UPDATE Y

782 43 54
                                    

UPDATE (Y)

5 months.

Limang buwan na kaming nagsasama sa isang bahay, limang buwan na rin na okay ang pagsasama namin- nakakahiya nga lang dahil gamit namin ang condo unit ni Venice, siya naman ang nag offer sa amin na gamitin namin iyon pero nakakahiya pa rin dahil all expenses paid maliban na lang sa pagkain namin. Nakapasa na rin ako sa board exam at kasulukuyang under probation sa St. Luke's Medical Center. Si Venice naman ay nasa ibang bansa nang muli para ipagpatuloy ang kanyang pag aaral.

Si Darius naman ay patuloy pa rin sa pag aaral niya sa XOXO University, naaawa nga lang ako sa kanya dahil kahit hindi niya sa akin sabihin ay hindi na siya sinusuportahan ng magulang niya. 'Yan ang nalaman ko mula kay Kai nang minsang bumisita siya rito nang wala pa si Darius, mabuti na nga lang daw na may scholarship ito na maaasahan, may allowance din iyon buwan buwan pero alam kong kulang pa iyon sa kanya.

Wala namang problema sa akin dahil sanay ako sa hirap at saka kahit papaano ay may kinikita ako sa hospital kahit na under probation pa lamang ako.

Alam na ng mama ko na nakikipag live in na ako, sa una ay nagalit siya sa akin pero kinausap ko siya nang maayos at ipinaintindi sa kanya. Sa huli din naman ay wala siyang nagawa at hinayaan ako, magpasalamat na lang daw ako at graduate na ako ng college kundi ay kinaladkad niya daw ako palabas sa unit.

Alas quatro na ng hapon nang matapos ang duty ko, alas sinco naman ako nakakauwi sa condo unit at si Darius naman ay mamaya pang alas siete y media ng gabi dahil may practice game pa siya.

Tungkol naman d'un sa supposed-to-be marriage nila ni Sabrina ay ini announce din sa tv na made-delay iyon para siguro mapagtakpan ang ginawang pagsuway ni Darius, iyon ang panayam nang mommy ni Darius nang ma interview ito ng isa sa sikat na showbiz channel. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa mapunta sa show business ang buhay ni Darius, samantalang hindi naman siya celebrity.

"Pauwi ka na?" Tanong sa akin ni Elle, kasamahan ko sa hospital. Under probation din siya katulad ko, nauna nga lang siya nang dalawang linggo sa akin.

Nginitian ko siya at tumango ako, binuksan ko ang locker ko para kunin ang mga pamalit kong damit, "Ikaw?" Pabalik na tanong ko sa kanya habang inaayos ang medical kit na dala dala ko palagi.

"Oo sana kaso pupunta pa ako ng XOXO University," sabi nito habang hinuhubad ang scrub suit na suot nito.

Napatingin ako sa kaniya, "Anong gagawin mo d'un?" Agad na tanong ko dahil nakuha niya ang buong atensyon ko.

Nagkibit balikat siya, "Hindi ko rin alam, eh. Ang sabi kasi ng pinsan ko may practice game daw kaming panunuorin." Sabi nito at kinuha rin mula sa locker niya ang pamalit niyang damit.

Tumango ako, gusto ko rin manuod nang practice game kaso madami pa akong aasikasuhin sa condo unit. At saka hindi rin ako nakapagsabi kay Darius na bibisita ako, next time na lang.

Nang makapag bihis at nakapag ayos nang mga gamit ko sa locker ko ay nagpaalam na ako kay Elle at tumulak na pauwi. Nakasanayan ko ng magtext kay Darius kapag pauwi na ako.

To Darius<3:
I'm on my way home. What are you doing? I love you.

Message sent.

Iyan ang tinext ko bago ako sumakay nang Jeep pauwi.

**

Naglalakad na ako patungo sa condo unit ni Venice nang mapansin kong madaming naka black suit sa labas nito at nakabukas na ang pinto ng unit.

Dinapuan ako ng kaba sa aking dibdib kaya halos takbuhin ko na ang papunta sa loob. Napaawang ang labi ko nang makitang magulo ang living room dahil halos baliktarin na ng mga lalaking naka black suit ang bawat gamit doon.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon