UPDATE M

677 39 23
                                    

UPDATE (M)

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, habang pinipilit kong ngumiti sa harap ng mommy ni Darius. Get a grip on yourself Jade!

Nginitian ako nito at lumapit para makipag beso. Nagpapasalamat ako at kusang nakisama ang katawan ko. "Nice meeting you, dear. You are?" Bumalik ang sopistikada nitong ekspresyon kaya medyo na-intimidate na naman ako.

Isinukbit ko ang buhok ko sa aking tainga, the thing that I do when I am tensed. "Jade Carla Aragon po, ma'am." Malumanay kong sambit, kumunot ang noo nito kaya mas lalo akong dinapuan ng kaba sa aking dibdib.

Tumikhim ito, "This is the first time I saw you, when did the two of you became friends?" Nakataas ang kilay nito, ang kasama niya namang lalaki na assume ko ay ang daddy ni Darius ay hinahayaan lang ang kaniyang asawa na usisain ako.

Pinisil ng mahigpit ni Darius ang braso ko, napangiwi ako ng kaunti dahil sa sakit na dinulot n'on. "Mom, you're scaring her." Tumikhim si Darius at hinila ako palapit sa kaniya, rason para mas lalo kong masinghot ang mamahalin niyang pabango. "Do you mind if we go somewhere?" Dugtong pa niya, halatang ayaw niya rin 'yung sitwasyon namin.

Lumambot ang facial expression ng kaniyang ina, at nginitian kami ng pagkatamis tamis. She's a real beauty, ganito talaga siguro kaistrikto ang mga matatandang koreana sa kanilang anak na lalaki. "Actually, I really don't but Olen, 나는 혼란, 일을 당신을하지 않는 경고입니다! 지금은 모든 게 명확하게합니까?" Wala akong naintindihan sa sinabi niya, masyadong mabilis ang pagkakasabi nito at saka, I really don't understand any languages aside from Filipino and English.

Tumango si Darius, "예, 알고 있습니다." Para akong nahimatay sa kaloob looban ko, this is the first time I heard him spoke korean! Ughhhh.

Pagkasabi niya n'on ay hinila niya na ako palayo sa magulang niya. Gusto ko sana magpaalam at magpasalamat sa oras nito kaso naging mabilis ang pangyayari, nakaalis kaagad kami sa harap nito.

"Restroom na muna ako," hingal na hingal na sabi ko nang makalayo kami sa mga magulang niya, siya naman ay hindi na naman nakatingin sa akin. Tumango ito at pinakawalan ang pagkakahawak sa braso ko. "Saan ba?"

Tumikhim siya at nagsimulang maglakad palayo kaya sinundan ko siya, may mga iilang taong bumabati sa kaniya habang naglalakad kami. Karamihan ay babae kaya umusbong na naman ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib.

"D.O!" Napalingon kaming dalawa ng may tumawag sa pangalan niya, I've seen this guy somewhere. 'Yung birthday boy na maldito last time.

Bahagyang ngumiti si Darius, "Kai," mahinang sambit nito. Nang makalapit na iyong Kai ay nagbump fist sila.

Napatingin naman sa akin iyong Kai, "So, you really brought her here." Nakataas ang kilay nito nang sabihin iyon, ineeksamina ang buo kong pagkatao. Pakiramdam ko nga hinuhubaran niya na ako sa mga titig niya.

Nagulat ako nang biglang takpan ni Darius ang mga mata nito, "Don't stare too much. She's not yours to stare." Seryosong sabi nito.

Marahas na tinanggal noong Kai ang pagkakatakip ni Darius sa kaniyang paningin, "She's not even pretty to stare." Inirapan ako nito. Ouch. Are they best friends? Ang haharsh nila, sarap saksakin.

Tumango si Darius, na siyang inasahan ko na. "I know, so don't stare at her."

Huminga ako ng malalim, I should be used to it. Sa rent-a-girlfriend period of time, I should endure Darius' harsh words. Nahagip ko ang restroom kaya I immediately excused myself, hindi ko na hinintay ang permiso ni Darius at agad na nagtungo sa restroom na hindi naman na kalayuan.

Walang tao nang makapasok ako, agad akong napatingin sa salamin. Napalunok ako dahil sa sobrang gulat, I didn't know na may igaganda pa pala ako kahit papaano. Napapikit ako ng mariin nang maalalang wala namang nakaka-appreciate sa makeover na ito. Not even Darius, at least.

Kumuha ako ng tissue bago pumasok sa mala-kuwartong cubicle.

"Sab, I didn't know you're quite a drama queen." Rinig ko ang mga boses mula sa labas ng cubicle. Kinabahan ako bigla, sana hindi iyon ang Sab na kilala ko.

Halos idikit ko na ang tainga ko sa pintuan n'ong cubicle, I want to hear more. Gusto kong malaman kung iyong Sab nga ba na kilala ko ang narito ngayon sa loob nang restroom.

Narinig kong tumawa ang isa sa kanila, para akong dinaganan ng sandamakmak na hollow blocks ang dibdib ko, si Sabrina iyon. Si Sabrina na malantod!

"You should've seen Darius' face when he saw, epic!" Halakhak niya, napakuyom ako. "Alam ko namang ako pa rin ang gusto niya, hinahayaan ko lang muna siya d'on sa hampaslupang ex ni Elvis. I don't know what he is up to para patulan iyon pero babalik at babalik din sa akin iyon." Nagsitawanan sila, samantalang ako ay napaupo na sa loob ng cubicle nang dahil panghihina, nanlambot ang mga tuhod ko.

Alam niya, alam niyang gustong gusto siya ni Darius pero pinaglalaruan niya lang ito. Nakatulala na lang akong nakaupo sa may cubicle hanggang sa magsilabasan na sina Sab at ang mga kasama niya.

Nang masiguro kong wala na sila ay dahan dahan akong tumayo para makalabas ng cubicle, sandali ko pang pinasadahan ang itsura ko sa salamin. Parang bigla akong na-stress, iba na ang aura ko.

Nang makalabas ako ng restroom ay nakita kong nakasandal si Darius sa pader habang nakatungo at pinaglalaruan ang sleeves ng suit niya, "Darius," mahina kong sambit, sapat na para marinig niya. Nag-angat siya ng tingin, at bahagya akong nginitian na alam ko namang di umabot sa kaniyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at sumandal rin isang talampakan ang layo sa kanya.

"Isn't it ironic?" Panimula niya, hindi naman ako sumagot. Hinayaan ko lang na magsalita siya, handa naman akong makinig sa kung ano man ang mga sasabihin niya. "I rented you as a girlfriend, for her to feel what I felt before or should I say, what I am feeling until now. To make her realize my worth, that I am not always there to wait for her. Para siya naman ang makaramdam ng sakit, pero bakit gan'on? Imbes na siya ang masaktan, ako naman ang nasasaktan." He said with the lowest tone of his voice, hindi ako kumibot pero deep inside nasasaktan din ako, para sa kaniya. Dahil ako na narito sa kaniyang tabi ay walang magawa para maibsan iyong nararamdaman niya. Sana ako na lang si Sabrina.

Sinubukan kong magsalita pero tinikom ko rin agad ang aking labi, I am speechless. Ngayon lang ako nakaramdam nang sobrang insecurities, "Actually, Jade. I'm engaged since I don't even remember when." Dugtong niya matapos ang mahabang katahimikan.

Agad akong napatingin sa kaniya, totoo ba talaga iyang kaniyang mga sinasabi? I thought he was joking. "Engaged?" Nagulat ako pero hindi ko ipinahalata iyon, ginawa kong kaswal ang tono ng pananalita ko kahit na alam kong nagwawala na ako sa loob loob ko.

Tumango siya, "Engaged to Sabrina. Decades ago."

Nanlaki ang mga mata ko at napaatras ako palayo sa kaniya, parang dinurog ang puso ko nang marinig ko iyon. Is he playing games with me? Nangingilid na ang luha ko samantalang siya ay nanatiling nakatungo, "W-What?" I can't seem to find my sanity. Parang bigla akong nahilo. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan nila ako.

Nagtaas baba ang kaniyang adam's apple, hindi pa rin niya ako sinusubukang tapunan ng tingin. "You heard me."

Pinilit kong pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo, "W-Why? Para saan pa 'to? Bakit ako?" Nanginginig ang boses ko, napahawak na rin ako sa pader dahil anytime ay pwede ng bumigay ang tuhod ko.

Huminga siya ng malalim bago ako tinignan, "I'm very sorry. I just wanted Sabrina to realize something, that's why I had to make a deal with you. I don't want her to like me just because we are engaged." Hindi ko mabasa kung anong klaseng ekspresyon ang pinapahiwatig niya. Ni sarili ko nga ay hindi ko na rin alam kung anong klaseng reaksyon na ang nabibigay ko.

Pinilit kong ngumiti, mahal niya talaga siguro si Sabrina. Hindi naman siguro siya hahantong sa ganito kung hindi, 'di ba? He is in love with here since he don't remember when. "I understand." Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang kusang pagluluha ng mga mata ko.

Lumiwanag naman ang mukha ni Darius at ngumiti, "You do? I thought you will be mad at me."

Umiling ako at nginitian lang siya, iniabot niya ang kanyang kamay sa akin, "Let's hold hands?" Inabot ko ang kaniyang kamay at hinawakan iyon. I should probably enjoy this while it last.

〜〜
Maikli 'yung update ngayon. Sorry. Madaming typo at grammatical errors. Maaappreciate ko talaga kung magko-comment kayo. 13 chapters to go!

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon