ama. Kahit mahal niya ito, he denied her. At sising sisi siya dun. Kinaumagahan, matapos magdamag na pinag isipan ang gusto nito, nakapagdesisyon siya na pumayag sa gusto nito pero wala na ito bago niya pa man masabi ang pagpayag niya. Hindi dahil iyon amg gusto nito kundi mahal niya ito.

And now, he's taking every single chances he gets para iparamdam iyon sa novia. She don't know how happy he was when he took her and found out that he is her first. For about ten years to be apart, hindi niya alam na wala pang dumaan na ibang lalaki sa buhay nito kung hindi siya lang. At dahil dito, gagawin niya lahat para siya lang maging huli.

Violet's POV

NAGISING AKO NA PARANG may mabigat na nakapatong sa gilid ng bewang ko.

May mainit din na hangin ang kumikiliti sa batok ko at ganun na lang ang pagsapo ko sa bibig ko na parang humihilab na naman ang tiyan ko.

Mabilis akong kumawala kay Alanis ng mapagtantong siya ang nakayakap sa akin at patakbong tinungo ang bathroom.

Nang matapos, mabilis kong pinunasan ang bibig at nagmumog. Sa tindi ng nararamdaman, sumandal ako sa malamig na tiled wall.

Hinang hina na ako pero ayaw pa din matanggal ng masamang pakiramdam ko. Ang bigat ng katawan ko at masama talaga ang aking tiyan. Humihilab na hindi ko maintindihan. Hilo na din ako at nanghihina talaga siguro ay dahil wala ng laman kasi niluwa ko na yata halos lahat ng nakain ko.

Speaking of food. Parang nangangasim ang dila ko at naglalaway matikman ang napakadaming lasa ng pagkain na gusto kong tikman. Isipin ko pa lang nandidiri na ako at hindi ako makapaniwala na gusto kong kumain ng mga ganun.

Hindi ko napigilan ang mapahikbi. Napatingin ako sa salamin. Ang hitsura ko. Namumutla.

"Alanisss..." atungal ko ng nagmamadali siyang pumasok sa loob nitong bathroom at naabutan ako sa posiyon ko. May bahid ng pag aalala sa gwapong mukha niya.

Wala siyang suot na shirt at nakabalandra ang malapad na dibdib pero hindi nun napigilang lapitan siya at umambriyete sa kanyang balikat ng daluhan niya ako. Humihingi ng lakas. Init. Pagkalinga.

Parang naramdaman niya ang kelangan ko at may ubod ng pag iingat akong niyakap.

Sinakop ako ng init niya. Isinubsob niya ang mukha ko sa dibdib at hinalikan ako sa ibabaw ng ulo ko.

"What's happening to you, my sweet?"

Umungol lang ako. "I want to eat a fresh durian, mi novio." ungot ko.

"Okay."

Ngumiti ako ng walang tanong tanong na sagot niya sa akin.

"Ihalo mo sa durian flavor ice cream ha? Patungan mo ng durian sprinkles." dagdag ko.

Mabilis siyang kumawala at inangat ang mukha ko para sapuhin ang noo.

"Are you sick, mi dulce?" nangungunot ang noo na tanong niya pero nanaig ang pag aalala niya.

Hindi ako umimik pero tinitigan ko lang siya.

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon