Chapter Three

239 6 3
                                    

BUMABA AKO pagka-gising para sa almusal kasalo ang Don. Tama ako sa pag-eexpect na hindi ko makakasalo si Alanis dahil pagbungad ko ay wala siya.

"Magandang umaga, Papa!"

"Hija, halika't saluhan mo ako." nasisiyahang aya ng Don sa akin.

Tumango at humila ng upuan para mag-umpisa ng kumain ng umagahan.

"Uh, si Alanis po?"

"Maagang umalis dahil madaming gagawin. Madaling araw iyon ang nabanggit sa akin."

Tumango ako at nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain habang patuloy ang pag-uusap namin ng Don.

Buong agahan ay napag usapan ang magaganap na malaking kasiyahan mamayang gabi. Isang grandihiyosong selebrasyon daw ng aking pagbabalik. Gusto ko man pigilan na wag na lang ngunit isang buwan bago ang pagdating ko pa pala ito nai-plano. All is set. And I am nervous at hindi ko alam kung bakit.

Matapos ang almusal, I volunteered to massage the Don for 30 minutes bago ko siya hinayaang magpahinga dahil for sure napagod siya sa pakikipag-usap sa amin.

Dumiretso ako sa aking kwarto para buksan ang sariling laptop at icheck kung may mga personal emails na dumating mula sa mga kakilala.

Nagulat pa ako ng tumunog ang aking cellphone tanda na may tumatawag. Ang kaibigan kong nakilala na nag-aral din sa Paris.

"Hey, Rosas."

"Ube, kamusta?" masayang bungad nito sa akin.

"Fine. Grabe, I never thought that I'm back to the place na sobrang na-missed ko ng nasa ibang bansa tayo. This place is really my home."

Natawa si Rose. "Lucky you. Can I go there next month? I want to experience your so-called-home." may lambong ang tinig nitong ani.

"Oo naman. For sure matutuwa si Papa."

"Isasama ko yung kaibigan ko na kini-kwento ko sayo. Si Gold"

"Oo naman. Mas maganda kung isama mo na din si Silver kung gusto niya."

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Rose bago natapos ang kumustahan magmula ng makauwi kaming pinas.

Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumaba ako.

Mula sa hagdan ay nangunot ang noo ko ng madinig ko ang ingay mula na nangagaling pa siguro sa dulo kung san nakatago ang lutuan.

Mabilis kong binaybay ang mahabang pasilyo tungo sa kusina ng malaking bahay at may nakakasalubong akong mga kasambahay na may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan.

"Senyorita! Bakit ka narito? Dapat nagpapahinga ka pa!" bulalas ni Manang Elena sa pagkataranta sa dami siguro ng pinagkakaabalahan nito.

"Wag mo na akong isama sa iniisip mo ngayon Manang. Ano po ang pinagkakaabalahan niyo? Maaga pa naman kung ang party mamayang gabi yang ginagawa niyo." takhang tanong ko at nilibot ko ang paningin at sinilip ang mga bagay na nasa mesa.

"Heto ay para sa mga trabahador kung san naroon ang Senyorito Alanis. May sampung kabayo ang manganganak sa kwadra at inaantay lang nila ang paglabas ng mga buntis na kabayo. Naroon ang Senyorito upang tumulong. Ang iba naman ay para sa mga trabahador sa sakahan ng mga prutasan sa dulo bandang bundok kung san-"

"Harvest po ba ngayon ng bunga ng mga ubas?" putol ko kay Manang.

"Oo. Aba paniguradong nangangati na naman iyang kamay mo sa pamimitas ano?" nangingiting komento ni Manang.

"Oh yes, Manang! Miss ko nang mamitas ng prutas lalo na ang ubas at itinuturing ko ng one of my best memories here in hacienda!" hindi ko napigilan ang pag ingles dala ng excitement. "Can I come kung sino man ang maghahatid ng pagkain sa prutasan Manang?"

Mi Dulce [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon