UPDATE W

801 40 58
                                    

UPDATE (W)

"Luh!"

Napakalas kami sa pagkakayakap ng biglang sumulpot sa likod namin si Venice, she's smiling like an idiot. Napatago kaagad ako sa likuran ni Darius, nahihiya kasi ako kay Venice dahil sa hindi kami nagkausap ng maayos kagabi at bukod pa d'un sinabi kong hindi na kami magkakabalikan ni Darius.

Hinawakan naman ni Darius ang kamay ko, malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. "Ven, don't tell my mom, okay?" He said, desperately.

Nagkibit balikat si Venice at inilapag sa may counter ang dala dala niyang paper bags, which I assumed grocery bags. "Don't worry, hindi ko ipagsasabi kahit kanino. Alam ko naman ugali n'un ni Tita." Marahan niyang sinabi habang inaayos ang mga binili niyang mga pagkain.

Tita? Close sila nang mommy ni Darius? Nakakainggit.

Hinila ako ni Darius at niyakap ulit, "Yuck! D'un nga kayo sa labas ng kusina, kadiri kayo!" Binato kami nang isang ply ng tissue ni Venice, humalakhak si Darius kahit na natamaan siya ni Venice sa ulo. Ako naman ay tahimik lang.

Naiintindihan kong ayaw sa akin nang mama ni Darius, pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan na malaman na ayaw ipaalam ni Darius ang tungkol sa amin.

Nagpatianod lang ako kay Darius patungo sa living room, madami siyang kinukwento sa akin pero walang pumapasok ni isa sa utak ko. Pre occupied pa rin ako sa katotohanan na malayo ang agwat namin, na langit siya at lupa lang ako. I mean, let's face the reality, mahal namin ang isa't isa, oo (at least that's what I knew). Pero, hindi naman pwedeng habang buhay na ganito lang kami. Kailangan pa rin ng basbas nang magulang ang bawat relasyon. At nakakainis isipin na hindi ko iyon maaabot sa piling ni Darius.

I went back to reality when I felt Darius cupped my face, "What's wrong?" He asked, worried and concerned.

Umiling ako at nginitian siya ng tipid, umupo ako sa couch para maiwasan ang usapan kung ano ang problema ko. Dahil walang sagot sa problema ko, na kahit sabihin ko sa kaniya ang bumabagabag sa isipan ko ay wala siyang magagawa. Ayaw sa akin ng magulang niya, hindi niya maipipilit iyon.

Tinitigan niya lang ako, nag iwas ako ng tingin at dinampot sa center table ang remote control para mailipat ang channel, "I know there's something wrong." Umupo siya sa tabi ko at pilit na hinuhuli ang tingin ko pero ifinix ko na ang buong atensyon ko sa panunuod ng Asia's Next Top Model 3.

Ngumiti lang ako nang tipid pero hindi ko siya tinapunan ng tingin, sumuko din naman siya sa pangungulit. Kaya napagdesisyunan kong makipag kwentuhan sa kanya ng normal kahit na wala ako sa mood, ayoko kasing malaman niyang importante sa akin na tanggapin ako ng magulang niya dahil alam ko naman na agad ang sagot d'on, imposible.

Nananghalian kaming tatlo, kasama si Venice. Wala akong ibang ginawa kundi ang makinig sa usapan nila ni Darius na hindi ko naman alam, nakaka out of place. Pero hindi ko pinahalata iyon, best friend ko si Venice at boyfriend? ko si Darius kaya okay lang na mag usap silang dalawa. Sa pakikinig ko sa kanilang dalawa ay d'un ko napag alaman na matagal na pala silang nagkikita ni Venice sa mga business parties before, kahit bago pa sila nag college pero tsaka lang sila nagkakilala ng matino n'ung sa may gasoline station papunta sa bahay namin sa Rizal. Naiinggit ako dahil wala akong maikuwento na makakarelate kaming lahat, bukod sa kakaunti lang ang alam ko na tungkol kay Darius ay hindi pa ako makasunod sa kwentuhan nila. Buti pa si Venice ay kahit papaano, may alam tungkol sa kanya.

Paminsan minsan ay tinatanong nila ako, hinihingi ang mga opinyon ko. Sumasagot naman ako ng masigla dahil ayaw kong malaman nila na may bumabagabag sa akin. Now that I think about it, sana pinanganak na lang din akong mayaman para hindi ako minamaliit nang mga tao kahit na hindi naman nila ako kilala. Para bagay na talaga kami ni Darius.

'Yung katabi ko sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon