UPDATE 9

4.6K 104 10
                                    

UPDATE (9)

Jade Aragon's Point of View;

Hinawi ni Darius ang bangs ko na nakatabon sa mukha ko, it made me blush. Buti na lang at gabi na, hindi niya na mapapansin na namumula ako. "Uh- uhm, thank you sa paghatid mo sa akin." Currently we are in front of my cousin's apartment.

He grinned, "It's nothing." I heard him say while he was staring at me.

I genuinely smiled at him and gave him a quick hug, "Really, Darius. Thank you!" Sabi ko sa kanya at tumalikod na para buksan ang gate.

He just stood there while smiling at me, hanggang sa maisara ko na 'yung gate. "I hope I can be with you again." He said seriously and waved his hand.

Imbes na kiligin ako sa sinabi niya, bakit parang mas kinabahan pa 'ko? Hindi ako nakapagsalita at pinagmasdan lang siyang naglakad palayo... sa akin.

I was wondering, bakit pasulpot-sulpot lang si Darius? Lulubog bukas, at lilitaw na lamang bigla. It's not that I find him mysterious or what, I'm just curious if what is he doing everyday. Naku-curious ako kung bakit, minsan mainitin ang ulo niya, minsan masama ang ugali (madalas pala!), minsan sweet, minsan mapang-asar at kung anu-ano pa.

"HOY!" Biglang sigaw n'ung nasa likod ko.

Kaya napahiyaw ako, "Ayㅡ putaㅡ" My heart ran out. Pakiramdam ko parang humiwalay 'yung kaluluwa ko sa katawan ko. Jusko naman. Napalingon ako kung sino 'yung nanggulat sa akin, si Venice pala. "Susmaryosep ka naman Elizalde!" Angil ko sa kanya. Gabi na, ah? Bakit nandito pa siya sa amin? May pasok pa kami ng maaga bukas.

Nginisian niya ako, "Nakita kita." She teased.

Kumunot ang noo ko, kunyare 'di ko alam 'yung pinagsasabi niya. Kunyare, wala akong alam. "Ano na naman?" Bahagya ko siyang tinulak palayo at naglakad papasok ng apartment, sinundan niya naman akoㅡ as usual.

Venice giggled, ewan ko kapag kinikilig si Venice, nahahawa ako at kinikilig na rin. Minasahe ko ang pisngi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti sa mukha ko. Ayokong malaman ni Venice na kinikilig din ako. Huehue. "Sus~ I know you too well, JC." Nginisian niya ako at umupo sa couch, "Kinikilig ka din eh!" Pang-aasar niya.

Umupo ako sa harap niya at tinitigan siya ng masama pero hindi ko na talaga napigilan 'yung ngiti ko. Bwiset. >///<

Napatayo si Venice habang nanlalaki ang mata, "I knew it!" She squealed, "You are in love with D.O!" Sabi niya habang hindi niya rin mapigilan ang ngiti.

Umiling-iling ako pero hindi ko talaga matanggal ang ngiti sa pagmumukha ko, "Oh, shut up Venice!" I muttered, at nag-iwas ako ng tingin. Kainis kasi, masiyadong intrigera. Ugh.

Ngumisi lang siya, "Bakit kayo magkasama ni D.O, ha?" Usisa niya sa akin, napaka-tsimosa talaga ng babaeng 'to. Nakakainis. Pero, gusto ko naman talaga pag-usapan 'yung nangyari kaninaㅡ kasi kinikilig ako. Haha. Hindi pa rin ako maka-getover na nakasama ko talaga siya. Nagpapasalamat pa rin ako hanggang ngayon kay Chase na hindi niya ako sinipot (kahit na halos isumpa ko siya kanina).

Tinanggal ko ang sapatos ko at ngumiti sa kanya, "Sige na nga, wala na 'ata akong maitatago pa sa'yo." I heaved a sigh, para namang na-excite si Venice at umupo pa talaga sa tabi ko. Parang batang naghihintay sa bedtime story. Napailing na lang ako, you can't change Venice, ganyan na talaga siya.

Nakangiti pa rin si Venice habang naka-indian seat, "Hindi mo talaga ako matitiis." She beamed at me.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay, "Whatever!" Sabi ko sabay tayo.

I saw her pouted, "Akala ko ba magku-kwento ka?" She started pouting like a three year old kid. Naalala ko tuloy 'yung pinsan kong si Cedric.

I patted her head, "D'un na tayo sa kwarto ko magkwentuhan." I gave her quick smile and started walking upstairs.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon